*Love sick*

819 49 22
                                    

Kinaumagahan pumasok si tyrone sa room ni braile at nagulat siya dahil sa sobrang init nito kulang na lang mapaso siya sa sobrang init."Ano na ang gagawin ko nito, wala pa naman sina mom and dad, ahhhh alam ko na si secret, si secret ang tatawagan ko"natarantang sabi ni tyrone at agad na tinawagan si secret.

"hello tyrone"

"Secret ang taas nang lagnat ni kuya. Pumunta ka dito sa mansion dali"

"Pabayaan mo hanggang sa mawalan nang hininga ang kuya mo!!!"Pagtataray ni secret.

"Secret naman, sige na please magtungo ka dito sa mansion"

"Bakit hindi mo dalhin sa hospital"

"hindi magpadala eh"pagsisinungaling ni tyrone.

"Edeh pabayaan mo na lang!!!"

"pwede ba magtungo ka na lang dito!!!"

"Wow ang galing ikaw na nga tong humigingi nang tulong tapos pinagtataasan mo pa ako nang boses"

"ok ok hindi na kita pagtataasan nang boses basta pumunta ka lang dito, isama mo na rin saf"

"KAPAL!!!................."May sasabihin pa sana si secret ngunit binabaan na siya nang phone ni tyrone.

Tiningnan ni tyrone si braile at parang nanaginip ito nang masama."B-bwesit ka dan!!!! Bwesit ka!!!"Sambit nito habang natutulog. kumunot naman ang noo ni tyrone.

"KARMA MO NA YAN KUYA!!!"sambit niya habang natutulog ang kuya niya. Wag kang mag alala dahil papunta na dito si secret.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kanina pa pabalik balik nang lakad si secret, lakad dito, lakad doon"Kung hindi ko siya pupuntahan baka kung ano na ang nangyare sa kanya"naguguluhan niyang sabi."But nandoon naman si tyrone upang alagaan siya"naguguluhan ulit niyang sabi."(tss) bakit ba sa tuwing lalayo ako sa kanya ang tadhana naman ang gumagawa nang paraan upang mapalapit ulit ako sa kanya"sabi nito."Haist!!!! Bwesit talaga ang lalaking yun!!!" Sabi niya at dali daling niyang kinuha ang bag niya at saka lumabas nang room niya.

Nagkasalubong naman sila ni saf"Ate where are you going?"Tanong ni saf."Samahan mo ako, tutungo tayo sa mansion nina tyrone"sabi ni secret at nagmamadaling bumaba nang hagdanan.

"ano naman ang gagawin natin doon?"

"Mag shopping gusto mo!!"Pagtataray ni secret"dami mong tanong alam ko naman na gusto mo rin kasi nandoon si tyrone"pang aasar ni secret.

"hoy wala akung sinabi!!!"Sambit nito.

Pumasok sila sa kotse si secret sa driverseat at si saf naman sa passenger seat. Pinindot ni secret ang remote nang gate upang mabuksan saka niya pinalabas ang kotse, tapos pinindot niya ulit upang masirado ang gate.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Bakit ba sobrang tagal nang babaeng yun"tanong ni tyrone sa sarili niya. Lumabas siya nang room ni braile tapos pababa na sana siya nang hagdanan ngunit nagsalubong sila ni secret na papaakyat din."bakit ang tagal mo!!"Pagalit ni tyrone.

"BWESIT!!!! kung babalik na lang kaya ako!!!"Banta nito na may kasamang pagtataray.

"Wag!"Pagpigil ni tyrone."Mas kailangan ka ni kuya ngayon, sobrang taas nang lagnat niya tapos nilalamig pa siya" sabi ni tyrone, dali dali naman silang nagtungo sa room ni braile.

Nakita nila si braile na nakahiga lamang sa malambot na kama tapos parang giniginaw kahit nakapatay na ang AC.

"Ate sa tingin ko kailangan na natin siyang dalhin sa hospital"sabi ni saf. nilapitan ni secret si braile.

"Braile...... Braile......"tawag nito kay braile, dahan dahan namang idinilat ni braile ang kanyang mga mata."Kailangan mong magpadala sa hospital"sabi ni secret.

"ayaw ko!!"Sambit ni braile.

"Ano ka na kailangan mong dalhin ka namin sa hospital"naiinis na sabi ni secret.

"Ate pabayaan na lang kaya natin siyang mamatay"singit ni saf.

"Kung ikaw na lang kaya ang papatayin ko!!!"Sabi ni tyrone kay saf. Si saf naman tiningnan nang masama si tyrone"I mean ikaw na lang ang papatayin ko sa pagmamahal ko"sabi ni tyrone.

"Nagkakasakit na nga tong kuya mo may pahugot hugot ka pang nalalaman"pagalit ni secret.

"sorry, nadala lang"sabi ni tyrone.

"kumuha ka nang mainit na tubig, yung kumukulo pa ha dahil ibubuhos ko sa pagmumukha nang lalaking to upang matauhan!!"banta ni secret.

"Kung ayaw mong gamutin ako pwede ba umalis ka na lang!!!"Singhal ni braile.

"Talaga!!! Edeh kung yan ang iyong nais"sabi ni secret at akmang hahakbang na sana ngunit hinawakan ni braile ang kamay niya.

"Stay with me, I need you"Sabi ni braile.

"Gago ka pala eh pinapaalis mo ako tapos ngayon hindi mo ako papaalisin kasi kailangan mo ako!!!! Kung tuluyan na lang kaya kita diyan!!!"Pagtataray ni secret."tyrone kumuha ka nang tubig ilagay mo sa bowl, tapos kumuha ka rin nang towel, tapos Ice, then tubig at pagkain"utos ni secret.

"Ate tutulungan ko na siya"volunteer ni saf

"ok sige"tipid na sabi ni secret. Umupo mo na siya sa tabi nang kama ni braile habang hinihintay niya ang pinauutos niya.

"Salamat"sambit ni braile."Kung hindi lang talaga kita mahal hindi ko talaga gagawin to sayo"sabi ni secret sa isipan niya. Nginitian lamang niya si braile. Lumipas ang ilang minuto bumalik ang dalawa na dala ang pina uutos ni secret."lumabas mo na kayo"sabi ni secret lumabas naman ang dalawa.

Umupo si secret sa kama, tapos binasa niya ang towel at pinahid niya ito sa kamay, paa, at inilagay niya sa noo ni braile, naglagay din siya nang ice sa isang towel tapos ipinaunan niya ito kay braile tapos kinuha niya ulit ang towel sa noo ni braile at pati na rin ang ice na pinaunan niya.

Inalalayan niya itong umupo at nilagyan niya nang unan ang likod nito upang masandigan ni braile. Kinuha ni secret ang arozcaldo at nagsandok siya, ngunit hindi binuka ni braile ang kanyang bibig, sa halip na ibuka niya nakatitig lamang siya kay secret.

"may dumi pa ako sa mukha?"Tanong ni secret Nginitian lang siya ni braile"Wala naman"sabi ni braile at ibinuka na niya ang kanyang bibig.

"kailangan mong kumain upang lumakas ka"sabi ni secret."At kailangan mong ubusin tong lugaw"sabi ni secret. Pagkatapos pinakain ni secret si braile ay pinainom niya ito nang gamot. Tapos Nilagyan niya nang thermometer ang ilalim nang kili-kili nito at nakahinga siya nang mluwag dahil bumaba na ang lagnat ni braile.

"magpahinga ka na, kailan mong mag ipon nang lakas"sabi ni secret at kanyang kinumutan si braile..

"Salamat"tanging sabi ni braile.

"sige na magpahinga ka na, lalabas mo na ako"sambit ni secret at paalis na sana ngunit napahinto siya dahil nagsalita si braile.

"Maaari bang dito ka lang sa tabi ko, mas makakatulog kasi ako nang maayos kapag nandito ka sa tabi ko!"Sabi ni braile.

"Alam mo mas makakaipon ka lang lakas kapag walang umiistorbo sayo"

"Pleaseee"pagmamakaawa ni braile.

"sige na nga"sabi ni secret. Umupo siya sa kama ni braile at dahan dahan namang ipinikit ni braile ang kanyang mga mata.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Please vote and comment

ANG PUSONG NASAKTANHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin