MULA kaninang umaga ay hindi na siya inimikan ni Harper pagkatapos niyang sabihin ang balak niya. Lumabas ito at gabi ng bumalik ng condo. Dala ang baso ng gatas ay pumasok siya ng silid ni Harper. Nakaupo si Harper sa kama, nakasandal ito sa headboard habang nanonood ng telebisyon. Saglit itong tumingin sa direksiyon niya at muli ring ibinalik ang atensiyon sa telebisyon. Nagtatampo talaga sa kanya. Umupo siya sa gilid ng kama.

"Tinimpla kita ng gatas." Hindi kumibo si Harper.

"Harper, naman. Huwag ka namang ganyan, oh! Sorry na!" Noon ito tumingin sa kanya pero hindi nagsalita. Nakatitig lang ito sa kanya.

"Am I selfish? Pinipigilan kita sa pangarap mo." Inilapag ni Mhelanie ang baso ng gatas sa sidetable.

"Sanay kang ako ang kasama mo mula pa man noon. Kabisado ko ang ayaw at gusto mo. Hindi mo kailangan magbilin nang magbilin dahil alam ko ang dapat gawin hindi katulad ng iba mong nagiging PA at naiintindihan ko 'yon."

"Hindi lang naman 'yon, eh! Pakiramdam ko magkakaroon ka na ng sariling buhay at iiwan mo na ako sa oras na umalis ka sa puder ko. Alam mo naman na kayo lang ni Nanay Lena ang nagpapakita malasakit sa 'kin, eh. Dad and mom are very busy in their business at parang nakalimutan na nilang may anak sila. Ibinibigay nga nila ang lahat ng kailangan ko pero hindi ko sila maramdaman. Hindi pa ako handa, MM! Huwag muna ngayon, please!" Pagsusumamo nito. Tears glittered in Mhelanie's eyes, refusing to fall. Pamilya ang turing sa kanya ni Harper pero ito siya't nagawa niya itong traydurin.

"I'm sorry, Harper." Mahigpit niyang niyakap ang dalaga at hindi na niya napigilan pa ang umiyak.

"I'm so sorry, Harper! I'm so sorry!" Hinaplos ni Harper ang likod ni Mhelanie na nagulat sa bigla niyang pag-iyak.

"MM, that's okay. I'm sorry rin kung nagtampo ako, pero hindi ako galit. Hindi ko naman kayang magalit sa 'yo, alam mo 'yan." Parang dinudurog ang puso niya. Bakit kailangan malagay siya sa ganitong sitwasyon? Kasalanan niya ang lahat ng ito at deserve niyang maghirap ang kalooban niya.

Inilayo siya ni Harper at natatawang pinahid ang luha niya sa pisngi.

"Ang weird-weird mo. Para 'yon lang kung makaiyak ka diyan para ka namang may ginawang malaking kasalanan. Ako nga ang dapat mag-sorry, eh." Kung alam lang sana ni Harper na napakalaki ng kasalanan niya.

"Para kang si Falcon. Ang weird din niya ngayon." Literal na natigil sa paghinga si Mhelanie sukat na marinig ang pangalan ni Falcon. Sumasal ng husto ang tibok ng puso niya.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Muling isinandal ni Harper ang likod sa restboard.

"Pinuntahan ko siya sa opisina niya kanina. We went out. . . malling, watching movie, kumain. We were together all day but he was quiet as the grave. Isang tanong isang sagot at minsan pa ay ang layo ng sagot sa mga tanong ko. Kagabi pa siya gan'on. Nadatnan ko naman kayong nagtatawanan kagabi, pero nang yayain ko siya sa kwarto and when I tried to kiss him umiwas siya. Something strange, siguro may babae 'yon." Parang nabikigan si Mhelanie sa sinabi ni Harper.

"Pero hindi magagawa ni Falcon 'yon. . . Falcon is such a nice man — the best man I've ever known. . . Sayang." Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Harper at parang bigla ang malalim nitong pag-iisip.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon