CHAPTER 12.1: Something's fishy

Start from the beginning
                                    

                “Kanina pa kaya kita tinatawag. Kung hindi pa kita sinigawan hindi babalik yun kaluluwa mo sa katawan mo. Kanina pa kaya lutang yang kaluluwa mo at saka ano ba yang tinatago mo dyan ha?” agad kong binitawan ang kamay ni Yumi. Hindi ko pa din kasi nakwekwento kay Adrian ang tungkol sa first move ko.

                “A-h. Wala. Bakit mo ba kasi ako tinawag ha?” nakakunot ang noo ni Adrian. Tiningnan niya ang ilalim ng mesa at saka tumingin sa akin. Nakakahalata na si Adrian.

                “Sabi ko, kung pwede mo ba ako samahan mamaya sa mall. May kukunin lang ako.”

                “Yun lang pala. Sige. Pagkatapos ng klase natin, dumiretso na tayo sa mall.”

                “Pwede kaming sumama?” sabay na tanong ni Yumi at Jen.

                “Hindi pwede, love. Saka saglit lang naman kami.” Sambit ni Adrian. Ang sweet naman. Nilalanggam na kami ni Yumi. Kami kaya? Sana ganyan na din kami, soon.

Inirapan ni Jen si Adrian. Agad naman siyang sinuyo ni Adrian. Mga babae talaga, matampuhin.

                “Love, may kukunin lang ako. Para sayo din naman yun. Tanda mo ba, nun nasa resort tayo, sabi ko, may ibibigay ako sayo?” Adrian, kailan ka pa naging sweet? Hahaha!

                “Ok. E teka lang, ano pa bang kukunin mo kung nakabili ka na pala bago tayo pumunta ng resort?” huli ka, Adrian.

                “May pinagawa lang ako. Kulang kasi kung wala yun. Yun pa naman ang importante." Kulang lang ng picture dahil isa yun locket necklace. Bago siya pumunta sa condo ko ay pinagawa na niya locket.

                “Ok.”

                “Ang sweet nyo naman. Sana magka-boyfriend na din ako.” Singit ni Yumi at halatang kinikilig kay Adrian at Jen.

                “Ahem, ahem.” Kunwaring nauubo ako. Hahaha!

                “Yumi, nasa tabi mo na oh. Sunggaban mo na.” Biro ni Adrian. Oo nga naman. Ayaw pa akong sunggaban ni Yumi. Bibigay naman ako once na sunggaban niya ako.

                “Tumigil nga kayo. Magsipag-aral kayo.” Lahat naman kami sumunod sa sinabi ni Jen. Maya-maya lang ay nag-ring na ang school bell. Goodluck sa amin. Sana tama ang mga isasagot namin sa test.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lunch Break

Habang kumakain sila sa cottage, si Jen, aral pa din ng aral. Kahit kumakain ay nag-aaral pa din. Kaya sinarado muna ni Adrian ang mga libro ni Jen at pinakain siya.

                “Jen, tama na muna yan. Kumain ka na muna ng maayos. Hindi ka makakapag-concentrate niyan kung pinagsasabay mo ang pagkain at pagrereview.” Itinabi muna ni Adrian ang mga libro ni Jen at sinubuan siya ng pagkain.

                “Hai. Sige na nga. Ayoko lang kasi bumagsak sa kahit anong subject. Maapektuhan ang scholarship ko.”

                “Wag kang mag-alala. Anong ginagawa ng boyfriend mo na si Adrian Lee? Kung bumagsak ka man, pwede ko naman kausapin ang head na huwag tanggalin ang scholarship mo.”

Crazy Textmates to Crazy Couple?Where stories live. Discover now