THE PICNIC

12.9K 289 0
                                    


Elisa Chole's POV

Its been two weeks mula ng manligaw si Ezekiel saakin. Sa two weeks na iyon ay nakita ko ang side ni Ezekiel na caring at sweet. Hehe.

Nagtataka na nga ang ibang mga member ng the stars kung bakit daw naging ganun si Ezekiel. Well, pag ako ang kausap ni Ezekiel ay hindi naman siya cold pero sa iba ay dinaig ang north pole ang lamig na pagsasalita nito. Nakikita din ng barkada kung paano ito makipag-usap sa akin ng may mga emotion na ang mukha na mas lalong ikinataka nila.

Tapos pagnasadorm ako ay dinadalaw niya ako ng palihim sa kwarto. Hehe. Oy wag kayong green ah. Nag-uusap lang kami o kung hindi kaya ay bumabanat siya. Tama nga ang basa niyo. Marunong siyang bumanat ng mga corny at chessy lines haha.

"Hoyyy!"

"Ay palakang nakagown!" napasigaw ako sa gulat.

Nandito nga pala kaming lahat sa sala. Tiningnan ko naman ang nanggulat sa akin at si Jean lang pala.

"Bakit ka ba nanggugulat?" tanong ko sakanya

"Eh kasi naman po eh hindi ka nakikinig sa usapan namin" sabi niya

"Ano bang pinag-uusapan niyo?" tanong ko

"Magpipicnic tayo bukas" sabi niya

"Ah magpipicnic lang pala pero teka! Saan naman?" tanong ko

"Secret!" sabi ni Jean

"Psh" sabi ko nalang

"Di ka kasi nakikinig eh kaya secret nalang haha" sabi niya at nakisabay na sa pagtawa ang iba maliban kay Ezekiel na nakangiting nakatingin saakin.

Yan din ang isa pa na nakita ko nung magkasama kami. Ang makalaglag panga niyang ngiti. Hehe. Shhh! Wag kayong maingay ah. Hehe.

Fastforward.....

.......MORNING......

Nandito nga pala ako ngayon sa sala. Actually kaming dalawa ni Ezekiel. Ang iba kasi ay naghahanda sa mga dadalhin kaya kami lang dalawa ang naiwan. Nagbabasa din ako ng libro tungkol sa mga iba't ibang technique na maaaring magawa ng kapangyarihan.

"Elisa" well kilala niyo na kung sino ang nagsabi nun. Sino ba ang kasama ko? Haha

"Bakit?" tanong ko habang patuloy pa rincsa pagbabasa sa libro

"Elisa" tawag niya ulit saakin na may kasamang kulbit

"Bakit nga?" tanong ko sakanya

"Tingin ka muna saakin" sabi niya na parang bata na nanghihingi ng candy

"Bakit ba?" sabi ko sakanya na may tono na ng pagkainis at tiningnan siya.

Nakita ko naman siya na nakatingin saakin.

"Galit ka?" tanong niya na parang bata. Haha ang cute niya.

"Hahahahahahaha" tawa ko na ipinagtaka niya

"Hey, bakit ka tumatawa?" tanong niya

"Hahaha. Ehem, wala. Ahm ang cute mo lang kasi" sabi ko sakanya

"Ahh." ay! Ganun ganun lang ang sagot

"Teka!, bakit mo nga ba ako tinatawag?" takang tanong ko sakanya

Sasagot na sana siya ng bigla na kaming tinawag ni Jean.

"Eliza! Ezekiel! Halina kayo. Nandito na kami sa labas" rinig kong sigaw niya

Tumayo naman kaming dalawa at sabay na naglakad palabas. Nakita ko naman sila na naghihintay saamin. Si jean ay may dalang basket samantalang back pack and dala ni Jeopet at Jaren

"Tara na?" patanong nasabi ni Jean kaya tumango kami.

Naglakad kami ng ilang minuto o siguro ay 25 minutes na.

Ilang sandali lang ay unti unting nagbago anh itsura ng nilalakaran namin. Kung kanina ay ang sementong pathway ng academy ang nilalakaran namim pero ngayon ay isang daan na gawa sa yelo. Naglakad pa kami at pati ang mga damo ay nagiging kulay puti at sa tingin ko ay mga yelo din. Hanggang sa pati ang puno ay nagyelo din.

"Wow!" hindi ko talaga mapigilang mapahanga sa ganda ng lugar.

Hindi naman malamig dahil may araw naman at ang nakakatuwa ay hindi nagmemelt ang yelo.

"Nandito na tayo" rinig kung sabi ni Jean

Tiningnan ko ang lugar at napakaganda nito. Para itong garden na gawa sa yelo. Mayroon kasing puno at mga bulaklak at may mga paru-paro pang lumilipad. Take note po, paru-parong puti. Ang ganda kasi may snow flakes ang mahuhulog sa dinaraanan nito.

So yun nga, may puno pagkatapos sailalim ng puno ay isang table at mga upuan, at lahat ng yan ay gawa sa yelo. Pero mas napahanga ako ng makita ko ang nasa unahan. Mayroon kasing lawa doon. Ang galing nga at hindi ito nagyeyelo. Mayroon pa akong nakikitang mga isda. Napakalinaw ng tubig.

"Ang ganda naman dito. Anong tawag sa lugar na ito?" amuse na tanong ko sakanila

"This place is called frēo frozen land" masayang sabi ni Jean

"frēo frozen land?" nagtataka kong tanong.

Ang weird kasi ng pangalan ng lugar.

"Yup, frēo frozen land ang name ng lugar na ito. Sa madaling salita Friends frozen land. May story behind the name of this place." si Kyla naman ang sumagot

"Anong story? Pwede niyo ikwento?" nagmamakaawa kong tanong sa kanila

"Okay but let sit first"sabi naman ni Relyn atsaka pumunta sa table at mga upuan na gawa sa yelo.

Ang gara lang kasi saktong 7 ang upuan. At ang galing dahil hindi kami nabasa ng umupo kami. Inilapag ni Jean ang dala niyang basket atsaka may kinuha doon. Ilang sandali lang ay may inilabas siya ng tela atsaka niya ito inilagay sa lamesa. Tapos ang inilabas din niya ang iba pang laman ng basket gaya ng mga ulam,kanin,plato, kutsara, prutas, bread at palaman sa bread.

Inilapag naman ni Jeopet ang dala niyang backpack sa lamesa. Mabuti nalang at malaki ito. Inilabas din niya ang mga laman nito pero sakanya ay mga inumin gaya ng tubig,softdrinks, juice at may gatas pa.

Ganun din ang ginawa ni Jaren at ang laman naman ng dala niya ay mga biscuits, chichirya at mga mani. Ang dami naman nilang dala. Haha.

" so ready na ang lahat kaya ikekwento na namin saiyo ang kung bakit frēo frozen land ang tawag sa lugar na ito"sabi ni Kyla at ngumiti saakin.

^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^

Opppsss!! Pabitin muna. Bakit kaya frēo frozen land ang tawag sa lugar na iyon?

Abangan!

Keep reading guys!

Love yah

THE LEGENDARY USER (Completed)Where stories live. Discover now