CHAPTER 10.2: Caught in the Act

Start from the beginning
                                    

                “My love mo, mukha mo. Bakit hindi mo sinabi sa akin na binago mo ang poll question? Ano na mangyayari sa pustahan natin?”

                “Kapag sinabi ko ba sayo, papayag ka na palitan? Wag mo na isipin yun pustahan. Hindi na tuloy yun unless, gusto mo.”

                “Ano?! Ayoko nga!”

                “Good. Sige, una na ako, my love.”

                “Che!” aba, inirapan ako. Ang cute talaga niya kapag naiinis. 

Babalik na sana ako sa classroom dahil nag-ring na ang school bell nang bigla akong tawagin ni Lian.

                “Adrian, babe.” Dapat ko na talaga kausapin si Lian. Pero malinaw naman sa kanya nun simula pa lang na wala kaming relasyon. In short, it’s just a fling.

                “Bakit?”

                “Babe, tell me it’s not true. Tell me that you don’t like that amazon, Jen.” Hindi ko alam kung paano nabuo ang conclusion ni Lian na may gusto ako kay Jen. Siguro dahil na rin sa mga nakita niya sa event. Kahit sino naman siguro na nakakita sa amin ay maiintindihan kung ano ang meron sa amin ni Jen.

                “You want to hear the truth? I like Jen and I’m starting to like her even more. I might even fall for her, you know? I’m actually thinking of courting her.”

                “What?! Bu-but, what about us?”

                “Us? There’s no US. You know that from the very start. So, please, stop. You deserve someone better.”

                “N-no! No, Adrian! You won’t get away with this! I tell you! You don’t know what I’m capable of!” sinasabi ko na nga ba eh. Dapat hindi ko na pinatagal ang fling namin ni Lian. Tsk.

                “Oh, really? What are going to do?”

                “I have this!” pinakita niya ang picture ko habang nag-DDJ sa Iphone nya. F*ck. Alam ni Lian na strict ang dad ko. Kapag nakita nila dad to panigurado ipapadala nila ako sa Italy.

                “Oh, that?” Kinuha ko ang Iphone niya. Pinilit pa nyang inagaw ang Iphone nya pero hindi nya nagawa. Para siguradong hindi kakalat ang picture, winasak ko ang Iphone niya.

                “No! Stop it!” Pinigilan pa nya ako pero huli na. Wasak na ang Iphone niya. Bibigyan ko na lang siya ng bago. At ngayon, ako naman. Pinigilan ko ang galit ko sa kanya dahil baka masaktan ko siya.

                “Now, let me tell you something. You know, my dad has the largest shares in your company. Our company, rather. I can talk to my Dad and tell him to pull out all of our shares in your company and boom! You’re company will be bankrupt in an instant. Do you want that to happen Lian Kang?” hindi naka-imik si Lian sa sinabi ko. May 65% of shares kami sa company nila Lian. Lumapit kasi ang dad ni Lian sa dad ko last year para i-salba ang company nila from bankruptcy.

                “No, no, no! Don’t do that, please. I’m begging you. Don’t do that. Look, i’m sorry. Ginawa ko lang naman yun para takutin ka. Para hindi mo ako iwan dahil gusto kita but, promise! Hindi na ako manggugulo sa inyo ni Jen. Please, wag mo lang gawin yan.” Nagsimulang tumulo ang mga luha sa mga mata ni Lian. Hai.

                “Look, as long as you stick to your promise, I won’t do anything. But, once you broke your promise, you already know what will happen. May isang tanong lang ako. May copy ka pa ng picture?”

                “Wa-wala. Nag-iisa lang yun at wala pang nakakakita nun. Kaninang umaga ko lang kinuha ang picture na yun.” After ng nakakapagod na event sa school, pumasok pa din ako sa YG CLUB kanina.

                “Ok. Good. Sige, bumalik ka na sa classroom mo. Wag kang mag-alala, papalitan ko ang Iphone mo at saka Lian, buksan mo ang puso mo para sa iba. Hindi ako ang para sayo, Lian. Hindi mo lang siguro siya pinapansin pero alam ko may pagtingin sayo ang tao na yun.”

Naghiwalay na kami ng landas ni Lian. Muntik na ako dun. Kung hindi ko nagawan ng paraan, lagot ako panigurado kay dad. Buti na lang at walang estudyante na pakalat-kalat dahil nagsimula na ang second period. Whew. Mas mabuti pang itigil ko na ang pag-DDJ bago pa may makakita ulit sa akin.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Where stories live. Discover now