Chapter 1: New House

141 4 2
                                    

Tumigil ang kotse sa harap ng isang napakalaking bahay. Nandito na pala kami… Binili ng dad ko ang bahay na ito for our temporary home for 2 years… After two years we will migrate to US para dun na permanenteng manirahan. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming magpatagal dito, eh kung pwedeng-pwede naman kaming lumipad any time we want, dahil may sarili naman kaming bahay sa US…Maybe for business reason, lahat kasi sila busy for work, kaya baka marami pang kailangan ayusin bago kami umalis… Well, wala na akong magagawa, sinabi rin ni dad na 2 years na lang daw ay ga-graduate na ako ng highschool, so that’s the right time para sa US na lang ako mag-college.

Lumabas na ako ng kotse, then siniyasat ang bahay, while the maids and bodyguards help mom to carry our things .The house was old-fassioned, napakaluma,and lifeless  …

“Sinasabi ko na nga ba..Walang taste si dad sa mga ganitong bagay. Better to live in a small house rather than this, na mas magmumukha ka pang mahirap sa mahirap.”

“Uhmm, may sinasabi ka ba anak!?”

napansin yata ako ni mama.

“Nothing Mom, nagre-ready lang po ako sa speech ko kay dad!” Lagi akong nare-ready ng speech kay Dad kapag may di kami pagkakaintindihan.

Mom smiled. “You don’t have to darling, naiintindihan na ng dad mo yun”

I smiled, then nabaling ulit ang atensyon ko sa bahay.

“That was built wayback in 1996, kaya ganyan na siya ngayon!.

“Wow, that’s amazing na almost 18 years, nakatayo pa rin yan dyan… But Mom, bakit pagtyatyagaan pa natin tong bahay na ito, when we could choose better than this… Look, it was already rotten!”

“That’s the reason why your dad choose this!”

Ano daw. Napakunot ako sa sinabi ni Mom. Pinili ni dad itong bahay na ito dahil BULOK!..

“In life, you have to be so practical, look, ikaw na nga nagsabi na 18 years nang nakalilipas, nakatayo pa rin yan diyan. Imagine how many storms, earthquakes or another calamities ang dumaan, it was still there. Sana ganun ka rin Jam, your growing old na, so dapat you can make a good decision by yourself, dahil hindi sa lahat ng oras nandito kami ng dad mo at ng mga kapatid mo na gagabay sa iyo. Darating ang panahon na ikaw na ang mamamahala sa sarili mo in a good way. Tulad kanina you look this house in structure and not in quality… Right!?

“O naku! Mukhang uulan na yata. Let’s go inside.” said Mom.

“Uhmm, sige po, susunod na lang po ako, mauna na po kayo”

Hayyyyyyy… Si Mommy talaga, kung magpa-alala, talagang isusuksok at i-elaborate pa sa iyo para hindi mo talaga makalimutan. Well, may point naman si Mommy. At least ngayon, medyo naiintindihan ko na ang mga bagay-bagay, di tulad noong past few years na pagkatapos ko marinig, eh wala lang para sa akin dahil di ko talaga maintindihan.

Pumasok na ako sa loob ng bahay, at nagulat ako sa sobrang ganda nito. This is way better than our house in Cavite. I immediately ran through my room at nagpahinga.

“Riri… wake up…. Riri…… Riri”...Hay.... Ayaw mo ah...

PANGETTTTT!!!!... GISING!!!

“Anu ba!? Nakikita niyo naman siguro na natutulog ako diba… Do not disturb me…Get out!” I said but still in half sleep. I know na si Ate Alex ang gumigising sa akin. Una dahil siya lang naman ang naglalakas ng loob na pumasok sa kwarto ko w/out even knocking, pangalawa, Riri ang tawag niya sa akin at pangatlo, siya lang ang tumatawag sa akin ng PANGET, kahit di naman... Di niya kasi matanggap na mas maganda ako sa kanya.

My Crush is a GayWhere stories live. Discover now