Chapter 1: Best Friend.

11.9K 140 9
                                    

Chapter 1: The Best friend.

Dominique's POV:

Nang maubos ko na ang pang-apat na strawberry daiquiri ko ay nanghingi naman ako sa waiter ng tequilla. I want something harder. Hard drinks are for woman. And I'm a woman. A beautiful, young, smart woman. A dmn woman.

"Here's your tequilla, ma'am."

"Thank you."

Nakapikit na ininom ko iyon. Eh? Akala ko sobrang pait. Wala naman palang lasa. Lasang tubig lang.

"One more." Paghingi ko muli.

At ganon ulit, para bang lasang tubig lang talaga siya, "Bakit ganito 'to? Parang walang lasa?" "It's a very special type of Tequilla, si Ma'am Trixie po mismo ang nagsabing yan ang i-serve 'ko sa inyo." Very special? Eh wala namang lasa ah. Well, siguro kaya naging special kasi madaling inumin.

Nakaka-anim na shot na ako ng tequilla pero parang hindi naman ako nalasing miski onti, mas nakakalasing pa yung Strawberry Diaquiri eh.

"Strawberry daiquiri na nga lang." Napakamot sa batok ang bartender at tila nag-iisip pa kung bibigyan ako oh hindi. "Hey, my order please!" I said in my bratty tone.

Agad naman siyang kumilos at pinag-gawan ako nito, nang ilapag na niya sa tapat ko ang alak na hinihingi ko ay may biglang kumuha ito nang akmang iinumin 'ko na iyon.

"Ano ba?" Lumingon ako sa taong kumuha ng inumin ko at napasimangot ako. "Akin na 'yan." "No. That's enough, Dominique."
"Jhester Patrick! Akin na 'yan."
"Hindi mo ako madadaan sa pagiging spoiled brat mo, Dominique. Iuuwi na kita."

Humalukipkip ako at tumayo, nakataas ang isang kilay kong tumitig sa kanya, "Pano kung ayaw 'kong sumama sa'yo."
"Then I'll have to drag you away from here at dadalhin kita sa Papa mo." Sinimangutan ko siya at nagsimulang maglakad palayo. "And where do you think you're going?"

Nakayukong nagpatuloy ako sa paglalakad at sinagot siya, "Home. You said you'll take me home."

Narinig ko naman ang pag-ngisi niya at naglakad na kami papunta sa sasakyan niya, inalalayan niya akong maglakad dahil medyo lasing na din ako, naka-apat kaya na glass ako ng alak, at mababa lang naman ang tolerance ko sa alak kaya madali lang akong malasing.

Pagsakay namin ng sasakyan ay agad na binuksan ko yung aircon at radio. Inilipat ko ito sa favorite station namin, tumugtog yung Kantang Best friend ni Jason Chen. Yung theme song ni JP.

"I hate that song, turn that off."

"Really? Eh diba favorite mo yan?" Sabi ko in a high pitch voice of mine, sinandal ko ang ulo ko sa head rest, half close na yung mata 'ko.

"Since when? Change the station." He said calmly while still focusing on the road. He look so handsome sa pwesto niya. Ngumiti ako ng nakakaloko at tumawa sakanya.

"Since you're sixteen. Diba theme song mo yan kay Nicole!" Masigla kong sigaw at bigla naman siyang pumreno.

"Ano ba!?" Singhal ko sakanya.

Tumingin ko sakanya at nakatitig lang siya sa daan at nagsimula ulit paandarin ang sasakyan.

'Pag talaga tungkol kay Nicole, tumitigil ang mundo niya. He's indeed in love with his best friend. Our best friend.

"Why did you get yourself drunk?"

"Nothing. I just want to."

"He cheated on you again?"

Basketball Love Affair 4: Jump BallWhere stories live. Discover now