Where Am I? .. Where Are We?

Comincia dall'inizio
                                    

"Oo hindi rin naman ako makakaalis at hindi rin ako makagalaw." kausap ko siya at nararamdaman ko ang prisensya niya.

Kaya feeling ko safe ako.

Feeling ko walang gagalaw sa akin.

At feeling ko inaantok na ko.

. . . . .

==Daniel's POV==

"MissNandyan ka pa ba?" tanong ko. Ang init putek! Basang basa na naman yung likod ko. Nakakainis sa pakiramdam.

"Oo hindi rin naman ako makakaalis at hindi rin ako makagalaw." sumagot siya.

Hindi ako makagalaw talaga. Kahit anong gawin ko walang nangyayari. Bakit ba ko napasok sa ganito? Teka teka, ano nga ba itong pinasok ko?

Hala hindi na sumagot si Binibining Rosaryo.

"Miss? Ok ka lang?"

Aba't walang sagot! Kinakabahan na tuloy ako. Baka may mangyaring masama sa kanya. Kung emron nga, malamang maya-maya may mangyayaring masama na rin sa akin! Tsk tsk. Ano bang meron!??

Bigla na lang may humatak ng blindfold ko. Nasilaw ako.

Nang umayos na ang paningin ko, nakita ko ang lalaking kalbo na medyo malaki ang katawan. Mukhang goons. Alam niyo naman siguro yung hitsura ng mga ganon diba?

"Kuya? Anong meron? Bakit ako nakatali?"

Hindi siya sumagot. Poker face pa siya. Nubayan. Naisip ko na ring kinidnap ako kasi mayaman naman ako at kilala naman ako. Pero mukhang hindi iyon ang dahilan kasi nang lumingon ako sa gilid nakita ko si Ms. Rosaryo, Kilala ko na siya kahit nakablindfold pa siya. At mukhang nakatulog ulit siya. Kinakabahan na talaga ako.

Maya-maya, tinanggal na rin ni Mr. Clean (Ung Goon na kalbo) yung blindfold niya. Kitang kita na nagulat siya at nasilaw din siya sa biglaang pagkakita ng liwanag.

"SINO KA! ANONG GAGAWIN MO SA AKIN!??" bigla na lang nagsisigaw to. Iskandalosa pala to eh. Hmmm. Erase erase. Nasa panganib na nga kami ganito pa rin iniisip ko.

Ang weird. Hindi pa rin sumasagot ang lalaki. Bumalik lang siya sa kinatatayuan niya sa may labas at isinara ang pinto.

Nagpupumiglas yung cute na babae tapos napalingon siya sa direksyon ko.

"Kuya? Kuya! Pati ikaw?"

Tumango na lang ako.

"Tch. Ano ba namang buhay to. Nakidnap pa ako eh hirap na hirap na nga ako." sabi niya.

"Naku hindi ko talaga alam. Ang init! Kinidnap na tayo tapos parang wala naman silang pakialam sa atin. Bakit ba ganoon. Ayos ka lang? May masakit ba sayo" tanong ko sa kanya kasi nakikita ko talagang nahihirapan siya sa sitwasyon namin ngayon.

"Mamamatay tayo dito"

Nagulat na lang ako nang may biglang magsalita sa kabilang gilid ko. Isang middle-aged na lalaki na balbas sarado ang nakatali din sa may sulok.

"Si-sino po kayo?" utal ko. Kinilabutan ako sa boses niya, pati na rin sa sinabi niya.

"Ako si Albert. Matagal na ako dito. Kayo, pati kayong mga bata dinamay nila"

"Ano po bang ginagawa nila sa atin?" tanong naman ni Ms. Rosary.

"Hindi ko rin alam. Marami kami dati dito. Pero ako lang ang natira. Isa-isa nilang nilabas ang mga kasama ko at hindi na bumalik pa."

Kinilabutan naman kami sa sinabi niya.

"Iho, mukhang kilala ka ah. Artista ka ba?" pag-iiba niya ng topic.

"Ahhh. Ehh.. Opo.. Ako po si Daniel Padilla."

"Ikaw iha? Anong pangalan mo?"

"Julia po. Julia Montes"

Salamat sayo Kuya Albert. Nalaman ko na rin ang pangalan ni Julia. ^_^

Maya-maya, may narinig na naman kaming nagpatayo sa mga balahibo namin.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Ano kaya un?

Oy ayan update. :) Salamat po ah? :"> Im so tatsd (touched)

Try ko po ulit mag-update pa. :)

~James

The Eye (JulNiel FanFic)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora