Chapter 30: Swaeg

453 25 4
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"HOY KUYA!" Tawag ko sa pinsan kong laging wala sa palasyo.

"San ka galing?" Tanong ko sakanya habang sinusundan siya ng tingin.

"Sa labas lang." Sabi niya at sumalampak sa sofa. Naghihinala na talaga 'ko sa pinsan ko eh. Should I follow him para malaman ko kung saan siya pumupunta at kung anong pinag gagagawa niya?
Or should I tell ate or Dianne?


"Weh? Anong ginawa mo sa labas at ba't ang tagal mo?" Tanong ko habang nakataas ang kaliwang kilay habang naka cross arms.

"Desteen wag ng maraming tanong. Pagod ako." Sabi niya at tumayo dala ang bag niya, Teka bat may bag siyang dala? Habang naglalakad siya papalayo ay di sinasadyang napatingin ako sa bag niya dahil bahagyang naka awang yon at may nakalaylay na itim na tela, baka nagpalit lang ng damit? 


Sinawalang bahala ko nalang yon at tumayo na para hanapin si ate.


Kumatok ako ng tatlong beses sa kwarto ni ate at binuksan naman niya iyon.


"Naabala ba kita?" Tanong ko dahil parang kakagising lang niya, ang alam ko kasi ay natulog siya nung bandang hapon.


"Hindi ayos lang, sige pasok ka." Sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto sa kwarto niya. Kahit ilang beses nakong nakapasok sa kwarto niya ay namamangha parin ako, ang bango kase atsaka ang ganda ng pagkaka ayos.


"Oh bakit---" Di ko na siya pinatapos dahil nagsalita agad ako, ayaw ko ng magpaligoy ligoy pa.


"Hindi mo ba napapansing lahing wala si kuya?" Tanong ko pero yumuko lang siya. My problema kaya sila?


"Ewan ko." Sabi niya at tumingin sa malayo, nag away ba sila? Bakit parang ayaw pag usapan ni ate to?


"Wag mo sanang masamain ah? Pero nag away ba kayo ni kuya?" Diretsahang tanong ko sakanya.


Hindi siya sumagot at nanatiling nakayuko lang, siguro tama akong nag away sila. Ano namang kayang pinagawayan ng dalawang to?

"Sige ate alis na ko, sa susunod nalang." Sabi ko at tumayo na, bubuksan ko na sana ang pinto pero napatigil ako ng mag salita siya.

"Desteen?" Tawag niya kaya lumingon ako.

"Bakit ate?" Tanong ko pero bag iwas siya ng tingin sabay sabing 'wala' kaya nagkibut balikat nalang ako at lumabas na ng kwarto niya.

Ang weird niya ah. Habang naglalakad ako ay naisip ko, bakit kaya sila nag away? Nagtataka nga ako eh, ang sweet kasi nila lagi at hindi ko pa nakitang natatampuhan pero bakit ngayon ay nagkatampuhan or nag away sila? Ito yata ang unang beses na nangyari to.

***

"ATE!" Lumingon ako ng may tumawag sakin.

"Oh bakit Dianne?" Tanong ko at lumapit namna siya sakin, lalo yata siyang pumuputi ah.




The other world: The beginning (BangPink #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon