Chapter 21: Who's He?

31.5K 630 17
                                    

Twists! Twist! Twist!

-------------

Lian's POV:

Naghahanda ako sa pagpasok ng maaga sa school.

Ilang araw din kasi akong absent.

Final exam na kaya kailangan andun ako.

Hay! Kung pwedi lang di na pumasok eh..

Pero sayang din kasi isang taon na lang at gagraduate na ko..

Sumakay nalang ako ng taxi papuntang university.

Ayokong makita ang mga tingin ng studyante dati nang magdala ako ng kotse sa school.

Halos patakbo ko ng nilakad ang hallway papuntang classroom ng makarating ako.

Paano ba naman kasi eh imbes na nagtaxi na nga ako para bumilis ay may nakabanggaan pa ang kaskaserong driver ng taksing sinakyan ko.

Lalo tuloy akong natagalan.

Bwesit! Mangali ngaling barilin ko na sila.

Hay! Bad mood na talaga ako lately.

Sa bilis ng lakad ko ay di ko napansin ang lalaking paparating at nagkabungguan kami.

Naglaglagan ang dala kong gamit sa sahig at napaupo naman ako sa lakas ng impact ng pagkabanggaan namin.

"Fuck!" inis na sambit ko.

"Ooopps! Naku sorry miss.. Nagmamadali kasi ako at late nako!" hinging paumanhin niya at saka tinulungan akong makatayo.

Pinagpupulot naman niya ang mga gamit kong nalaglag.

Di nalang ako kumibo.

Kinuha ko ang gamit ko at akmang tatalikod na.

"Wait! Im Brad Nuevo..." sabi niya habang pigil ako.

Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso at saka tiningnan siya ng masama.

Ayoko talagang basta basta nalang ako hinahawakan.

Tanging si Rave lang ang may karapatang gawin yun.

Tila nakaintindi naman siyang agad na binitiwan ang braso ko.

"Sorry.." sabi niya.

Tinalikuran ko na siya.

Late na talaga ako at ayoko ng makipagdaldalan pa.

Hayyy... Namimiss ko na tuloy ang 'hubby' ko.

Kung andito lamg siya ay malamang maaga niya akong sinundo.

Kung bakit naman kasi may pa-exchange students pa ang school eh malapit na din naman ang bakasyon.

Dalawang linggo na lang kaya.

Aiiisss!

Saktong pagpasok ko ng classroom nang pumasok din ang prof namin.

Tumabi ako ng upo kay Ashley.

Medyo nasanay na din akong kasama siya.

"O, ba't ka nakabusangot eh ang aga-aga? Namimiss mo agad si Rave ano?" panunukso niya.

"No! Nabwesit lamg ako ng maaga.." sagot ko at itinuon ang ayensyon sa sinasabi ng guro.

"Asus! May nagtangka palang mambwesit sayo? Buti di mo pinatalsik?" saad pa din ni Ashley.

Sa tagal tagal na din kasi naming magkaibigan ay nakita na niya ang temper ko.

Gulat pa siya noong una at medyo natakot subalit nang kalaunan ay nasanay na din.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt