Chapter 1

48.9K 824 145
                                    

Pumasok si Yoona sa 1st year college na classroom at umupo kung san-san dahil first day of school. Pagka-pasok nya ay isa lang ang tao dun. Si Luhan yun. Matagal na silang magka-klase. Simula first year high school at simula ng makita ni Yoona si Luhan, nagka-gusto na sya kagad kay Luhan. Nung 3rd year highschool na sila, naging girlfriend ni Luhan si Leixia at si Yoona ay nalungkot. Ayaw na sana ni Yoona maging crush si Luhan kaso lang hindi nya magawa.

"Yoona. Bakit parang ang lungkot mo?" Tanong ni Luhan

"Ha? Hindi, hindi. Hindi ako... Malungkot..." Sagot ni Yoona

Hanggang ngayon nagseselos parin sya dahil sakanila ni Leixia. Mabait naman si Leixia kay Yoona.

"Buti ka pa." Sabi ni Yoona habang naka-tingin sa bintana

"Ha? Anong ibig mo sabihin?" Tanong ni Luhan

"Buti ka pa, mahal ka din ng mahal mo." Sagot ni Yoona

"Si Leixia?" Tanong ni Luhan

"Oo. Si Leixia. Sya lang naman mahal mo diba?" Sagot ni Yoona

"Hindi ko lang alam eh. Parang may gusto din ako sa isang babae na halos sing-parehas nya lang si Leixia at ang pinagka-iba lang nila ay yung isa mas mabait kaysa kay Leixia." Sabi ni Luhan

"Ah ganun ba. Kung sino man yung babaeng yun. Ang swerte nya." Sabi ni Yoona at biglang pumasok si Taeyeon at Baekhyun

Si Baekhyun ang nagbubuhat ng bag ni Taeyeon. Sobrang gentleman nya pag dating sa babaeng mahal nya. Si Taeyeon ay tumabi kay Yoona at nakipag-kwentuhan.

"Musta naman si Luhan mo?" Tanong ni Taeyeon at tumawa si Yoona

"Luhan ko? Hindi ko naman boyfriend yun eh pero kanina sabi nya sakin na parang may isa pa daw syang gustong babae. Mag-sing parehas lang daw sila ni Leixia pero mas mabait daw yung babaeng tinutukoy nya." Sabi ni Yoona

"Oh?! Ikaw yun Yoong. Dati nya pa sinasabi kay Baekhyun na halos mag-sing parehas lang daw kayo ni Leixia." Sabi naman ni Taeyeon

"Hindi ako yun. Wala akong pag-asa kay Luhan. May girlfriend na yun at matagal na sila. Malabo nang mag-hiwalay yung dalawang yun." Sabi ni Yoona ng may malungkot na boses

"Hay nako Yoona! Sinasabi ko sayo. Ikaw yun." Sabi ni Taeyeon tapos pumasok si Sooyoung

"Sooyoung!" Sigaw ni Taeyeon at Yoona

Nilapag ni Sooyoung yung bag nya at umupo sa tabi ni Yoona.

"Sooyoung. Sabi daw ni Luhan sakanya na may isa pa daw babae na gusto si Luhan." Kwento ni Taeyeon kay Sooyoung

"Nako Yoona! Ikaw na yun." Sabi ni Sooyoung bigla

"Taeyeonnie. Punta tayo dun sa 7eleven. Bili tayo ng pag-kain." Sabi ni Baekhyun at umalis sila ni Taeyeon

"Yoona. Ikaw talaga yun." Sabi naman ni Sooyoung

"Hindi naman kami ni Leixia halos magka-parehas eh." Sabi ni Yoona

Mamaya-maya dumating naman si Jessica at Kris. Umupo kagad si Jessica sa tabi nila Taeyeon, Sooyoung and Yoona. Ngayon naman, kinwento nanaman ni Sooyoung. Ganun din naman ang reply ni Jessica. Sabi ni Sica, si Yoona nga daw yun.

Habang nag-uusap sila Luhan, Kris at Baekhyun ay tumitingin si Luhan kay Yoona lagi. Tuwing tumitingin si Yoona kay Luhan ng biglaan, ang ginagawa ni Luhan ay tumalikod at kungyari nagkwe-kwento din sya. Maya-maya ay ti-titig na naman si Luhan kay Yoona.

"Hoy. Luhan hyung. Ano nangyari sayo? Kanina ka pa titig ng titig kay Yoona ah? Parang gusto mo ligawan yang Yoona-ng yan ah. Tandaan mo matagal mo nang mahal si Leixia at matagal ka din mahal ni Leixia. Sa tingin mo matatanggap ni Leixia makipag-break sayo?" Sabi ni Kris

Mr. Mr. (LuYoon tagalog fan-fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon