SP #01

22 3 0
                                        

Yamot na yamot na napatingin ako kay Mommy na kararating lang galing New York pero tila ba hindi ito napagod sa pinagdaanan nitong mahabang biyahe.

Goodness, alas syete palang ng umaga pero nagising na ako. Supposedly, 11 pa ako gigising kasi 4 na ako natulog kagabi dahil sa kanunuod ng paborito kong Tv Series. Pambawi sana ng tulog.

Lihim na naipadyak ko ang kaliwang paa ko. Bakit ba naman kasi ang aga ni Mommy? She should be home by 7 PM not 7 AM.

"Alex, did you miss me?" masuyong tanong niya sa akin. Ipinulupot niya ang mga bisig niya sa akin saka niyakap ako.

"Mom, dalawang araw ka lang naman nawala. 'Wag kang masyadong-"

"I know you missed me, baby. Don't worry I brought a lot of pasalubong for you," singit ni Mommy.

Pinakawalan niya ako at naikot ko na lang ang mga mata ko habang tiningnan si Mommy na may hinalungkat sa dala niyang malaking maleta.

"Oh, found it!" ani niya na nagliwanag ang mga mata. "Bag for you! I know how much you love bags, kaya binilhan talaga kita nito. Limited Edition ng Prada. Royal blue dress. For parties! High heels. Alam mo bang Pinoy ang nag-design nito. Gosh, mabuti nalang talaga naglibot-libot ako ng New York. 'Di ko sana-"

"Mom, ikaw ang may gusto niyan hindi ako."

"-makita ito. Sabi pa niya sa akin. Nandito pa raw sa Pinas ang pamilya-"

"Mom!"

"Alright, alright. Titigil na ako kakadaldal. Nasaan na ba iyon? Wait muna, baby, hahanapin ko muna saglit."

Napabuntong-hininga ako. "Mom, ano ba 'yon? Ako na maghahanap. Alam kong pagod ka. Magpahinga ka muna."

Para makatulog ulit ako. Pakiramdam ko kasi matutumba ako anumang oras dahil sa antok na pilit kong nilalabanan.

"Ako na. Major surprise ko 'yon para sa'yo," sagot niya na may nakakalukang ngiti sa labi.

Kinabahan ako bigla sa major surprise daw niya. Last time kasi halos tustahin ang mukha ko sa sobrang init nang pinasalubungan niya ako ng Vanilla chocolate flavor na Condom. For future use daw. Ang mas nakakahiya, i-share ko daw sa mga kaibigan ko. E, saan ko ba 'yon gagamitin, wala naman akong boyfriend. Thanks to my Dad. Napakastrict. Wala tuloy naglalakas loob na manligaw sa akin.

Hindi naman sa gusto kong gumawa ng karahasan kasama ang boyfriend ko, pero kasi, malay diba, siya na ang lalaking para sa akin. Pero wala, e. Wala akong naging boyfriend.
Ang resulta, ipinamigay ko na lang lahat sa mga kapitbahay at mga kaklase ko.

"I found it!"

Napakurap ako dahilan para mabalik ako sa kasalukuyan. Nakita kong may hawak na si Mommy ng isang katamtamang laki ng kahon. Napakunot ako ng noo sa possibleng laman nito.

"Mom, ano na naman 'yan? 'Wag mo sabihing gabundok na condom 'yan?" biro na saad ko na may halong inis.

Ilang beses ko na nang pinagsabihan si Mommy na huwag na akong dalhan ng pasulubong kasi hindi ko naman iyon magagamit lahat. Sayang lang sa pera. Pero kahit kailan hindi niya ako pinakinggam. Palibhasa nag-iisa akong anak at babae pa. Kung ang Daddy ko ay sobrang strict, si Mommy naman bini-baby ako palagi. Lahat na lang ata binigay niya sa akin kahit hindi ko hinihingi.

"Open it, baby. Open it. You'll love it!"

Hindi halatang excited siya, 'no?

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at binuksan ko ang kahon. Gusto ko nang bumalik sa pagtulog, sa totoo lang. Ngunit, nawala ata ang lahat ng antok sa katawan ko nang nakita ko ang 'major surprise' ni Mommy.

Sealed and PlannedWhere stories live. Discover now