Chapter 27: Jeydon's reason

Magsimula sa umpisa
                                    

"Alam ko, alam kong nasaktan ko siya pero hindi ko kakayanin kung mas masasaktan siya dahil sa pagkawala ko." Hindi ko na napigilan 'yong luha sa mga mata ko. Naiisip ko pa lang na mawawala ako at maiiwan ko siyang mag-isa, para nang dinudurog 'yong puso ko. "Oo, mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya pero minsan, hindi sapat 'yong pagmamahal na 'yon." Kahit anong pagpigil ko sa mga luha ko, hindi pa rin sila tumitigil. "Kie, mamatay na ako."

Lumapit sa 'kin si Marky pagkatapos ay kinuha niya 'yong kwelyo ng damit ko. "Jeydon, hindi ka mamamatay! Hindi ko hahayaang mamatay ka."

Inalis ko 'yong kamay niya sa kwelyo ng damit ko. "Kung pwede lang na 'wag mamatay, gagawin ko! Kung pwede lang na mabuhay pa ako nang matagal, gagawin ko pero hindi e! Hindi ko hawak 'yong buhay ko!"

Nakita kong may mga luha na ring tumutulo sa mga mata ni Marky. Alam kong nasasaktan din siya sa sitwasyon namin ni Candice.

Napaupo ako. Tinakpan ko 'yong mukha ko gamit 'yong mga kamay ko. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Habang tumatagal, mas lalong sumasakit.

"Mahal na mahal ko siya pero kahit anong gawin ko, hindi ko na siya pwedeng mahalin."

Natahimik lang kaming dalawa ni Marky. Maya-maya, lumapit siya sa 'kin pagkatapos ay tinapik niya 'yong balikat ko at umalis na siya. Kilalang-kilala na niya ako. Sa pagkakataon na 'to, kailangan ko ng katahimikan. Kailangan kong mapag-isa.

Hindi ko mapigilan na matulala. Hindi ko mapigilan na isipin siya. 'Yong mukha niya, 'yong mga ngiti niya, at 'yong boses niya. I miss her. I miss everything about her.

Hinayaan ko na lang 'yong sarili ko na umiyak. Baka kahit papaano, mabawasan 'yong sakit na nararamdaman ko ngayon.

"You're so close to me, but why does it feel like you're a world apart?"

Bigla akong natawa habang umiiyak. Para akong tanga, para akong sira.

"Gago ka, Jeydon. Ginusto mo naman 'yan, 'di ba?" 'Yan na lang 'yong nasabi ko sa sarili ko.

Kung sino pa 'yong mga taong totoong nagmamahalan, sila pa 'yong pinaghihiwalay.

Mapaglaro ka talaga, tadhana.

Hindi ko napigilan na umiyak ulit. Nakaramdam na naman ako ng kalungkutan. Pakiramdam ko, mag-isa na naman ako. "Miss na miss na kita pero wala akong magawa."

Candice, may mga oras pa rin kayang naiisip mo ako? Kasi ako, walang oras na hindi kita naisip.

I still love you and I always will love you.

Pinatong ko 'yong ulo ko sa mga tuhod ko at doon ko ipinikit 'yong mga mata ko. Ito na naman 'yong pakiramdam na mag-isa ako.

"Jeydon?"

Inangat ko 'yong ulo ko at pinunasan ko agad 'yong luha sa mata ko. Tumayo ako pagkatapos ay binuksan ko 'yong pintuan at nakita ko siya.

Sinuot ko ulit 'yong maskara ko. Ang maskara na palagi kong ginagamit kapag kaharap ko siya. Ang maskara na nagtatago ng lahat ng emosyon ko. Ang nagtatago ng lahat ng pagmamahal na meron ako para sa kanya.

"Ready ka na bang umalis?" tanong ko sa kanya.

"Oo, at kung ready ka na, hihintayin kita sa lobby."

The way she looks at me. It's as if I'm nothing to her now.

"Hintayin mo ako sa baba," walang emosyon kong sinabi.

Umalis na siya pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto ko. Kumuha ako ng gamot kung sakali lang na sumakit 'yong ulo ko. Bumaba agad ako para kitain si Candice. Nando'n na siya at naghihintay sa 'kin.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon