Playboy 21

15.3K 193 9
                                    

Playboy 21









"Babe, are you done yet?" Narinig kong tawag ni Emilio sa akin.


Nag-apply ako ng lipstick. "Saglit na lang ako!"


"I'm really excited for the launching of our resort. So we shouldn't be late cause this will be the biggest break of our company!" Narinig kong sambit nya.


Pagkatapos kong magspray ng alchohol ay sinuot ko ang binigay na bracelet ni Will. Nakangiti naman akong isinusuot ito. Kaya naman hindi ko na napansin si Emilio na pumapasok sa kwarto.


Nakatingin lang siya sa akin. Ngumiti ako.


"Bagay ba sa akin?" Tanong ko sa kanya.


"You look fine. Tara?" Aniya at ikinabig ang braso ko sa braso nya.


You look fine.


Parang sinasabi nya na hindi na oo. Ang gulo lang. Imbes na matuwa ako ay parang tinamad bigla ako. Napatingin ako sa kanya at napayuko na lamang.



**



Pagkadating na pagkadating namin ay sumalubong agad ang media. What the? Kailangan pa talaga nun?


Sinalubong ako ni Emilio at hinapit sa baywang. Dahil sa mga ilaw na nanggaling sa mga camera ay parang nahihilo ako.


"Hold your smile, babe." Bulong sa akin ni Emilio.


Kaya kahit nahihilo sa mga flashes ng mga camera ay pinilit kong ngumiti.


Naglakad na kaming dalawa ni Emilio papasok ng venue. At tulad nga ng gusto ni Emilio, ay orange and brown ang theme ng party. May mga bisita narin ang naro-roon.


"Babe, I'll leave you first. Pupuntahan ko lang sila doon. Do you mind?" Bulong sa akin ni Emilio.


"Iiwan mo ko?"


"I'll just talk to them. I'll be back. Okay?" Hinalikan nya ang gilid ng ulo ko at umalis na agad papunta sa isang table roon na halatang matataas na mga tao.


Nakatayo na lamang ako doon habang tumitingin-tingin sa ibang tao. Mayroon din namang mga subok na nagpipicture pa sa akin kaya naman ngumiti na lamang ako ng ngumiti kahit ano pang ngawit ng panga ko.



Nagulat na lamang ako ng may humawak sa baywang ko. Sakto namang may kumuha ng litrato sa amin.


Pagkatapos nun ay napatungo ako at nakita kung sino yun.


"Sabi sayo eh, kahit ano pang suotin mo, you'd still look gorgeous." Bulong nya sa tenga ko.


Kinilig ako. Pero agad namna akong napangunahan ng kaba dahil baka may makakita sa amin, or worse, baka makita kami ni Emilio o ni Jewel.


"Nandoon siya. May kausap siya." Sabi naman nya agad.


Napahugot ako ng buntong hininga. "Buti naman."


"Wag ka ngang kabahan. Wala naman siguro silang mahahalata kung anong meron sa ating dalawa eh." Aniya. "Kahit na gustong-gusto ko ng sabihin na akin ka na ulet."


Humarap ako sa kanya. "Sorry.." Napakagat labi ako. "Naghihintay lang ako ng tamang tiyempo para sabihin kay Emilio."


Ngumiti siya. "I understand you."


Ngumiti rin naman ako.


"Umupo muna tayo. Baka pagkaguluhan ka dito. You know that I don't like sharing." Ngisi na ibinulong nya sa akin.


Natawa na lang ako at umupo na kami sa isang table na nakareserve para talaga sa amin.


Mga ilang minuto kami magkasama ang nagkwentuhan pa. Pero we need to keep our profile low. Maraming nakapaligid na media at baka may makakita sa aming dalawa. At alam siguro ng lahat na iba kami ng karelasyon.


Ilang minuto pa ang dumaan ng dumating na si Jewel at Emilio ng sabay.


Napatayo naman kaming dalawa ni Will at agad namang dumikit sa mga karelasyon namin.


Napakagat ako ng labi ng hapitin ako sa baywang ni Emilio. "So do you guys having fun?"


"Uhmm oo naman." Sagot na lang ni Will. Napapigil ako ng ngiti ng tumingin siya sa akin.


"So let's have a seat? The party's gonna start any minute." Emilio pulled the chair for me at sa kanan ko siya umupo.


Sa kaliwa ko naman ay si Jewel at sa kaliwa naman nia si Will. Napakagat muli ako ng labi at iniiwas ko na lamang ang tingin ko mula kay Will.


Tama nga si Emilio. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagsimula na nga ang party. Pinakita nila ang buong lugar ng Villa Merillo, including ung mga entertainment places na pwedeng makita roon. After that, ay tinawag si Emilio sa harapan.


