Chapter IV: Clarith's not so sweet revenge

139 1 0

Clarith's P.O.V

Kamusta kayo madlang bayan? Oh, teka...kilala nyo ba ako? Hindi? hay nako sige na nga magpapakilala ako sa inyo. Ako si Clarith Salazar. Oo ang Clarith Salazar na pinahiya ni Michael John Trinidad ng Prestige Perfects. Ewan ko ba, sa tuwing naalala ko ang pangalan nya kumukulo ang dugo ko! Ipahiya ba naman ako noong first day ko dito sa Reinhold?! Pasalamat sya at anak sya ng may-ari nitong school kasi kung hindi, matagal ko nang pina-assassinate yang lalaking yan.

Ano ba naman kasi pumasok sa isipan nung lalaking yun? Ang kapal talaga nyang gawin sakin yun, sa ganda kong 'to. Oo tama ang nabasa nyo, isa akong magandang nilalang. Maputi ako, bilugan ang mga mata, matangos ang ilong, perfect shape ang lips ko at isa pa, petite ako. See perfect doll image! Hmmmmph, naiinis talaga ako sa Michael na 'yan! Pati dun sa ibang member ng Prestige Perfects!

"Hoy, Clarith. Ano bang tinutunganga mo dyan?" tanong sakin ni Alicia Claire Feliciano.

"Wala, naalala ko lang 'yung nanyari sa'kin nung  first day ko dito." sagot ko sa kanya.

"Ah, yun ba yung pinahiya ka ni Michael?" tanong ni Isla Villar sa'kin.

Sa nakikita nyo naman, kaibigan ko ang Miracle Idols- ang grupong katulad ko, ayaw din nila sa Prestige Prefects. Well, hindi naman lahat ng members ng Miracle Idols ay kaibigan ko, exception dun si Pierre Francis. Hindi ko kavibes yung lalaking yun. Napaka-mysterious nya tapos minsan lang kung sumama samin yung lalaking yun, lagi syang nasa ibang group of friends nya! Sayang, type ko pa man din sya! Di bale, di ko kawalan.

"Oo, pwede bang wag mo naman ipaglandakan sa buong mundo na napahiya ako?" bumuntong hininga lang ako.

"Ah, so gusto mo bang gantihan si Michael, syempre kasama na dun ang iba pang Perfects?" tanong ni Lucas Clark Feliciano.

"Naman! Gustong-gusto ko gumanti sa kanila!" medyo napalakas ata yung sagot ko kasi napatalon sa upuan nila sila Alicia at Isla.

"Whoa~ Easy lang girl, gaganti tayo! Promise ko sa'yo yan, pero syempre, kailangan mong magbigay samin ng plano, tutal, this is your revenge~" nakangising sabi ni Isla sa'kin.

"Leave the planning to me~ I'll present to you the sweatest revenge~" ngumiti ako sa kanila.

-Two days later-

"Guys~ Guess what?" masayang pagbati ko sa kanila.

"May plano ka na?" tanong ni Isla.

"Yup and for that, kailangan natin ng konting mga goon-look-alike..." pagpapaliwanag ko.

"Huh? Teka, iexplain mo nga muna kung anong plano mo samin..."utos ni Alicia.

"Ah ganito yan..." at nagsimula na ako sa pagpapaliwanag.

-Afterschool, outside a certain Cafe-

Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))Basahin ang storyang ito ng LIBRE!