Prologue

19 4 0
                                    

"Stacey"

Napadilat ng mata si Nyalle nang narinig niya ang pagbanggit ng isang babae sa likuran niya sa pangalang madalas bumibisita sa isip niya. Hmph, ang babaeng iyon na naman. Pinikit niya lang ang kanyang mga mata uli at binalewala iyon, baka kaibigan niya lang iyon.

Ngunit napahinto siya nang ang simpleng pagbanggit ng babae ay naging isang sigaw; isang sigaw na may takot sa boses nito.

Agad siyang lumingon at nakita kung anong nangyayari. Sa 3rd floor ng building ng Heaven's String University ay ang babaeng may-ari ng pangalang iyon, at kitang-kita sa ginagawa niya na may balak siyang magsuicide.

"Huwag.." Kakasabi lang niya ay tuluyan nang tumalon si Stacey. Then he did it. He didn't need another second being wasted. With one blink his black eyes turned gray.

In Taberna Quando Sumus Tempus

Suddenly, the live world turned gray. It turned gray and static. Different shades of black and white na ang kulay ng paligid, at tila ba na kay lungkot na ng atmosphera. Wala na ring kumikilos, pwera nalang kay Nyalle. Iisa lang ang maaaring maging explenasyon nito: Ito ay, huminto ang oras.

Sa isang hakbang, naroon na siya ere kung saan nahuhulog si Stacey. Hinawakan niya ito, sabihin natin, bridal style, at dun niya pinapatuloy ang daloy ng oras, ngunit sa pagitan lang nilang dalawa. Pabagsak sila hangga't sa umabot sila sa lupa.

Hindi inaasahan, nakita siya ni Stacey, at gulat ay kitang-kita sa mga mata ng babae. Nagulat din siya, kaya dahan-dahan niya siyang binaba tapos tinakpan ang mukha niya.

"Anong nangyayari?" medyo nataranta ang boses ni Stacey dahil sa nakita. Tumingin si Nyalle sa kaniya.

Maswerte ka talagang babae ka. Ginamit ko na nga ang kakayahan ko para mailigtas ka, nakita mo pa. Sayang lang, dahil di ko to hahayaang mananatili sa alaala mo.

"Don't worry too much. This is only a dream." bulong niya. Matapos niyang sabihin iyon, umilaw ang mga mata ni Stacey, at nawalan ng malay.

Bumalik na si Nyalle sa kanyang puwesto bago pa niya hininto ang oras, sa kanto sa labas ng university na iyon."Tempus Continue" sambit niya at nagbalik sa itim ang kulay ng kanyang mga mata, pati narin ang paligid. Tumuloy na ang daloy ng oras.

Napaisip si Nyalle kung gaano niya kinakailangan ang kapangyarihang niyang ito sa sandaling iyon. Sa kanyang buhay, hindi pa niya kailanmang naisip na ang kakayahan niyang huminto ng oras ay may mabuting maigagawa pala. Ngumiti na lang siya.

Sa mga sandaling iyon, marami nang mga estudyante ang nakapalibot ni Stacey, pati na ang babaeng nakakita sa kaniya.

Medyo nakakaramdam si Nyalle ng pagkahilo, ngunit itinaboy niya lang ito. Mga ilang minutong lumipas, may ambulansyang dumating at nakita niyang naisakay na ang katawan.

"Hmm, pusa ka talagang babae ka. Di ko naman ito ginagawa sa iba, pero sayo, naggawa ko. Ano nga ba ang meron sa iyo na di kita naiwasang iligtas? At ngayon, di ko nga alam kung bakit mo ito ginagawa. Bakit ka ba nagpapakamatay? Tsk. As if I care." naguguluhang binubulong niya sa sarili.

"Pero ok iyon ha. First ko tong mafeel. Worth it ang paggamit ko nito sa iyo."

Ngumiti siya muli at tuluyan na ring nawalan ng malay.

-------------------------------------------------
Hi! Niko here. So you see, first story ko palang ito, at detailed ang daloy ng events ng prologue dito sa isipan ko. Pero, nakikita ko nga na medyo, nabibilisan ko ang pagnanarrate ng story. So if you guys would comment on any suggestions, I would gladly appreciate it. Thank you sa lahat ng bumasa nito and I hope you liked this prologue and will continue to read it.
Btw, Nyalle is read as /Nayal/.
GB.
~okiN25

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SLOTHWhere stories live. Discover now