Playboy 28

11.7K 187 10
                                    

Playboy 28







Bumalik ako ng kwarto ni William. Pero sinigurado ko munang tapos na kong umiyak. Ayaw kong malaman niya na umiiyak ako. Maski si Will.

Pero pagkapasok ko ay nakita kong natutulog silang pareho--hawak hawak ni Will ang kamay ng anak nya.

Akala ko maayos na ang lahat. Akala ko pwede na kaming mamuhay ng matiwasay. Hindi ko alam kung talagang totoo ang pinakita kanina ni Jewel o hindi.

Ginawa lang ba nya yun para mapagbugyan ko siya sa gusto niyang mangyari? Para magkaroon siya ng dahilan para ibigay sa kanya si Will?

Hindi ko na naman napigilan ang mga nangingilid na mga luha ko at napasinghot ako. Tama lang para maalimpungatan si Will at makita nya ko.

"Greta.." Aniya. Tumayo siya at inayos ang natutulog na William. "Nakatulog na si William. Gusto mo narin bang matulog?"

"H-hindi. Sige, matulog ka lang." Ngiti ko at kunwaring nagaayos sa mga pagkain sa may lamesa.

Nakailang lunok ako bago ko maramdaman ang presensiya nya sa likod ko, "Okay ka lang ba?"

Sa mga simpleng tanong na yun ay naiyak na naman ako. Napapunas muna ako sa mga luha ko at hinarap siya. Ngumiti ako kahit sabaysabay parin sa pagtulo ang mga luha ko.

"O-okay lang ako. Ano lang... uhmmm... uh--" Suminghot ako at pilit na umiiwas sa tingin ni Will. Paano ba toh?

"Greta... Greta..." Hinawakan nya ang baba ko and fixed his gaze into mine. Kaya napatingin narin ako sa kanya. "Tumingin ka sa akin. Sabihin mo, okay ka lang ba talaga?"

Tumitig ako ng matagal sa mga mata nya bago ako umiwas at niyakap siya. Niyakap siya ng pagkahigpit-higpit. Niyakap din naman nya ko pabalik at hinalikan sa ituktok ng bunbunan ko.

Narinig ko ang mahina nyang pagngisi, "I see. Namiss mo ata ako."

"Sobra."

"Talaga? Magkasama naman tayo buong araw ha?"

"Kahit na. Namiss parin kita."

"Talaga? Hindi ako kumbinsido." Nilayo niya ang ulo niya at nakita ko siyang nag-pout. "Make me believe that you really missed me."

Nagpout naman ako, at mukha namang nagets niya iyon at siya na ang nag-lean downard para halikan ako. Smack lang. At nginitian ko siya. It felt good kahit smack lang. At least hindi na siya humingi ng mas matagal pa doon.

"Pwede mo na bang sabihin kung anong problema mo?"

Natigilan ako. "Wala nga. Namiss lang kita."

"Babe," He cupped my face. "Be honest with me. Bakit ka umiiyak? May nangyare ba?"

Napababa ang tingin ko. Kumalas na ko sa yakap niya at pinaglaruan na lang ang kuko ko. "K-kinausap ako ni Jewel kanina.."

"Tungkol saan?"

"Yung daddy niya. Kailangan ka ng daddy niya." Tumingin ako sa kanya. "Balikan mo na si Jewel."

Napakunot ang noo niya. "Why? Why are you pushing me to her all of a sudden?"

"She asked for it, Will. At hindi kita tinutulak sa kanya."

Tumalikod siya sa akin at pumamaywang. Mukhang nainis siya sa sinabi ko. "Hindi ba mukhang pagtutulak yun?"

"Will, kailangan ka ni Jewel."

Tinalikuran na niya ko. I stepped forward and held him on the shoulders that caused him to stop. I made him face me.

"At kailangan ka rin ng daddy niya. He might die if you won't come.." Napatigil naman siya doon. "Ipagkakatiwala niya sayo ang kumpanya nila. And do you know what it means? Pinagkakatiwalaan ka na niya. Tulad ng gusto mong mangyare noon, hindi ba?" ngiti kong tanong.

Mr. PLAYBOY (KathNiel) DONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon