CHAPTER 1

35 0 0
                                        

Joey's POV

Joey Kyra Garcia. Senior High Transferee Student. Expelled from Rydell High.

"Wow, nice transcript. Anyway, here at Southdale University, little do we care about things like this. We accept students no matter what circumstances there is. We are known for transforming "trouble students" to be one the best in whatever course they choose. We also provide the best teaching method and the best facilities a school could give to students who excel and will be outstanding someday."

" . . . " okay. Tapos na ba sya. Hindi naman ako interesado sa mga sinasabi niya.

"I think I've said to much. Okay. Here, take this handbook and read it. Those are the rules and regulations of the school that needs to be followed at all cost. It also has a map of the whole school in case you get lost. And here is your class schedule and written above is your section. Any questions?"

"Hmm . . ." sabay iling. Ang gusto ko lang ay makaalis na ng opisina mo at makapunta na sa bagong classroom ko.

"Good. You may go!"

Hayy salamat!

*****

Sobrang laki naman pala ng University na to. Sa bagay, meron silang grade school - college students. Although magkahiwalay ang campuses nila, nakakalito pa din.

Ito na yata ang building ng klase ko.

Normal Class 1 (NC1) Room 501b

Huh?

501- 510⬅ ➡501-510

Ugh! Hindi man lang nilagay kung kaliwa o kanan. Nasaan ang 501b?!

Hayy . . .subukan ko muna sa kaliwa.

510

509

508

. . . . .

501

Sa wakas.

*Opens door*

What the . . . !

Sila ba ang bago kong mga classmates? Bakit sasampu lang?

"Excuse me student. What do you need?" Tanong sakin ng isang matandang professor na mukhang naistorbo ko sa pagsasalita.

"Transferee student" yung lang ang sinagot ko sabay abot ng registration card ko.

"What? I didn't get any memo that I will have a new student and besides, my class is already full . . ." pag eexplain nito bago tignan ang card ko.

Dahil malabo ang mata niya at may katandaan na din ang tagal niyang tinitigan ang card ko. Habang hinihintay ko siyang matapos usisain ang reg card ko nakaramdam ako na parang may nakatingin sakin.

Nilibot ko ng tingin ang room na napuntahan ko. Saktong sampung estudyante lang ang nandito. Halos lahat sila ay may kanya kanyang pinagkakaabalahan.

May isang may hawak ng libro. Meron namang nakadukdok sa hawak niyang sketch pad. May isa pa na . . . nag tsa tsaa? Sa loob ng room?

Habang nililibot ko ang tingin ko may napansin akong isang estudyante. Nakapwesto sa pinakalikod ng klase at wala ginagawa.

Siya nga. Siya yung nakatitig sakin kanina pa. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Pero naiinis ako. Bakit niya kailangang tumitig ng matagal. Nag hahanap ba siya ng away?

"Oh okay. You got the wrong room. You are from Normal Class 1. It's on the opposite side. You should've turned right. This is Special Class 1 Room 501a. Got it?" Sa pananalita niya parang foreigner ang professor na to. Italian accent?

I've Fallen In Love With YouHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora