"Fake a smile, yeah, lie and say that
You're better now than ever, and your life's okay
Well it's not.."
- Six Degrees of Separation, The Script
******
CHAPTER 1: BEGINNING
ZENJIRAH JANE's POV
Once Upon a Time
Sabi nila, lahat ng tao may once upon a time na madalas, nauuwi sa happy ending. Na kahit ano pang mangyari, love will always win. Na may destiny, fate, kismets at kung anu-ano pa.
Sa pagtingin ko sa paligid kong napakaraming tao. Napapaisip na lang ako kung paano natin makikilala ang isang taong nakatadhana sa atin. Paano ba talaga? Ano ba talaga ang magic ng love para pagtagpuin ang dalawang tao?
Pero teka, bakit may mga taong pinagtagpo pero pinaghiwalay rin? Bakit may mga taong mali ang minahal? Bakit may mga taong nasasaktan ng sobra?
"Confirmed. Spacing out." Napatingin ako sa kasama ko. Pagtingin ko, umiling iling lang silang dalawa.
"Hindi pwedeng mag-space out saglit?" Tanong ko sa kanila. They just shrugged and smile.
"Okay lang naman. Sinasabi lang naman namin." Sagot naman ni Xylly.
"Ano ba kasing iniisip mo at parang malalim yata masyado?" Ani naman ni Yemi.
"Wala naman. Nothing important kaya hayaan nyo na." Sabi ko.
Zenjirah Jane Cruz. Zenji for short. 19. At oo, kasama ko ngayon si Yemi at Xylly.
And yes, triplets kami. Amazing ano? Nagpapasalamat nga kami sa genes ng mga magulang namin dahil may lahi kaming ganito. Ang saya kaya magkaroon ng kakambal! Triplets pa sa amin, saan ka pa diba? Hahaha.
Pero mas okay na yun kaysa naman pangalanan kami ni Xylly na Green at Blue. Tapos Yellow si Yemi. Nakoooo. Ang lakas talaga ng trip ng tatay ko pag ganun.
"Baka naman iniisip mo si--" hindi ko na pinatapos si Xylly sa pagsasalita.
"Bawal banggitin ang pangalang yun. Nakakasuka."
"Wow. Ang bitter pa rin talaga." Napailing pa si Yemi habang sinasabi yun.
Hindi na lang ako nagsalita. Bitter na kung bitter. Ayoko lang marinig ang pangalan nya. Ni makita ang anino nya.
It's been 2 years pagkatapos nya akong iwan sa ere at paasahin. Walang sabi sabi. Basta iniwan lang ako. And I SUPER HATE HIM for doing that.
YOU ARE READING
Lovingly, XYZ
Teen Fiction3 girls. 3 different stories. In one book. Signing in are Xylly, Yemi and Zenji. Join them in their roller coaster lovestories. **** This story is written by 3 aspiring (frustrated kamo) authors. :D Kayl1924 | CarizzaJoyBalayan | ShayieMixie123 All...
