"News?"

"Ah eh..."

"Huwag kang papasok ng opisina ko hanggat hindi mo nagagawa ang iniuutos ko." pagdi-dismiss niya.

"Suntukan nalang tayo, eh. Tsh! Secretary ang in-apply-an kong trabaho hindi private investigator." reklamo nito. Hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Hinabol siya nito.

"Hoy! Explain mo muna sa akin ang lahat bago ko to gawin. Labyu!" kondisyon nito sa kanya nang makapasok sila sa opisina niya.

"Kung ayaw mong gawin yan, maraming iba diyan na pwede kong bayaran. Pero ito ang tandaan mo, hindi ikaw ang magiging best man ko." pananakot niya habang niluluwagan ang necktie niya at komportableng umupo sa swivel chair niya.

"That's bullshit, Villaruel." naiinis nitong sambit. Nagkibit balikat lang siya. Pinanuod lang niya ito na palakad-lakad sa loob ng opisina niya.

"Correct me if I'm wrong.. or well, fire me." sabi nito nang biglang umupo sa upuan sa harap ng mesa niya. Cool lang siya na tumingin dito.

"You want me to find this girl para pakasalan mo. Amright?" seryosong tanong nito. Alam niyang nafu-frustrate na itong malaman na totoo ang hinala nito. He smiled at Johnny.

"Bingo, Santos! What took you so long to figure it out man?" natatawang kumpirma niya.

"F*ck Villaruel! Is that you, my friend? Are you sick? What happened? Naka-drugs ka ba?" sabi nito at dinama pa ang noo niya kung may sakit siya. Natatawa siyang tinanggal ang kamay ng kaibigan sa noo niya.

"Anong nakain mo at biglang gusto mong mag-asawa? Akala ko ba ayaw mo pang mag-asawa?" tanong ulit nito.

"Maybe people really change? Haha."

"Tell me, anong naramdaman mo ng makita mo itong babaeng ito? May spark ba? Nag-slowmo ba ang pag-ikot ng mundo?" parang babaeng taong nito.

"Your so gay, Santos. Gawin mo nalang ang pinatatrabaho ko sayo." pagdidismiss niya ulit dito.

"Whatever." sabi naman nito at naglakad na palabas ng opisina niya.

"Remember, Santos. Hindi ka pwedeng pumasok hanggat hindi mo nagagawa ang iniuutos ko sayo. At ibig sabihin noon, wala kang sahod. Hindi ikaw " pahabol niya. He just rolled his eyes at him.

Iniikot niya ang upuan niya at humarap sa nagtataasang building na kaharap ng Villafuerte Inc.

Hell, is he really going to marry her? He can't believe it. He can't say that it's love at first sight. Ni hindi niya naramdaman ang pinagsasabi nila na bumagal ang ikot ng mundo o ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Kahit na yung spark na sinasabi nila. The only thing he knew is that, the moment he saw her, he wanted to her to be his only.

But what if it's only lust that he feels for her? Dapat hindi siya magpadalus-dalos sa desisyon. Ayaw niyang matali, bata pa siya para doon. He sighed. Bakit ba ganito nalang ang epekto nito? Hindi kaya totoong ginayuma siya? Funny, alam naman niyang hindi totoo ang gayuma.

~~~

Kasalukuyan siyang nagpapahangin sa terrace ng bahay niya. He loves staring at the stars. Night is his favorite time of the day. Pakiramdam niya, nawawala ang lahat ng stress niya kapag nakatingala siya sa makikinang na mga bituin. Pakiramdam niya, nakakalimutan niya ang mga problema niya.

Naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya sa bulsa niya. Kinuha niya ito at rumehistro na tumatawag si Johnny. Sinagot niya agad ang tawag sa pag-aakalang may balita na ito sa pinapahanap niya.

His Broken Angel - HiatusWhere stories live. Discover now