Prologue

1K 123 10
                                        

JOIN NOVA and witness how these unwanted criminals uphold the responsibility of being a vigilante in favor of this mysterious man they call 'Papa.'

Note. This story contains violence, profanities, and other serious topics and themes that may not be advisable for those who are at the very young age to read.

Disclaimer. This is a work of fiction. Certain long-standing institutions, agencies, and places are mentioned, but the characters, the unauthorized groups and the illegal doings involved are wholly imaginary.

-----

Prologue:

           

𝙲𝚎𝚋𝚞 𝙲𝚒𝚝𝚢𝟶𝟷𝟷𝟸𝟸𝟹 / 𝟷𝟿:𝟸𝟺

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

𝙲𝚎𝚋𝚞 𝙲𝚒𝚝𝚢
𝟶𝟷𝟷𝟸𝟸𝟹 / 𝟷𝟿:𝟸𝟺

       

"Simple lang, hindi ba? In that way kaya pa ring maipadala ang pera nang hindi lumalabag sa international financial laws," ani ng isang binata na nakasandal sa couch ng isang magarang suite na kinaroroonan nila, matapos niyang maipaliwanag ang mga plano sa matandang senador na kausap. Napangisi naman ang kausap at humanga sa sistema nito.

      

"As expected sa isang mahusay na money launderer. Kung ganoon, bayad mo na lang ang pag-uusapan-"

       

"I'm not done yet," napakunot ang noo ng senador na nakapagpangisi sa binata. Pinagsiklop nito ang mga palad, ipinatong ang mga siko sa kaniyang tuhod at naniningkit ang mga matang tumingin sa senador. "Scam ang project na ipapagawa ninyo at balak ninyong itakbo ang isang bilyong piso ng Pilipinas..." Hindi iyon tanong. Sigurado ang binata sa kaniyang tinuran dahilan ng pagdilim ng mukha ng matanda. "Kaya bakit hindi pa ninyo lubusin?"

        

"Ano ang ibig mong sabihin?"

        

"Doblehin ninyo ang project, magpatayo pa kayo ng kahit ano, kayo ang bahala tutal hindi rin naman ninyo iyon totoohanin. Bakit? Kuntento na ba kayo sa isang bilyon na 'yon?"

       

Naghari ang katahimikan. Mayamaya ay binasag ito ng malakas na tawa ng matanda ngunit hindi sa nakakainsulto na paraan, tila ba lalong nadagdagan ang paghanga sa binata.

         

"Kaya ba ng isang linggo?"

         

"Makakaasa, pero dahil nagmamadali at doble pa sa napag-usapan, triple ang magiging commission at kailangan ninyong mag-down ng kalahati ng orihinal na napag-usapan."

The Fallen RavensWhere stories live. Discover now