Five years earlier...
"WHAT a shame. Akala mo kung sinong magaling." Naulingan ni Tazi na sabi ng isa sa mga kaklase niya nang lumabas na ang kanilang professor.
Hindi na lang niya iyon pinansin at inumpisahan nang ayusin ang kanyang mga gamit. Anong magagawa niya? Eh, mali naman talaga ang tinuturo ng professor nila kanina. And how did she know? Mahilig kasi siyang magbasa, mag-research and self studying mula pa noong bata siya.
She was in her third year taking up BS Engineering. At kahit isa, wala siyang kaibigan sa classroom nila, kahit sa buong school nila. They were either discriminating her for being a repeater or intimidated by her. At kahit kailan, hindi rin siya nag-effort na makipaglapit sa mga kaklase. She was not that kind of person.
Oh, c'mon, Tazi, kontra ng isang bahagi ng isip niya.
Deep inside alam ni Tazi na hindi iyon ang dahilan. Truth is, she was scared that they would just ignore her, that they couldn't accept her for who she really was. Kung ang sarili niya ngang ina, hindi siya matanggap bilang anak, ang ibang tao pa kaya?
Nauna nang lumabas si Tazi pagkaligpit niya tulad ng palagi niyang ginagawa. Nagkukuwentuhan pa kasi ang mga kaklase niya at seriously, nao-OP siya. Palabas na sana siya ng gate ng campus nang biglang-
"Boooo!"
"Ay letse ka!" gulat na bulalas ni Tazi nang gulatin siya ng kung sino. Agad na napatingin tuloy siya sa babaeng tawa nang tawa sa gilid niya. Rocker na rocker ang dating nito sa suot na itim na T-shirt at itim din na pantalon. She was also wearing a black and white Vans shoes.Tadtad ang tainga nito ng iba't ibang klaseng hikaw pati na ng rocker's bracelet.
"Yeah, right. That's so funny, Shane," sabi niya rito at umurong sa gilid ng gate dahil may mga dumadaan na estudyante.
"You should have seen your face, Tazi. Priceless," natatawang sabi pa rin ng babae na nakahawak pa sa tiyan nito. Sinimangutan lang niya ang babae.
She couldn't claim that Shane was her friend. Actually they didn't know each other too well. Ang tanging alam lang nila tungkol sa isa't isa ay ang pangalan nila at edad, hindi pa nga buong pangalan iyon. But personally? Nah. Nakilala niya ito a year ago nang palagi pa siyang laman ng iba't ibang bar and clubs. May mga kasama itong rocker din. It started with just a simple conversation. The only thing she could remember was when she said to her, "My life sucks, that's why,"
Mula noon magkasama na silang gumigimik. Nagkakayayaan kung saan-saan. At kahit hindi na siya masyadong sumasama dito ay parang bigla na lang itong kabute na sumusulpot sa harap niya, o kaya naman ay tumatawag sa kanya kapag wala itong ibang makasamang gumimik. Pero hanggang doon lang ang pagkakakilala nila sa isa't isa. They were just gimmick buddy. Hindi niya alam kung anong pinagdadaanan ni Shane, ganoon din ito sa kanya. It was as if they are not comfortable opening each other's life.
"What are you doing here?" tanong niya nang tumigil na ang pagtawa nito.
Tumikhim muna ito bago sumagot, parang nagpipigil pa rin ng tawa. "Sumama ka na sa 'kin manood ng fight nina Chad. Baka naman this time, hindi mo na ako tanggihan."
Tazi just rolled her eyes. Ilang beses na siyang niyayaya nito na manood ng FMA amateur fight kung saan fighter ang boyfriend ni Shane na si Chad at palagi niya itong tinatanggihan.
"Sige na, Tazi. Don't tell me, tatanggihan mo na naman ako?" nakangusong sabi pa ni Shane.
"That's not so you. 'Wag kang mag-inarte diyan." Agad siyang napatingin sa suot na wristwatch. It was just six in the evening. "Okay fine," pagpayag ni Tazi. Alam naman niya na kahit ilang beses siyang tumanggi ay yayain at yayain pa rin siya ni Shane. Besides, she wanted to atleast forget the coming days.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
LAXUS
Genel KurguLaxus is the most sexiest guy I have ever met in my entire life. But the very first time I laid my eyes on him, I knew he was the kind of trouble I didn't need in my life. But there was something about him that keeps on pulling me towards him, I di...
