Entry19

2.7K 67 6
                                    

Ian's POV

 

“Tumahan ka na, babalik naman ako eh, at sa pagbalik ko pakakasalan na kita” Umaasa padin ako na panaginip lang ang lahat. Umaasa ako na hindi siya aalis. Masiyadong matagal yung apat na taon para hindi ko siya makita, hindi ko siya makasama masiyadong matagal hindi ko kaya.

“Anak?” Tumingin ako si Mama pala. Nagulat ako ng yakapin niya ako.

“Anak hindi mo ba siya pupuntahan? Mamaya na ang alis niya” Muli napaiyak nanaman ako. Ang bigat-bigat ng dibdib ko. Parang hindi ko kaya paano ko sisimulan yung araw ko na hindi ko siya nakikita?

“Ma ang hirap” Hinawakan ni mama yung kamay ko.

“Kaya mo yan anak, babalik naman siya diba?”

“Pero ma apat na taon yun, apat na taon masiyadong matagal” Naiiyak kong sabi.

“Apat na taon lang yun nak, mas maraming taon na magkakasama kayo kapag natapos yung apat na taon” Tumingin ako kay mama.

“Ma” Humihikbing sabi ko. Niyakap ako ni mama.

“Magayos kana, baka mamaya lalong hindi mo siya abutan magiiyak ka pa lalo” Tumayo ako sinunod ang sinabi ni mama. Nakaharap ako sa malaking salamin, namamaga yung mata ko.

Lumabas ako ng mabahay, sumakay ng tricycle papunta sakanila, ang naabutan ko dun, nagsasampa na sila ng bagahe ni Kane sa kotse.

“Ian” Napangiti na lang ako ng makita ko si Tita, agad naman niya akong niyakap pero pinigilan kong umiyak sabi niya be brave. Then I will be brave.

I am his Stalker. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon