Dahan - dahan akong pumasok sa apartment ko .

~~~®~~~

Ilang araw ng paghihintay sa wakas dumating na rin ang araw na pinakahihintay ko . Makakakita na rin ako . Mabubuhay na rin ako ng maayos gaya ng dati . Sinundo ako ni Nurse Carl , siya kasi ang nag aalaga sa akin since nasa states ang mga magulang ko .

" Kinakabahan ka ba Ven ? " tanong ni Carl . Nasa ospital na kami at inaayos na lang ang mga bagay na dapat pang ayusin . Tumungo ako at ngumiti . May halong kaba at excitement ang nararamdaman ko .

Inalalayan na ako ni Carl na humiga .

" Ven , papainumin kita ng sleeping fills okey ? " marahang sabi ni Carl . Tumungo ako at may isinubo siya sa aking gamot ....

CHEN ’ s POV

THIS is the day Venven waiting for . Sa wakas at makakakita na siya . After many years of suffering . Hindi ako makakapunta sa OR dahil kailangan ko pang ayusin ang bagay na importa .

Sobrang sakit ng pakiramdam ko . Pagpasyahan kasi ng Mommy ni Iyah na . . . . .

nagpasya na siya na itigil na ang paghihintay sa anak niya . Nawalan na siya ng pag asa pero ako hindi pa . Hinihintay kong dumilat ulit ang mga mata ni Iyah . Pero sa kasamaang palad , her mom gave up . Tatanggalin na nila ang kableng.bumubuhay kay Iyah .

Wala akong magawa , desisyon ng magulang iyon .

Bakit kaya ang daling mawalan ng pag asa ang mga tao ? Mahirap bang umasa ?

" Chen , " tawag ni Auntie na lumabas galing sa kwarto ni Iyah . Lumapit ako sa kanya . Pansin ko ang maga niyang mata . Panigurado , umiyak siya . Kung natuto ka lang maghintay sa anak mo .

" Bakit po Aunti ? , " tanong ko . Tinitigan niya ako sa mata at napalunok .

" Say goodbye to her , " lakas loob niyang sinabi . Tumungo ako at pumasok na sa loob ng kwarto ni Iyah .

Nakita ko siya duon . Nakahiga , walang malay na parang natutulog lang . Nakangiti siya .

" Pano ka pa nakangingiti ngayong iiwan mo na kami . Kung naghintay pa sana ang mommy mo . Iyah kaya ... , " bigla na lang tumulo ang mga luha ko . Bakit ganito ?!

" Iyah , bakit ba ikaw pa ? Bakit ayaw m-mong gu-gumising . A-ayaw m-mo na ba k-kaming makasama ? " nauutal kong sabi sa kanya .

Napakapit ako ng mahigpit sa kamay niya . Hindi ko na mapigilan . Ansakit talaga eh . Mawawala na lang siya sayo agad . Parang nuon lang masaya kaming nagtatawanan at naghaharutan . Pero ito siya ngayon , nakahiga sa walang kalambot lambot na higaan .

* TOK TOK *

Biglang bumukas ng dahan dahan ang pinto . Mabilis ko namang pinunasan ang mga luha ko .

" Sir , pasensya na po . Kailangan na po namin siya . Maghintay na lang po kayo sa OR . Nandun po si Venven , " sabi ng nurse . Hinarap ko siya at nagsign na pumasok . Pumasok naman siya agad kasama ang iba pang hospital nurse .

Lumabas ako ng kwarto ni Iyah at naupo sa upuan duon  . Hinawakan ko ang ulo ko at yumuko . Bakit ba kasi siya pa yung nakoma . Bakit di na lang ako ? Sa lahat ng tao bakit siya pa ? yan ang mga tanong na gumugulo sa utak ko  .

" Wag mong sisihin ang nangyari , " sabi ng isang babae . Tumingala ako para tignan kung sino iyon . Si Auntie , akala ko nasa chapel siya . Naupo siya sa tabi ko . Mukhang okey na siya ah .

" Nung nakilala ni Iyah kayong dalawa ni Venven , nainggit siya sa inyo . Close na close kasi kayo ni Venven . Natuwa siya sa relationship nyong dalawa . Minsan nagseselos siya . Pero nung nalaman niyang umurong ang donor ni Venven . Para kasing kapatid na ang turing niya kay Venven . Nangako siya sa akin na kapag may nangyari sa kanya . Kapag naaksidente o nagkasakit siya na ikamamatay niya at maayos pa ang kalagayan ng mata niya . Idonate daw iyon kay Venven . Kaya kahit na masakit sa damdamin tinanggap ko pa rin na mawawala sa akin si Iyah , " kwento ni Auntie .

In My EyesWhere stories live. Discover now