finale; thesha's

1.2K 69 21
                                    

narration - (contains lowercase texts)


pinadalhan ko ng munchkins si seonho para magising siya sa katotohanan. bigla bigla nalang nambblock sa messenger! hindi niya pa ako pinatapos sa sasabihin ko.




ilang oras rin akong naghintay pagkabili ko nung munchkins. si kenta nalang yung pinagpanggap kong delivery boy dahil wala akong budget. si hyungseob sana yung uutusan namin kaso- nevermind.



"ang tagal naman" nagtungo muna ako doon sa may tree house sa sobrang bagot. ang tagal tagal-- nakalimutan kong apat na taon pala siyang naghintay habang ako... nakakalimang oras palang dito sa park.


maya-maya pa ay may narinig akong footsteps kaya dahan dahan akong sumilip and there, i saw him. for the first time after 4 years ngayon ko lang ulit siya nakita nang personal.



ang dami nang nagbago sa kanya. magmula sa visuals niya pati sa height. hindi maitatangging mas lalo siyang gumwapo ngayon at tumangkad pa.


"baki--" natigilan ako sa sasabihin ko nang bigla niya akong hinigit para yakapin.


"i missed you." tanging sabi niya pero puno ng lungkot yung tono ng boses niya. did i went overboard?


"sorry haha" saka niya ako pinakawalan sa pagkakayakap. "nadala lang ako"


"namiss rin kita. lika nga dito" sinenyasan ko siyang lumapit sakin pero di niya ako sinunod kaya ako itong napakunot nalang ng noo saka lumapit sakanya at sinalubong ng yakap. kanina ko pa gustong gawin to eh.



"thesha ano ba hahaha baka makita tayo nung boyfriend mo. nasaan ba siya? kasama mo?" mas lalo ko lang hinigpitan yung yakap ko dahil sa sinabi niya.



"baliw ka talaga" iniangat ko yung ulo ko para matanaw yung mukha niya ang kaso nag-iiwas lang siya ng tingin.



"i love you" biglang sabi ko na ikinagulat niya pa.



"wag ka nga nagbibiro nang ganyan noona. baka marinig ka nung boyfriend mo tapos mag-away pa kayo nang dahil sakin." pucha ang cute, nagmatured na nga siya pero siya parin yung byeongari na naiwan ko noon.



"naririnig niya nga tayo ngayon eh." pagkasabi ko nun agad kong kinuha yung phone ko sa bulsa at hinanap ang dapat hanapin saka ko iyon pinakita sa kanya.


"remember? eto yung messages mo sakin noon. oo, seonho nandito ako ngayon at kasama ko ang boyfriend ko."



"ang cute niya nga eh. nililigawan niya yung picture ko, guanlin needs an award because of this. biruin mo sinesend niya sakin lahat ng video na nakuha niya habang nililigawan mo ako. tap--" hindi ko na naituloy pa yung sasabihin ko nang isang malambot na bagay ang nagpatahimik sakin.


he kissed me.



pagkatapos non ay agad siyang may kinuha sa bulsa niya.


Yoo Seonho
active now

Seonho: alam mo ba kung anong ibig sabihin ng 🐷?


napangisi nalang ako sa isip isip ko bago ako nagtype ng irereply sa kanya.

Thesha: yan, isa pa yang misteryo eh. ano ba yan?

Seonho: yun yung ginawa natin kanina 😊

Seonho: 🐷

Thesha: hindi ko ge-- *typing*

Seonho: 🐷 = 😘



"seryoso ka?"

/tumango/

"kung ganon ibig sabihin--"

"oo thesha, matagal na akong may feelings sayo. nakakatawa nga kasi nung college ko lang narealize yun. kaya pala ang weird ko pagdating sayo"

/shookt/

"i love you thesha q."

Yoo Seonho
active now

Seonho: masaya ako pero dahil bumalik ka na- gusto kong iparanas sayo lahat ng naranasan nung picture mo. liligawan kita ulit dahil mahal kita.




THE END.

-
yay! maraming salamat sa patuloy na bumasa hanggang dito 😊 kamsalamuch din sa mga nagvomment hehe nakakatuwa kayong lahat. sana nagustuhan niyo ending. di ko talaga alam paano tatapusin to kasi nagkaron ng madaming plot hole sa dulo hahaha so ayun, plug ko rin yung next na epistolary part 2 siya nito pero si guanlin naman yung bida. (related siya sa story na to) HAHA nonchalant po ang title^^ thank you.

PS: 'there might be special chapters' ;)-- edited, imbis na special chapters naisipan kong isang story pa^^ sana abangan niyo rin haha. sobra sobra ko na kasing miss si seonho. hahaha kayo rin naman diba? :D

munchkins | yoo seonhoWhere stories live. Discover now