Wait. Ano? Hindi ko ito maintindihan. Sino raw?

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Ako ba ang tinutukoy mo?" Paninigurado ko. 

"Ay hindi! Iyang painting sa likod mo ang tinutukoy ko at kinakausap!"

Sabay tumalikod na ito at naglakad papunta sa classroom.

Tiningnan ko naman ang likod ko. Painting nga.

Painting ang kinakausap niya?

Was he....mentally challenged?

 --

Wala kaming imikan habang nagkaklase. Medyo nawiwirduhan din kasi ako dito sa katabi ko. Kinakausap ang painting? I mean, who in the right mind would do that?

He's weird. Bigtime.

Natapos ang klase pero talagang hindi na kami nag-usap pa. Nag-enjoy din kasi ako sa discussion. Ang galing ng prof ko mag-piano. He discussed Mozart and Beethoven. He could play those classic pieces even though he’s old. 

Kinuha ko na ang bag ko at inayos ang mga gamit sa desk ko. Dali-dali akong lumabas ng room para hanapin ang mga kaibigan ko. Nagtext kasi sila na nasa labas daw sila ng building at hinihintay ako.

Paglabas ko, nakita ko naman agad sina Philip, Kaye, at Cess na nagtatawanan.

"Mga bakla! Ano? Let's lafang ourselves na," I shouted.

"Gora!" Malanding sang-ayon ni Philip.

"Girlets and gay, may news ako," kinikilig na sabi ni Kaye habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.

"Ano? Sabay-sabay na tanong naming.

"May new members daw ang Cryptic Warriors. And take note, every year kasi nagpapalit sila ng President, at manggagaling iyon sa new members nila. Ayon sa aking reliable source, lima silang gwapo. Mga fafabols!" Kinikillig pang sabi ni Kaye.

Basta lalaki talaga, walang chismis na makakatakas dito.

Ang Cryptic Warriors ang pinakasikat at pinakahinahangaang frat dito sa school. Halos lahat ng miyembro nila ay mga gwapo, mayayaman, at matatalino. Ang sabi, mahirap daw makapasok sa frat na ito. Matinding initiation daw kasi ang pagdadaanan.  Hindi ako sigurado. Iyon lang ang nasagap kong chismis. Hindi kasi ako masyadong interesado sa mga frat frat na iyan.

Pero kahit hindi ako interesado sa mga frat issues at news, may isang tao doon na sobrang interesado ako. Type ko kasi ang President nila, si Zach. Pero kasi, sabi nga ni Kaye, may bago na raw na Presidente ang grupong iyon.

Sino naman kaya? Sana kasing gwapo rin ni Zach.

"Pero ang sabi kasi, galing sila sa ibang school," Kaye said a matter-of-factly.

"Ha? Paano nangyari iyon? Pwede bang sumali ang ibang students galing sa ibang school?" Nagugulugang tanong ni Cess.

"I don't know. Iyon ang nasagap kong chismis. Basta ang alam ko, may new members sila." Kaye shrugged.

"So, when natin mamimeet ang mga byolang shotokobelles na iyon?" Singit ni Philip.

"Beats me. Wala pang nakakaalam kasi hindi pa sila nakikitang magkakasama, e," Kaye said, smiling.

"Ganoon? Pa-mysterious effect pa ang mga chakabelles na iyon," sabat ko.

"Sister, kaya nga Cryptic Warriors sila, 'di ba? Cryptic. It means mysterious. Boba." Cess rolled her eyes.

Nagtawanan silang tatlo.

Inirapan ko lang silang tatlo. "I know what cryptic means, dude. What I am saying is, bakit paVIP sila? Aarte nila. Pa-mysterious effect pa. If I know, mga duwag ang mga iyon. Duwag lang ang sumasali sa frat. Okay?" Nakaismid kong sabi.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon