CIPHER'S POV.
"Cipher!"
I continued walking at hindi na pinansin yung tumawag. "Damn it. Cipher!" Tumigil ako at agad akong nakiramdam sa paligid. Tumahimik ang lugar at tanging simoy ng hangin ang maririnig mo.
"Jeez! Ako lang to, si Jin!" Sabi nito. Bahagya akong natawa at lumingon sa kanya. "Tumaas balahibo ko sayo." He said while raising his middle finger up.
I arched my eyebrow. Ano nanamang kailangan nito?
"I'm just here to say na lilipad na tayo sa Pilipinas bukas." Agad kumunot ang noo ko ng banggitin niya ang lugar na iyon. "And who the hell said?"
"Rey."
Damn that old man.
"Hindi ako sasama." Pinal na sagot ko. Ngumisi ito bago ngumiti.
"Hindi ka sasama, kung kilala na natin kung sinong pumatay sa mga magulang mo?"
Agad akong napatigil.
"Sasama si Titus?" Tanong ko. Nag-iwas ito ng tingin.
"Hindi ko alam. Wala akong lakas ng loob lumapit sa kapatid mo." Nakasimangot niyang sabi. Tumawa ako ng konti.
My sister never fails to make every single person to be intimidated on her. Meron kasi siyang vibe na 'fuck off' at nararamdaman ko din yon.
"I'll talk to her later. Alam mo ba kung nasan siya?" Tanong ko at agad naman itong umiling.
"Ayoko pang pumunta sa impyerno gago."
Napatawa ako at umiling.
"Sige."
👻👻👻👻👻👻👻👻👻👻👻👻👻👻
"Titus."
Tumigil ito sa pagtugtog ng gitara pero hindi ito lumingon. Nabigla ako ng magsalita siya.
"Hindi ako uuwi."
I sighed. Sa lahat ng naapektuhan sa nangyari noon, siya ang pinaka-apektado. She saw how our parents died.
"Kailangan nating umuwi."
Mahinahon kong sabi. Nilapag nito ang gitara at humarap sakin ng konti. Napaatras ako ng konti ng titigan ko ang mata niya.
Her green eyes are so dark, again.
"Hindi ako sasama." Pinal na sabi nito at tinalikuran ako.
Paano ba kita maibabalik sa dati, Titus Jack?