"In behalf of Jewel Montemayor, We would like to thank all of you. And I would also like to thank her. Not because of her, this project will not be possible. Thanks to her fiancee, Will Fuentes." Tumayo silang dalawa--si Jewel at Will. "And I would also like to thank my inspiration for coming up of Villa Merillo--my girl."


Agad naman silang nagtinginan sa akin. Ngumiti na lang din ako sa acknowledgement na ginawa ni Emilio.


"So this is the end of it. Let's enjoy the party!" Itinaas ni Emilio ang kanyang wine glass at uminom mula dito. Isang senyales na, kasisimula palamang ng mismong party.



**


Kumakain na kami sa table namin. Seryoso lang ako habang kumakain at mukhang gayun din si Will.


We keel glancing on each other at palihim na mapapangiti.


"I'm very happy at naging sucessful ang launching ng Villa Merillo" Simula naman ni Emilio. "And I never thought this would be exciting."


Ngumiti naman si Jewel.


"And this would not be possible without the help of you guys!"


"Syempre naman noh! This would not be also possible without you! All in all ikaw naman talaga nakaisip ng lahat ng tungkol sa Villa Merillo. Congrats to you Emilio." Bati ni Jewel sa kanya.



Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa magsimula na ang pagsayaw sa dancefloor.


Nakaupo lang ako ng nay makita akong kamay na nakalahad sa akin.



"Can I have this dance, babe?" Ngiti nya.


Agad naman akong napangiti. At tinanggap ang alok nya. We went straight the dancefloor and placed my arms on his shoulder. While his are on my waist.


"Did I already mention to you how gorgeous you are tonight, babe?"


Nabigla ako. Akala ko hindi mo na sasabihin eh, naisip ko. Napangisi na lang ako. "I know right." ngiti ko. "I'm so proud of you babe. Wala na kong masabi. Hands down."


Ngumiti din naman siya, "I know you are. I'm sorry kung nawalan na ko ng oras sayo these past few days. I was just so busy that I don't have any time for doing anything-"


I placed one finger on his lips. "Shhh. Okay na. Ayos na, okay? Hindi ako galit."


Tumigil siya sa pagsayaw. "Promise ko sayo, I'll find time to be with you starting tomorrow. Okay?"


"O-kay!" Sigaw ko din naman at muli kaming sumayaw.


Buong minuto kami nagngingitian.



"I'm so lucky to have you, babe." Bulong nya. "I love you."


Biglang nawala ang ngiti ko sa labi ko. Ewan ko. Sa tuwig sinasabi niya yun ay walang pumapasok sa isip ko kung hindi si Will.


Kung pipiliin ko si Will, natatakot akong masaktan si Emilio. Kung si Emilio naman, natatakot ulet akong nawala pa sa akin ulet si Will.


Hindi ko na alam. Naguguluhan na ko.


Naagaw ng tingin ko si Will at Jewel na sumasayaw narin. Pero ang mas nakakabigla ay, sa amin lang ang tingin at atensyon ni Will habang nagsasalita si Jewel.


"Babe?"


"U-uy." Napatingin agad ako kay Emilio. "M-mahal din kita."


Ngumiti siya. "I knew you are."



Muli kaming sumayaw ng walang nagsasalita. Nagse-sway lang kami doon at wala akong ibang naiiisip kundi ang meron sa aming dalawa ni Will.


And speaking of the devil, bigla na lang tumigil si Emiliosa pagsayaw dahil sa paglapit sa amin nila Jewel at Will.


"May I have this dance?" Aya ni Emilio kay Jewel.


"My pleasure."


Agad silang umalis at naiwan kaming dalawa ni Will. Napamulsa na lang siya at ako naman ay napahimas sa magkabilaan kong braso.



"So...."

"Uhmm.."


Pareho kaming nagkatinginan at biglang natawa. Ang awkwar lang.


"Pede ba kitang masayaw?"


Natawa ako sa pagtagalog nya. "Pwede naman." Tawa kong sagot.



Yung paglapit ng katawan nya sa akin...

Yung paglapat ng mga kamay nya sa baywang ko..

Yung pagdama ko ng init ng kanyang katawan..


At yung pagalburuto ng puso ko.


Parehong-pareho kun paano ito magalburuto noon.


"Anong nakakatawa?" Iritado kong tanong.


"Wala.." Ngumisi siya. "Kinakabahan ka ba?"


"H-hindi."


"Bakit nanginginig yung mga kamay mo sa balikat ko?" ngisi nya. Kaya naman hindi ko maiwasang paluin siya doon. "Aw! Binibiro lang kita!"


"Ikaw kase eh!"


Natawa na lamang siya. Pero hindi nga, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Dulot lang ba toh ng narramdaman ko o dahil alam kong nandito ang sarili naming mga jowa di kalayuan sa amin at kahit kailan ay pwede nila kaming makita.


"Hindi mo alam kung gaano kita gustong halikan ngayon, Greta." Aniya bigla. "kaya lang, alam kong bawal. Kasi nag-aalala ka na naman sa kung anong sasabihin nila."


