O aming Amang makapangyarihan sa lahat, sa Iyo ang lahat ng aming pagsamba at pagluwalhati.
Una sa lahat, pinasasalamatan po namin Kayo sa Inyong pag-aalay ng Inyong Bugtong na Anak sa amin. Inaangkin namin Siya bilang aming Panginoon at Tagapagligtas. Batid po namin ang aming pagiging aba subalit pinili Niyang maging mas aba para sa aming katubusan.
Ama, hayaan Mo po kaming maging karapat-dapat sa aming pakikihati sa Katawan at Dugo ni Kristo na aming ipinagdiriwang sa Sakripisyo ng Banal na Misa. Pinili po Niyang maging munting Tinapay at isang kalis ng Alak para sa amin.
Sa paggabay ng Espiritu Santo, magawa po sana naming patuloy na lumapit sa Iyong Anak. Kami po sana'y maging isang Simbahang nakikihati sa pasyon ni Hesus na inaalala namin sa Eukaristiya.
Ang lahat ng ito sa pangalan ni Hesus, ang Tinapay ng Buhay, naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo. Amen.
( Ito ay mula sa Katolikong blog na Sa Isa Pang Sulyap - http://saisapangsulyap.blogspot.com )
JE LEEST
Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo - 18 Hunyo 2017
SpiritueelAng ating Ebanghelyo at mga Pagbasa, Gospel Reflection at Panalangin para sa Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo (18 Hunyo 2017). "Tandaan ninyo: malibang kanin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at in...