CHAPTER 15

18 1 0
                                    

ALAALA
=========

ZANDRO'S pov

KANINA  pa akong patingin tingin sa upuan ni Mayo nawalang nakaupo. Ilang days na kasi siyang wala sa school at nag aalala na ako sa kalagayan niya.Simula kasi noong nangyari ang insidente na iyon ay wala na akong balita tungkol sa kanya.

Ang tanga ko lang kasi bakit ko ba siya pinabayaan.

Haka haka naman na lilipat daw siya ng school di lang sinabi. Mayroon ding nagsabi na nagbigti siya. At mayroon din na mawawala siya ng isang linggo para magpahinga.

"Wag naman sana. "  sabi ko at napabuntong hininga nalang.

"Womina, go to the board and solve the problem." napatingin ako sa gawi ni mahal.

Hirap na hirap ito maglakad at mababakas mo talaga sa mukha niya na nasasaktan siya. Gusto ko sanang siya tulungan kaso hindi ko naman siya mahahawakan.

Bakit kaya mahahawakan ko si Mayo tapos sila hindi?

"Sir,  ansakit po maglakad. " sabi niya at tuluyang bumagsak sa sahig. Napatingin naman ako sa paa niyang nakabandage. Na sprain kasi ito e at parang nagkasugat. "Help...please"

Agad naman siyang tinulungan ng mga kaklase niya at habang binubuhat siya ay napatingin ako sa mukha niya.

"Hindi! Di ako papayag. " sabi ng isang lalake habang hawak hawak ang kamay ng isang babae.

"Wala kanang magagawa doon! " sabi ng babae habang may hawak na kutsilyo. "Magpapakamatay ako pag di ka bumitaw! "

Biglang sumakit ang ulo ko pagkatapos kong may naalala.

"Palagi nalang ganito." sabi ko sa sarili ko. "Ano ba kasing nangyari, mahal? "

Kailangan ko na talaga ng tulong ni Mayo.

Hanggang may panahon pang natitira.

***

Author's day:  Hi guys!  Pasensya na short update lang hehe. Pero try ko habaan next time  :)

40 Days (On-going) Where stories live. Discover now