"I'm sorry.."


"Alam mo, minsan gusto kong magtampo sayo kasi parang hindi mo man lang naiiisip kung anong nararamdaman ko sa tuwing sila ang mas iniiisip mo. Parang mas inportante pa sila kaysa sa akin."


"Will.." Nanginig ang boses ko.


"Pero naiiintindihan naman kita. Kung mahal kita, kakayanin kong maghintay." ngumiti siya. Yung ngiting pilit. Halatang kinakaya nya kahit nasasaktan na siya.


Binaba ko ang nga kamay ko mula sa balikat nya kaya naman napatigil siya sa pagsayaw.


Naramdaman ko naman ang pagkagulat nya ng hawakan ko ang kamay nya.


"May sasabihin ako sayo."


"Saan?"


"Tara," Sabi ko. "Doon tayo sa tahimik na lugar."



***



Di kalayuan sa venue ay may maliit na sapa. Rinig parin ang mga tugtog na nagmumula sa venue.


Hawak hawak ko ang kamay ni Will at tumigil na kami.


Humarap ako sa kanya at nilapit ko ang jatawan ko sa kanya. Isinabit ko ang mga braso ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang mga kamay nyang dahan-dahang naghahanap ng lugar sa baywang ko.


"Dito na lang tayo." Sambit ko. "Mas gusto ko dito sumayaw kasama ka."


"Bakit?"


"Para masolo kita." Sambit ko naman agad kahit nahihiya. "At para makasama ka ng walang kahit ano o sinuman ang nagbabantay sa ating dalawa."


Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang noo ko. Hinapit nya ng mas malapit ang baywang ko.


"Ano nga yung sasabihin mo sa akin?"


Napakagat ako ng labi at tumingin sa kanya. "Will..."


"Hmm?"


"Si William."


"Ano?"


Humugot ako ng malalim na buntong hininga, "Anak mo siya. Anak mo si William.."


Bigla siyang napatigil sa pagsayaw. Hindi ko alam kung anong realsyon nya dahil halatang nagulat siya.


"Akala ko ba..."


"Hindi. At oo, nagsinungaling ako. Gawa gawa ko lang na anak namin siya ni Emilio." Tumingin ako sa dibdib nya. "Siya yung... siya yung bunga ng may mangyare sa atin nung gabi bago kita iwan."


Tumingin ako sa kanya at niyakap agad siya.


"Wag ka sanang magalit sa akin, please. Ginawa ko lang naman kasi yun kasi... akala ko, akala ko wala ng dahilan para malaman mo yun. Galit ako sayo ng mga panahon'g yun at akala ko... akala ko hindi na kita mapapatawad kaya tinago ko na lang yun mula sayo." Rason ko. "Galit ka ba?"


Binasa nya ang labi nya at hinalikan ako sa noo.


"Gusto kong magalit kasi nagsinungaling ka sa akin." aniya. "Pero salamat din kasi sinabi mo na ang totoo sa akin."


Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya.


"Mahal na mahal kita, Greta. Mahal na mahal ko kayo ni William."


"Mahal na mahal din kita" Bulong ko sa dibdib nya.



***



Buong oras ay nandoon lamang kami. Nakaupo sa damuhan at nagkekwentuhan. Ipinatong ni Will ang kanyang blazers sa akin para di ako malamigan.


Hindi na namin pansin ang pagtatapos ng party.


"Will!"


"Greta!"


Napalingon kaming dalawa ni Will. Awtonatic naman kaming napaghiwalay at napakagat ng labi.


Sumilaw si Jewel at Emilio.


"Where have you been? We've been looking for you all over the place! Nandito ka lang pala?" Sermon sa akin ni Emilio. Will helped me to get up at napayakap naman ako sa sarili ko.


"Sorry.."


Umiling si Emilio. "Come here. I was just worried. Kung aalis ka, just tell me okay? So I won't be too worried thinking where my girl is."


Niyakap ako ni Emilio. Tumingin naman ako kay Will na nakatingin lang sa amin. Si Jewel naman ay nakahawak na sa braso nya.


"C'mon, let's go home." Inakbayan ako ni Emilio.


"Wait lang Emilio." humiwalay ako sa kanya at bumalik kay Will.


Hinubad ko ung blazers nyang nasa akin ay ibinigay sa kanya, "Will, salamat sa coat."


Ngumiti siya.


Pero si Jewel na ang kumuha nito mula sa akin.


"Greta, c'mon." Utas ni Emilio kaya naman agad akong bumalik kay Emilio.


Muli akong napalingon sa kanilang dalawa at nakasalubong ko ang tingin ni Jewel.



Yung tingin'g may pagdududa.



***

sorry talag kasi nawalan kami ng internet sa bahay, kahapon lng nakapagbayad-___-

Mr. PLAYBOY (KathNiel) DONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon