Chapter V: Planing a Payback!

158 4 2
                                    

-Adrianne' s P.O.V-

Ilang araw matapos ang "sweetest revenge" ni Clarith Salazar at ng Miracle Idols except for Pierre, hindi pa rin napagpapasyahan ni Michael na gumanti. Kahit naman na walang kwenta at nag-aksaya lang ng panahon ang mga nilalang na iyon, hindi pa rin mapapalampas ni Michael ang nanyari. Well pati din naman kami eh, lalo na ako, sinayang ko ang pinamahalaga kong energy para siraiin ang plano ng mga kutong-lupang iyon. Likas na tamad ako eh kaya malaking kawalan yon. Wag na kayong kumontra, mga chupipay. Kaya nga lang, wala pa rin plano si Michael para sa payback namin.


"Anong plano mo ngayon, Michael?" tanong ko habang nakahiga ako sa isa sa mga couch ng Prestige Lounge-ang special dorm na ginawa para lang sa'min, courtesy of the ever-so-generous Michael John Trinidad.


"Tinatamad pa akong mag-isip eh. Ayos lang naman na hindi tayo agad gaganti eh." sagot ni Michael.


"Oo nga naman, Adrianne...tignan mo, stressed silang apat ngayon oh. Halatang kinakabahan." natatawang sagot ni Keanne. Kungsabagay, may punto din naman siya.


"Nasan ba sila Scarlet at June ngayon? Di ko pa sila nakikita ah. May pinuntahan ba sila?" at dahil sobrang galing ko, bukod sa late na akong nagising, hindi na rin ako umalis dito sa Lounge. Mamayang second-half na lang ako ng klase papasok. Wala din naman importanteng activity dun sa first-half eh.


"Hindi. Nagvolunteer na bumili ng pagkain natin." sagot ni Matthew. Naks ah, kung kailan nagbabasa tsaka di suot ang salamin nya. Hanep...


"Maniwala naman sa'yo. Si June Capiobianco, ang babaeng sintamad ko, magvovolunteer na bumili nang pagkain. May sakit ba sya?!" hephep, wag aangal, shocking talaga na marinig na nagvolunteer ang babaitang iyon.


"Seryoso ako. Pati kami nagulat eh. Una si Michael nanlibre tapos ngayon naman nagvolunteer si June. Anong sunod? Ikaw magiging mabait?"pabirong tanong ni Matthew. Dream on, dude.


"Pero Matt, hindi pa ba kabaitan ang matatawag mo sa ginawang pagpapakilala sa'yo nyang babaeng 'yan sa long time crush mo na si Natalie Rayne Carillo?" nice one Keanne! Nakakatawa ang ekspresyon ni Matthew sa mukha nya. Namumula sya oh.


Hindi ko masasabing kalandian yun kasi ba naman, since childhood papala crush nitong Matthew na ito si Natalie. Medyo sweet nga eh.


"Oh sya sige, pag nagkaroon na ng interes magkaboyfriend yan si Adrianne, siguradong end of the world na." natatawa si Keanne sa sinabi ni Matthew.


"Paano kung sabihin ko na may crush kay Michael yan si Adrianne?" aba't sira ulo pala itong si Keanne eh. Kahit kailan talaga puro kalokohan ang alam


"Malandi ka." sabi ko.


"No offense Adrianne pero, Keanne kadiri ka ah!" sabi ni Michael. "Pero dahil dyan, may naisip akong magandang ideya para pahiyain ang Miracle Idols at si Ms. Clarith." gusto ko ang ngiti ni Michael ngayon. Halatang interesting ang plano nya.


"Anong plano yan ah? Share naman dyan!" pambungad na bati ni Scarlet. Mukhang malakas ang pandinig nya ah.


"Walang magrereklamo sa binili namin. Ang magreklamo magbabayad sa'kin ng doble." pagbabanta ni June. May dala silang dalawang box ng pizza mula sa Yellow Cab, anim na Frappé mula sa Star Bucks at isang box ng doughnut mula sa Krispy Kreme. Ayos ah, puro masasarap!


Nang makaupo na kami at nakapag-dasal (Thankful kami kay God para sa pagkain, bait namin no?) , tinanong na ulit ni Scarlet si Michael.


"So ano na yung plano mo para sa ating Payback de Grandé?" usisa ni Scarlet- ang forever curious kong best friend.


"Bago ang lahat, kilala nyo ba kung sino ang crush ng Miracle Idols at pati na rin ni Ms. Clarith?" tinignan ako ni June at Keanne.


"Well for one crush ni Pierre ang Adrianne natin. Tapos sure akong crush ka ni Clarith." sagot ni June.


"Ang kulang na lang ay dun sa kambal, kasi hindi naman sa pagmamayabang pero narinig ko mismo mula kay Isla na crush nya ako." eavesdropper ka Keanne ah.


"Type ni Pierre si Scarlet at hindi ako. Get your informations right. As for the twins, I heard that Alicia likes boys that matches Matt's looks and outward personality. Tapos dun naman sa clown na lalaki, si June ang perfect fit sa type nya." sabat ko. Ayan ay pawang katotohanan lamang dahil ako mismo ang nangalap nyang mga infos. na yan. Ako kasi ang napakagaling na Information Broker ng Reinhold! Okay sige, aamin na ako, gawa-gawa ko lang yung information na si Scarlet ang crush ni Pierre.


"May pagkadense ka din no, Drian?" natatawang tanong ni Scarlet.


"Anong trip mo at ginamit mo petname ko?" pinagtaasan ko ng kilay si Scarlet. Sya lang kasi yung madalang na gumamit ng petname ko. Pero lately, napapansin ko napapadalas ata...bahala nga sya sa buhay nya.


"Ang dense mo kasi. Halata naman na crush ka ni Pierre eh." sige ako na pinagtawanan nila. Bwisit 'tong mga 'to. I am perfectly aware naman sa mga nararamdaman ng iba para sa'kin eh, yun nga lang, sorry sila, insensitive ako eh, ah no, hindi sa pagiging insensitive, sadyang wala akong pake sa kanila. Wala tayong magagawa dun.


"Scarlet dear, baka gusto mo sabihin ko kay kuya Gray mo na nakikipagdate ka. Alam mo naman na magaling ako gumawa ni storya." nagbibiro lang ako syempre. Hindi ko gagawin ang kacheapan na yun.


"Joke lang Drian. Nga pala bat mo na tanong kung sinu-sino ang mga crush nila?" natatawa nga sila nung malaman nila na crush sila ng kaaway namin. Napaghahalataang mga papansin kasi.


"Kasi kailangan yan para sa payback natin. What do you say about embarrassing them and breaking their hearts?" nakangisi si Michael. Devil in disguise ka talaga.


"I'd say that's a plan to see..." mas mabuting panuorin ko ito, tutal hindi naman ako magpaparticipate eh. Or so I hope. Tinatamad kasi talaga ako eh.


"Medyo kadiri yun plano pero worth it. Two birds in one shot."  nakangiti ngayon si Matthew. Heh, nangangati na yang magpahiya, panigurado.


"Let's hear out your plan, Michael." and our maldita/maldito switch is on.


Maghanda-handa na kayong mga kutong lupa. You messed up with the wrong group. We will show you that Payback's a b**ch!


TBC

_____________________________________________________________________________

A/N: kung may mga mali man dyan/ typos pagpasensyahan nyo na, sa cellphone ko lang sinulat 'to. Umayos kayo buti nga may update eh.

Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon