Chapter One

7 0 0
                                    

Steff

--

"Bes, anong plano mo?" - Tanong sakin ni Cams and bestfriend ko.

Nandito kami ngayon sa tabing dagat. sinundan niya ako dito matapos kong mag walk out kila papa.

"Hindi ko alam bes, bakit kasi ako pa!" - Naiinis kong sagot kay Cams.

"At bakit naman hindi?" - Inirapan ko si Cams dahil sa tanong niya.


Pinag-uusapan namin ngayon ang tungkol sa nalalapit na Fiesta sa aming lugar.

Ako kasi ang napili bilang representative nang aming barangay sa gaganaping Bikini Open sa nalalapit naming Fiesta.

"Wag mo nga akong mairap irapan dyan Steff! Mas gugustuhin ko pang sayo ko ipapasa ang Korona kaysa sa mga malalanding dayuhan dyan" - Diko nalang ako umimik sa sinabi niya.

Siya kasi ang may hawak nang titulong Miss. Bikini Open 2016, Pero iba kasi to eh, wala naman akong hilig sa mga ganyan ganyan. Si Cams kasi sanay na mula bata pa kami suma sali na siya.

Mas gugustuhin ko pang magkulong nalang sa kwarto ko at panuorin lahat ng gusto kong korean drama.

Okay na ako sa panunuod lang. mas nag eenjoy akong pag ganun. Sila papa naman masaya na ako ang napili. Hindi manlang ako tinanong kong gusto ko ba o hindi. Nakakainis!

Mukhang wala narin naman akong choice eh. Lahat planado na. pati damit at talent na gagawin ko ready na rin.

Tumayo ako at humarap kay Cams.

"Bes, bigyan mo nga ako nang magandang rason kung bat ako sasali sa Bikini Bikini na yan!" - Seryoso kung tanong sa kanya.

Bukod kasi kay Papa, siya lang ang alam kong sasabihin ang lahat mapa negative or positive man.

Napa buntong hininga si Cams saaka tumayo, Lumapit sya sakin saka niya ako pinaikot ikot.

"Body? Perfect!, Face? Perfect Ulit!" - Hindi ko maiwasang hindi ngumiti dahil sa mga sinasabi ni Cams, Nakakadagdag pala talaga nang self confidence pag may nag sasabi sayo nang ganito.

"Skin? Napaka Perfect! Height? Okay narin, Mas matangkad ka nga skin eh" - Bigla akong kinabahan sa huling sinabi ni Cams.

"Bes, paano kung ako ang pinaka maliit dun?" - Malungkot kong tanong.

"Wala sa height yan bes, okay" - Nakangiting sagot sakin ni Cams.

Sumang-ayon ako sa sinabi ni Cams. Nung time niya kasi, siya yung pinaka maliit pero siya rin ang naka sungkit nang title. Amazing diba, kaya idol ko yan si Cams eh. Napangiti ako hanabng iniisip yun.

"Buhok? - Biglan napaisip si cams, taka siya tumawa nang mahina.

Hinampas ko siya saka ko inirapan.

"Haha kulot! Kulot!" - Pang aasar pa niya sakin.

"Yah! Camille Gomez! Inaano kaba nang buhok ko ha!" - Sigaw ko sa kanya

"Haha, Joke lang bes, Ako nang bahala sa buhok mo okay!" - tyaka niya ginulo ang kulot kong buhok.

Ngumiti nalang din ako sa kanya..

"Ano, Game na ba? - Cams

Napabuntong hininga ako saka ako sumagot . .

"Wala naman na akong choice diba" - Nakangiti kong sagot

"Good Choice Bes! Don't worry ako ang mag ti-train sayo." - Napayakap pa sakin si Cams habang sinasabi yun. Parang siya ang sasali eh no.

Ngayon palang kinakabahan na ako.

"Promise?" - Tanong ko.

"Yes bes, so tara?" - sabay abot ni cams sakin nung kamay niya.

"Okay" - Steff

Hinawakan niya ang kamay ko. ang sweet talaga nang bestfriend ko.

Holding Hands pa kaming naglakad pauwi eh. HAHAHA

Maybe Kailangan ko ding mag try . . para sa ekonomiya nang pilipinas. HAHAHA

Itutuloy . .






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 08, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'M IN LOVE WITH SUMMERWhere stories live. Discover now