"Oo nga eh, Akalain mong nakasungkit na naman ng Dyosa." tumatawang sabi naman nung isa.. Dyosa? Ibig sabihin.. meron na naman siyang bago? Pero bakit hindi nya ata nasabi saakin?

"Pero 'tol, ayos naman eh.. Atleast yung nasungkit nya eh hindi katulad nung iba na Kasikatan lang ni Matthew ang habol" pagpapatuloy nung isa. Yeah,Right. Merong nagustuhan si Best na magandang babae, Niligawan nya ito at sinagot naman siya .. pero nalaman namin isang araw na Ginagamit lang pala nung Girl ang Kasikatan ni Best dito sa Campus. Mabuti nalang hindi naman gaano minahal at sineryoso ni Best ang isang yun.

 naputol ang pag-uusap nila ng dumating si Matthew. Nakangiti nyang inabot saakin ang Paborito kong Lasagna at Mountain dew.

 Nang mag-umpisa kaming kumain at matapos ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya .. Gusto kong itanong sa kanya kung sino yung babaeng Nililigawan nya, oh baka naman GF nya na. Napatingin siya saakin ng may halong pagtataka. Nginitian ko lang siya tapos umiwas na 'ko ng tingin..

 Naglalakad na kami ngayon patungo sa Room ko, ihahatid nya daw ako..

Nasa tapat na kami ng room ng magsalita siya..

"BestFriend.." panimula nya, niagay nya ang kamay nya sa batok nya na akala mo ninenerbyos. "May ipapakilala ako sa'yo mamaya" pagpapatuloy nya..

 napatingin ako sa mata nya ..Eto naba yun? yung babaeng Dyosa?

"Ok" yun lang sinabi ko tapos pumasok na 'ko sa Room, di ko na kayang tumagal sa harap nya dahil ramdam ko anu mang oras ay babagsak na ang luhang kanina ko pa pinipigilan..

 ng makaupo ako ay tumabi sa'kin yung babaeng Nerd.

"May Bago na siyang girl Friend no? sabi ko naman kasi sayo.. Umamin kana."  nagkibit balikat nalang ako.. Minsan iniisip ko, may pagkaManghuhula ba 'to? pero binabalewala ko nalang.

 Buong klase ay Wala ako sa sarili, iniisip ko kung sino yung babaeng ipapakilala sa'kin ni Best.

 Maganda? Matalino? Mabait? kung ganun, bakit hindi nalang ako ang magustuhan nya? haaayyys..

Nang matapos ang klase ay Tinext ako ni Matthew na pumunta ng Gym, inayos ko muna ang gamit ko bago ko napag pasyahang tumungo sa Gym.

 Nang makarating ako sa Gym ay agad hinanap ng mata  ko si Matthew, at ng makita ko siya ay agad ko siyang nilapitan.. Umupo ako sa tabi nya..

"Best! Andito kana pala, halika, may ipapakilala ako sayo.." umoo lang ako tapos pumunta kami sa kabilang Bleacher. lumapit kami sa isang babae.. Ng makita ng babae si Matthew ay tumayo ito tapos Lumapit kay Matthew at......Hinalikan ito sa Labi.

"Best Friend! si Krissa nga pala, GirlFriend ko." pagpapakilala ni Matthew

"Oh, ikaw pala yung Best Friend na kinukwento sa'kin ni Babe, Hi.." nakangiti nyang sabi sabay lahad ng kamay. inabot ko naman ang kamay nya.

"Crystal.." maikling pagpapakilala ko..

"Babe, practice lang kami ha? Hintayin mo naba ako?" tanong ni Krissa

"Yup" nakangiting sabi ni Matthew

"Sige, wait ha? Nice to meet you Crystal!" sabi nya tapos umalis na siya .. Maganda nga, mukhang mabait naman, at sigurado ako na hindi kasikatan ang habol nya kay Matthew dahil Sikat din siya bilang Leader ng Cheering Squad.

"Ah Best, Pasensya kana ha? Di kita maihahatid.. Ok lang?" tanong ni Matthew.

"Ok lang, ge ha? Bye." sabi ko tapos lumakad na paalis, pero bago ako makaalis ay hinawakan nya ako sa braso.

"Ingat ka bestfriend." yun lang at binitawan nya na ang kamay ko..

 Nang makalayo ako sa School ay agad na pumatak ang luha ko..

Nagiging Busy siya kapag may GF siya? OK LANG.

Nawawalan siya ng Time sa'kin pag may GF siya? OK LANG.

Palagi nyang hinahawakan ang Kamay ko hindi para pigilan kundi para sabihin Ingat. OK LANG.

Hindi nya maramdamn na mahal ko siya? OK LANG.

pero ang hindi Ok? Na halos ipamukha ko na sa kanya na Higit sa pagkakaibigan ang nararamdan ko sa kanya pero binabalewala nya lang. ANG SAKIT Lang.

 pero wala naman ako magagawa ehh.. wala din ako karapatang magalit .. sino ba 'ko? Kaibigan nya lang naman ako ehh..

 kukunin ko na sana ang panyo ko sa bulsa ko ng may mag-abot na sa'kin ng Panyo

"Hindi bagay sa Magandang Katulad mo ang Umiyak. Punasan mo Luha mo." tinignan ko lang siya pero di ko tinanggap ang Panyong binibigay nya.. kinuha ko sa bulsa ko ang panyo..

"Leave me Alone." sabi ko tapos nilagpasan na siya..

"Crystal.." tawag nya .. pero di ko siya pinansin "Crystal.. Tanggapin mo nalang,  Na hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya nyang ibigay sayo.. Maraming iba dyan na Tunay na nagmamahal sayo.." tumigil ako sa paglalakad at tinignan siya ..

"At sino ang IBA dyan na sinasabi mo? Ikaw?" tanong ko na ikinatigil nya . . "Pwede ba Zeus,Gusto ko mapag-isa.. Hayaan mo nalang ako." sabi ko at nagtuloy na sa paglalakad. di ko naman naramdaman na sinundan nya pa ako.. ng makarating ako sa Apartment na tinutuluyan ko ay dumiretso agad ako sa kwarto ko .. kinuha ko ang Gitara ko at saka umupo sa tabi ng Bintana at inumpisahang tumugtog..

[CLICK THE VIDEO >>>>]

~ You are my Only..You are the one...You're everything i wanted baby i should have told you that i love you....Oh nothing Compares to you I'm crazy thinkin' 'bout you lately You and I are meant to be and baby this is real...

 napapikit ako.. naiisip ko ang mga ngiti nya ..

~Every time you turn around and walk away..i just can't resist And wishing I could say..

 Bumagsak na naman ang Luha ko..

~ You are my dream You are my Hope, You are my Love and Baby you are my Heart.. I want you to know and Let it show that i'm Inlove... Everytime i see you near I wanna be close to you but how can it be... 'Coz i know it's impossibe ti make it happen ..... But still You are..

 Tinigil ko na ang pagtugtog at iminulat ko ang mata ko .. Ngunit sa pagmulat ng mata ko ay isang Pigura ng tao ang nakita ko sa di kalayuan ,, inaninag ko ito dahil madilim sa parte ng tinatayuan nya. pero bago ko pa makita kung sino yun ay tumalikod na siya, pero sigurado ako na sa'kin siya nakatingin .. Sinarado ko nalang ang bintana ko atsaka humiga na sa kama ..

 Haaayys .. Panibagong araw na nagdaan .. Pero katulad ng dati.. Kaibigan padin ang tingin mo sakin..

Gitara [Completed]Where stories live. Discover now