Ian's POV

Mabilis tumakbo ang panahon, Last Grading at hanggang ngayon hindi ko parin kung ano kami ni Kane. Ganoon parin ugali niya masungit, chickboy, pinagkakaguluhan ng mga babae pati ata bakla.

Naglipatan nadin ng mga upuan, lahat ng magkakatabi magkakaibigan at ako nanatili ako sa likuran wala naman ako kaibigan sakanila, ang tingin nila sakin ahas dahil kay Kane, pero hindi ko na lang pinapansin pinagsasabi nila.

Nagmamahal lang naman ako eh,

Kahit nga hindi ko alam yung lugar ko sa buhay ni Kane na natili ako sa tabi niya, kahit na minsan sobrang sakit na.

One time pa nga nahuli ko si Kane, may kasamang iba, kayakap.

That time.

Uwian na non, siyempre ano ba ang title ng kwento? Diba I am his stalker? Ganon parin ginagawa ko kahit alam na ni Kane, Sinundan ko siya ng lumiko siya sa coffee shop sino pupuntahan niya doon?

Pumasok siya sa loob, siyempre ako din tinakip ko sa mukha ko yung Menu, parang hindi niya ako makita at dahan-dahan akong tumingin sakaniya nung nakita ko siyang tumayo napatagilid ako sa upuan akala ko nahuli na niya ako. Nakita ko yung reflection nila sa bintana nung girl hinalikan niya sa labi.

At that time gusto ko magwala, gusto ko magalit, gusto ko siyang sumbatan but reality hits me. Paano kung gagawin yun eh “Hindi nga kami” walang nga “Kami” That time nakatitig lang ako sakanilang dalawa.

 

Kaya everytime na lumalapit sakin si Kane alam ko na yung Role ko, ako yung sasalo kapag wala yung mahal, ako yung magbibigay kapag hindi kayang ibigay ng iba. Wala pang nangyayari samin ni Kane maliban sa pahalik-halik niya.

 

Sinundan ko sila nung lumabas sila ng Coffee shop, tumaas yung mukha ko ng makita ko yung karatulang nakasulat sa pinasukan nila “MOTEL” Kinagat ko yung ibabang labi ko para pigilan yung pagsigaw ko.

 

Ang sakit-sakit kase eh.

 

Naghintay ako sa labas ng lugar na iyon, gusto ko makita si Kane, gusto magexpect na meron akong aasahan kahit wala. Sabi ko sa sarili ko. Isa na lang kapag wala pa siyang ginawa isusuko ko na talaga siya.

At para nga naman akong sinampal na pagkakataon. Nakita ko ni Kane. Nakatitig siya sakin, Nagtataka, kinunotan niya ako ng noo. Wala siyang ibang sinabi kundi “Anong ginagawa mo dito?” Gusto ko siyang murahin that time.

“Sinusundan ka” Napangiti ako ng mapait.

“Alam kong may gusto ka sakin Ian, pero hindi naman ata magandang sumobra” Gusto ko matawa sa sinasabi niya. Wag sumobra eh siya ba? Hinahalikan niya ako! Kahit walang kami, kahit na hindi ko siya boyfriend nagagalit siya kapag may lumalapit sakin. Tapos ano ulit?

“Ganon ba iyon Kane?”

 

“Sorry, Ian. .”

Hindi ko siya iniiwasan pero ako ang iniwasan niya, Bali-balita nadin na may girlfriend na talaga siya. Minsan kapag naiisip ko yun gusto ko magwala, Nuon iniisip ko kung ano ako sakaniya, Girlfriend ba, kaibigan, bestfriend pero think none of the aboved.

Hinayaan ko yung sarili ko na mahalin siya sa malayo, although madalas iniinstalk ko padin siya, minsan sinusundan ko pauwi, susundan ka coffee shop kahit na alam kong hindi handa yung puso ko sa mga mangyayari.

“Guys listen!” Doon bumalik ako sa realidad.

“By Fair again, at sa lahat ng subject sila na ang partner niyo so para walang dugaan magbubunutan tayo” Napabuntong hininga na lang ako. I wish na sana hindi ko siya maging partner mahirap kase.

Nagsimula na silang lumakad. Papunta sa table ni ma’am para bumunot. Ang klase ng bunutan isang diretso lang. Diagonally at kasama ako sa bubunot.

“Jenny parter kita” Terence said. Natawa ako kasi matagal na siyang may gusto kay Jenny at wish granted ang mokong. Napaismid naman si Jenny.

“Next” ma’am said

“Besh hindi tayo kami ni Love” Ang magkaaway sa school, baka nga ito na yung way para maging magkaibigan sila.

Hanggang sa nakabunot na ang ilan, At pangalawa ako sa huli si Jebbies at Kane na lang nag natitirang walang partner.

“Jebbies please”

Napabuntong hininga na lang ako ng makita ko ang pangalan ng nabunot ko at I was him over and over again.

Steffhen Kane Villacruz.

I sigh. Kaya ko to. Ilang weeks ko lang siya magiging kagroup at in the end tapos na ang lahat kahit na laging nanatili yung pagmamahal ko.

“Hi Ian” tumingin ako sakaniya, I smiled. Kahit na alam ko sa ngiti ko maraming itinatagong sakit at galit lalo na pagmamahal.

“Hi kane” talking to him again is never easy. Pakiramdam ko bumalik kami ulit sa dati. Sa unang pagkikita. Bumalik lahat sa una.

“How are you Ian?” He smiled.

Eto hanggang ngayon mahal ka pa. I wish I can say that to him. Pero hindi na pwede eh, iba na ang ikot ng mundo. May girlfriend na siya at ako mananatili lang sa tabi niya hanggang pwede pa.

“I’m fine” I smiled to him.

~~

This. Hahahahahhahahahahahahahaha ano kayang mangayyari sa ilang linggo nilang pagsasama babalik kaya sila uli sa dati? What do you think guys? Vote & Comment :*

I am his Stalker. (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!