Chapter 1

18.8K 195 11
  • Dedicated kay Mary Joyce Maramag
                                    

Chapter 1

First Day

"AHHH!!!"

Papasok pa lang sa gate ang kotse namin ay tilian na agad ang mga babae. Paano ba naman sila hindi titili? Nakita na nila ang kotse ng kanilang mahal na prinsipe.

“Hayyy... Ayan na naman,” bulong ko atsaka nagparada sa di kalayuan.

Nagulat ako ng biglang may naghagis ng bag ko papunta sa aking mukha. Mabuti na lang at mabilis ko itong nahawakan.

“Baba na, dali!” naiinis na wika ng walang hiyang lalakeng 'to.

“Di mo man lang ba ako pagbubuksan ng pinto ng sasakyan mo? Kahit konting pagka-gentleman naman dyan." inis kong wika sa kanya.

“Ako na nga yung nagmaneho ako pa ang gusto mong magbukas ng pintuan ng kotse para makalabas ka?" tanong niya na para bang di siya makapaniwala na gagawin niya 'yon.

"A-huh!" pagsang-ayon ko.

Nagulat na lang ako ng bigla bigla niya akong pinagtutulak palabas ng kotse niya. At halos madapa ako ng makalabas ako sa kotse.
 
“Walang hiya ka! Kung alam lang ng mga babaeng 'yan kung gaano kasama ang ugali mo, tingin mo magiging pogi ka pa sa paningin nila?!” galit na sigaw ko sa kanya.

“Ang dami mong satsat," balewalang sabi niya.

"Ang sama sama ng ugali ng lalakeng ito. Sa tingin ko ampon talaga siya. Mabait naman si mommy, mas lalo naman si daddy. Pero bakit siya wala man lang kabaitan sa katawan?" tanong ko sa aking sarili.

"Kung makasalita ka parang wala pa ako dito a. You're backstabbing me, Mika!" litanya niya.
 
“Am I at your back?!" ganti kong pambabara sa kanya.

"Whatever," walang emosyong sabi niya at nag-umpisa ng maglakad paalis.

"See you at lunch!" sigaw ko.

"May lunch date ako mamaya. Malaki ka na, kaya mo na ang sarili mo."

Nagulat ako sa sinabi niya. Wait...

"Mich naman e!" pagdadabog ko. "Kung biro man 'to di na ako natatawa."

"I'm dead serious, Mika. Kumain ka na mag-isa sa cafeteria mamaya. Kung may lalapit sa iyong lalake, gamitin mo para may kasama ka," sabi niya at tuluyan ng nakaalis.

Iyan ang ugali niya pag dating sa akin! Nakakalungkot isipin na kakambal ko ang isang tulad niya.

Paano na ako mamaya? Ayokong kumain mag-isa.

“Hey Girl!”

“Loner ako! Wala akong kasama mamayang kakain! Paano na yan!”- yan ang sinasabi ko habang naglalakad ako.

“Hey girl! Haloo! Hoy babaita!”

Napatingin ako bigla sa tumawag sa akin!

“Kanina pa kita tinatawag di ka man lang pumapansin! First day na first day may problema agad?!”- dona

Siya nga pala si Dominick Nathaniel Santos a.k.a Dona. Siya ang mismo nagbinyag sa sarili niya bilang Dona! Syempre may konting kendeng na daw sa kanyang katauhan! Friend ko siya since first year! Kung paano? Mahabang istorya!

“Paano ba naman kasi! Wala akong kasamang maglunch mamaya!”- ako

“Hanggang ngayon ba naman! Di mo pa rin kayang kumain mag-isa!”

“Dona! Pwede favor?”- ako.  With evil smile na yan!

“What?!”- dona

“Pwede ikaw n...”- ako

YES, I LOVE  YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon