[ANASTASIA DIMAKATARUNGAN]
Ayoko ng ganito. Nabu-buwisit ako! Kung bakit ba naman kasi ganito ang hitsura ni Caleb? Para kasing hindi talaga siya tao. Pinag-ka-kaguluhan tuloy siya ng mga mahaharot rito sa school!
Wala lang naman sa akin na pag-ka-guluhan siya, ang kaso, nada-damay ako ng bongga!
Argh, buwisit!
"Hello, Caleb!" sigaw ng isang engkanto.
"Hi," bati pabalik ni Caleb. Yumuko siya at nahi-hiyang tumingin sa akin.
Ayoko talaga ng ganito. Hindi naman puwede na siya lang ang palakarin ko nang mag-isa. Lagi kasi siyang nali-ligaw. Take note, PALAGI.
"Ang gwapo mo talagaaaa!"
"Uhh... Thanks," sagot niya muli roon sa pumuri sa kaniya sa gilid ng hallway.
Ipinag-krus ko ang aking mga braso at naka-simangot na nag-patuloy sa pagla-lakad.
Hindi lang kasi si Caleb ang pinag-ti-tinginan ngayon---pati ako!
"Ang sarap mo!" sigaw pa ng isang hindot.
"Eh?"
"'Wag mo 'yon pansinin." Nata-tawang siniko ko si Caleb. Tiningnan niya ako na may halong pagta-taka.
"Masarap daw ako," inosenteng bulong niya. Napa-iling muli ako saka ko inayos ang mga libro na bitbit ko. Medyo dumu-dulas na kasi.
Oo nga pala, uwian na ngayon. Ito ang pinaka-paborito ko sa lahat, at siyempre kahit sino naman siguro ay paborito ang uwian.
Isinukbit ni Caleb ang bag niya at gano'n din ako. Unti-unti nang kumu-konti ang mga estudyanteng nada-daanan namin.
At isa pa, hindi pa rin ako maka-paniwala na famous agad itong kasama ko. May fans club agad ang walang'ya. At dahil inosenteng mongoloid 'tong si Caleb, wala siyang ka-alam-alam sa nangyayari sa paligid niya.
Mga kababaihan talaga ngayon, eh, 'no? Maka-kita lang ng gwapo kahit utak-ipis ay talagang papatusin.
"Let's go," sabi niya saka mabilis na lumakad. Tumango ako at agad na sumunod sa kaniya. Pagka-liko namin sa kabilang pasilyo ay wala nang katao-tao at medyo madilim na rin.
Ang bilis nilang nawala. From students to ninja, real-quick.
"Kamusta 'yong mga subjects mo? Anong ginawa sa 'yo ng mga kaklase mo?" tanong ko habang nagla-lakad kami ng tahimik.
Ngumiwi siya at tumingin sa akin.
Meron kasi siyang mga subjects na hindi niya ako kasama kaya naman hindi ko namo-monitor kung anong mga ka-weirdo-han ang ginagawa niya.
"They keep on asking me about... you know, certain things."
Natigilan ako. "Anong things?"
"Uhh... brief size, about my dick's size and colou--oh," Nag-angat siya ng tingin sa akin. "By the way, what is a dick? Is that a pet or something?"
Pet daw, ampupu.
Pero put--tinanong sa kaniya ng mga kaklase niya 'yon?!
Napa-busangot ako.
Sasaksakin ko talaga ang mga pempem ng mga nambu-bully dito sa alaga ko. Teka, bully nga ba? Saka bakit nila itina-tanong kay Caleb ang mga bagay na 'yon? Mga bastusing bata! Ayokong mabahiran ng berde ang utak ng ipis na ito!
"Hey, I'm asking you. What is a dick?"
Tinitigan ko ang mukha niya. Curious talaga siya. At base sa expression niya ay... hindi niya talaga alam ang tawag sa lawit niya!
YOU ARE READING
[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] The Hottest Flying Ipis In Town
HumorTakot ka ba kay Antonio? May trauma ka ba sa mga nilalang ng dilim na kung tawagin ay ipis? Si Anastasia Dimakatarungan--- Suicidal. Babaeng kinakain na ng kaniyang depresyon. Nang gabing tatapusin niya na ang kaniyang buhay, biglang may humalik sa...