Part 1: First Day High

42 1 0
                                        

First day of school ko sa Erlington High. Dahil sa pambubully sa akin sa last school ko, naisipan kong lumipat. Well, every nerd gets bullied somehow. Sana dito sa Erlington High di maging ganun kasama. Kaya heto ako ngayon, nakatayo sa Entrance ng campus. Nakasuot ako ng uniform namin na palda at long sleeves na polo na kulay white at necktie na checkered. At wag natin kalimutan ang glasses ko na napaka-laki at braid na napaka-haba. Mukha akong elementary student, sa totoo lang. Eh wala naman akong sense of fashion eh kaya simple lang ako.
Pagkapasok ko sa school ay agad akong nakasalubong ng mga magagandang babae na ang iikli ng skirt at mga naka-heels. Nakasalubong din ako ng mga lalaking gwapo na saksakan ng angas. Hindi nga ako makapaniwala na naglalakad ako dito sa school na parang normal na tao. Di kagaya sa school ko dati, lilingon lingon ang iba at magbubulungan pag ako na ang naglalakad sa harapan nila. Dito, may mga tumitingin pero halata namang wala silang pake. Dumeretso ako kaagad sa office para kunin ang schedule ko.

"Hi po, transferee po ako. Kukunin ko lang po sana ang schedule ko?" Sabi ko sa secretary ng principal. Medyo matanda na siya, pero bakas pa din sa mukha niya ang ganda niya noong bata pa siya.

"Okay, and your name is?" Sagot niya sa akin. Ang gara pala ng accents at pag-english ng mga tao dito. Mukhang nakasanayan na. Scholar lang naman kasi ako dito eh. Nerd nga naman, Ayun nakapasa sa entrance exams.

"My name is Jherea Lorelynn Mulganzia, miss." Sagot ko sa kanya. Siyempre marunong din ako mag-english ano, hahaha.

"Well Ms. Mulganzia, here is your schedule. You are in section 1, 3rd floor room 301." Sabi ng secretary sa akin. May iniabot siyang mga papeles na nakalagay sa isang folder. Pagkaabot nito ay agad akong nag thank you at lumabas ng room. Paakyat na sana ako ng third floor nang may makabangga ako.

"Ouch." Saad nito. Boses lalaki. Hindi ko agad nakita ang itsura niya dahil sa natumba ako. Iniabot niya ang kamay niya sa akin, tulong sa pagtayo.

"Sorry po talaga. Nagmamadali lang ako eh." Sabi ko noong  nakatayo na ako. Aba ang gwapo ng nakabangga ko ah. Tama lang ang height, at tama lang din ang ayos. Di masyadong clean, di masyadong dirty. Gets niyo ba?

"Okay lang yun ma'am, mukhang bago ka po eh. Alam niyo po ba kung nasaan ang Faculty Room or ituturo ko pa po ba?" Sabi nito. Aba! Napagkamalan akong teacher. Nagmumukha na ba akong matanda para mapagkamalan niyang ganun?

"Huh? Anong pinagsasabi mo? Studyante po ako dito. HINDI TEACHER. Tsk." Oo, inaamin ko naiinis ako. Pero mainis ka ba naman sa gwapo, magalang, at mukha namang walang intensyon?

"Siyempre joke lang yun, naka-uniform ka 'no. Ano ako tanga para mapagkamalan ang naka-uniform bilang isang teacher?" Sabi niya ng natatawa. Erase mo na yung part na walang intensyon, tsk.

"Tsk, diyan ka na nga." Papaalis na sana ako nang hinila niya ang kamay ko.

"Ano ka ba miss, sorry na nga eh. Hindi ko kasi alam kung paano ako magi-introduce sa isang transferee na kagaya mo."

"Ah, okay. Sorry din. Sige mauna na ako." Hinila niya ulit ako. Ano ba ako tali para paghila-hilaan?

"Di ka muna ba magpapakilala?"

"Bakit ako ang magpapakilala eh ikaw naman tong nag-yayayang magpakilala." Tinarayan ko. Bukod sa nerd ako, may pagka-sarkastiko at maypagka-taray din naman ako 'no. I'm not the shy type nerd. Ako yung madaldal na palaban. Nung elementary. Nung high school ko kasi sa dati kong paaralan is halos konti lang mga kaibigan ko. Konti na nga lang, nangbaback-stab pa.

"Okay fine, i'll introduce myself. Hi, I'm Jeremiah Joshua Garcia. Josh for short. And you are?"

"Hi, I'm Jherea Lorelynn Mulganzia. Rea for short."

"Unique name by the way, Rea."

"Thanks." Unique? Unique ba yun?

"Anong year ka na nga pala?"

"3rd year na ako. Ikaw?"

"3rd year din. Pero teka, anong ginagawa mo dito sa freshman building?" Sagot nito. Freshman building? Edi 1st year yun.

"Sabi ng secretary, 3rd floor daw room 301. Edi eto ako ngayon papuntang 3rd floor."

"Buti na lang pala nabangga mo ko." Huh? Kelan pa naging maganda yun? "You know because the secretary isn't that helpful and specific."

"Bakit pa siya nag-secretary kung ganun?"

"Rumors are, mistress siya ng chairman ng school." Kakadating ko pa lang may rumors na agad?

"Ah okay, mukhang madaming tinatagong sikreto itong school niyo ah?" Sabi ko.

"Madami nga. Pero teka, halika na. Baka ma-late tayo. Ano bang section mo?"

"Section 1."

"Section 1 din ako eh, halika hatid na kita." Gwapo na matalino pa? Tapos mabait? Grabe naman. All in one to!

"Sige, halika na." Sabi ko at tinuro niya ang daan papunta sa room.

Sana maganda ang year ko dito sa Erlington High.

Wrong SendWo Geschichten leben. Entdecke jetzt