CHAPTER 12.2: First Move

Comincia dall'inizio
                                    

                “Yes.” Tama ba ang narinig ko? Tama nga ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Hindi ako tanga tulad ni Adrian. Hahaha!

                “Really?!” tumango naman siya.

                “Thank you! You made me happy today.” I gave her a quick kiss on the forehead.

                “Thank you din. I’ve been waiting for this day.” Saya ko lang. Hinintay pala niya ang araw na magpropropose ak—este, manliligaw ako. Hahaha!

                “Let’s eat?” dumating na kasi ang pagkain namin at mukhang kinilig naman ang waitress sa amin habang nag-seserve.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nandito na kami sa first location kung saan i-shoshoot ang commercial.

                “Good afternoon, Jiro. Maya-maya lang mag-sstart na tayo ng shooting. Mag-ready ka na.” Bati sa akin ni Direk.

                “Good afternoon din po, Direk.”

                “Sino yan kasama mo?”

                “Si Yumi po.”

                “Good afternoon po. Ako po si Yumi Park.” Nakipag-handshake si Yumi kay Direk.

                “Gusto mo ba mag-model? Unfortunately, yun partner ni Jiro para sa commercial na to ay may sakit. Na-confine siya kanina lang kaya naghahanap kami ng papalit sa kanya. Tamang-tama, bagay kayo ni Jiro. What do you think, Ms. Park?” kung sinuswerte ka nga naman. Hindi to kasama sa plano ko ha. Baka isipin nyo pinlano ko to. Isang malaking HINDI. Hahaha!

                “Si-sige po.” Pagkatapos namin kausapin si Direk ay nag-ready na kami para sa shoot. Ni-review ni Yumi ang script. Wala naman siyang reklamo pagdating sa script. More on actions kasi ang commercial na to.

Maya-maya lang ay nag-start na ang shoot. Ang unang scene ay sa isang pool party. Si Yumi ang mag-seserve ng alcoholic drink sa bar section at lalapitan ko siya para nakawan ng kiss sa cheeks.

                “CUT! Good take! Same scene but this time, Jiro, sa lips mo siya hahalikan.” Yun oh! Teka, ok lang kaya kay Yumi?

                “Yumi, ok lang ba sayo? Kung hindi, kakausapin ko si Direk.”

                “O-ok lang. Pumayag naman ako para dito at ineexpect ko na rin na mangyayari to.” Buti na lang at okay kay Yumi. Professional siya pagdating sa work.

Naka-ilang take din kami ng kissing scene. Medyo naiilang si Yumi. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil first time nya mag-shoot ng commercial. Tuwang-tuwa ang mga staff sa amin. Ang ganda daw kasi ng chemistry namin on-screen. Syempre, pati off-screen. After ng kissing scene, ang sunod naman ay yun scene na sasampalin niya ako dahil ninakawan ko siya ng kiss. Ang galing ni Yumi dahil naka-one take lang kami. Ang sakit ng sampal nya. TT_TT

                “Yumi, pagod ka na ba?” Inabutan ko siya ng food. Umorder na lang kami dahil hindi pa tapos ang shooting.

                “Medyo pero kaya ko pa naman. Thank you at sinama mo ako dito ha. Nag-eenjoy ako at na-realize ko na, mahirap din pala maging model.”

Crazy Textmates to Crazy Couple?Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora