*Naguguluhang mga damdamin*

664 39 12
                                    

Sa station nang infinite nakaupo lang si braile sa garden habang umiinom nang beer, iniisip niya ang araw na magkasama silang dalawa ni secret. Ngunit iniisip niya rin ang nangyare sa kanila ni danielle. Dumating si tyrone at nakita niya si braile na nag iisang umiinom kaya nilapitan niya ito.

"bro mag isa ka yata dito"sabi ni tyrone sabay tapik sa balikat ni braile.

"may iniisip lang"

Umupo si tyrone at magkaharapan sila ni braile"Kumusta ang kalagayan ni dan? Ok lang ba siya?"Tanong ni tyrone.

"Oo maayos na siya, ano nga pala ang nangyare kahapon?"Tanong ni braile."Balita ko may nagrereklamo raw"

"Oo nagrereklamo sila sa ginawa ni secret noong nakaraang araw, ngunit naayos naman, puno nga nang luha ang paaralan kahapon eh"sabi ni tyrone.

"Bakit naman?"

"tinatanong kasi nila si secret na kung anong klaseng may ari siya, tapos binato naman ni secret ang tanong Kung anong klaseng magulang sila"sabi ni tyrone."Bro may problema ka ba?"Tanong ni tyrone.

"Bro naguguluha ako eh"sambit ni braile.

"bakit?"

"Hindi ko kasi maipaliwanag ang nararamdaman ko para kay secret"sabi ni braile. Napangiti naman si tyrone sa sinabi nang kanyang kapatid na parang nag aasar.

"ISA LANG NAMAN ANG IBIG SABIHIN NIYAN EH! mahal mo siya"

"hindi maaari! Girlfriend ko si danielle! Siya ang mahal ko! Kaya hindi maaaring magustuhan ko si secret"sabi ni braile.

"Bro hindi mo mapipigilan ang tinitibok nang puso mo, kusang tumitibok lang yan sa hindi mo maipaliwanag na dahilan, maaari mo naman siyang mahalin nang palihim kahit girlfriend mo si danielle eh"

"Hindi pwede yun! Ayaw kung maging unfair kay dan"

"tandaan mo bro walang sino man ang makakapigil sa nararamdaman mo kundi ikaw lamang, kung pareho mo silang mahal dapat mamili ka sa isa sa kanila"

"Malinaw naman na si danielle ang pipiliin ko"

"Wag mong sabihin na siya ang pipiliin mo kung hindi naman yan ang sinasabi nang puso mo! Kilala kita bro, siguro naguguluhan ka kasi parehas mo silang mahal at pareha silang mahalaga sa buhay mo! At natural na si danielle ang pipiliin mo kasi siya ang girlfriend mo, pero what if nag iba na ang tibok nang puso mo at si secret na ang nilalaman sa puso mo"

"Ewan ko! Naguguluhan ako"sabi ni braile.

"Piliin mo kung saan ka masaya"sabi ni tyrone."Pumasok na ako sa loob, at pagkatapos mong mag emot pumasok ka na rin. Gabi na eh"sambit ni tyrone.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
8:55 na but secret is still awake, hindi kasi siya makatulog sa labis niyang pag iisip, maraming gumugulo sa kanyang isipan, isa na dito ang kung sinong nasa likod ang nagtangka na dukutin siya, at pangalawa noong nasa hospital siya kasama si braile hindi maipaliwanag ang tibok nang kanyang puso, para bang bumabalik na naman ang kanyang dating nararamdaman sa prinsipe nang infinite.

Kinuha niya ang phone niya at pinagmamasdan niya ang mga larawan noong magkasama si ni braile at hospital. Napangiti siyang habang pinagmamasdan ang mga larawan."(tss) bakit ba kita iniisip?! Wala ka nang puwang sa puso ko kaya walang dahilan upang iisipan pa kita"pagtataray nitong sabi habang pinagmamasdan ang larawan. Napaikot na lang siya nang kanyang mga mata at tinapon ang phone sa may kama.

"Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit ako nagkakaganito? Ibig bang sabihin nito ay bumabalik na naman ang dati kung nararamdaman sa lalaking nanloko sa akin!!!! (tss) hindi maaari!!!!"Sabi nito habang kausap ang kanyang sarili.

"Hindi ko dapat ipagpatuloy tong nararamdaman ko! Hindi maaaring bumalik ang nararamdaman ko sa lalaking naging dahilan nang pagbabago ko"naguguluhang sabi ni secret tapos humiga sa kama niya at nagpagulong gulong.

Tok

Tok

Tok

"Sino ba yan!!!!"pasigaw at pasinghal niyang sabi.

"Ate ako to si saf"sambit ni saf na nasa tapat nang pintuan at nakatayo.

"pumasok ka!!"pasigaw na sambit nito. binuksan naman ni saf ang pintuan tapos pumasok."Bakit hindi ka pa natutulog?!"Tanong ni secret na may napakacold na aura.

"ikaw? Bakit hindi pa rin natutulog?"Tanong ni saf pabalik sabay upo sa kama ni secret.

"Hindi kasi ako makatulog"sambit ni secret.

"may bumabagabag ba sa iyong isipan?"Tanong ni saf.

"Bakit ko naitatanong?!"Tanong nito na nakataas ang kilay.

"Wala lang, napapansin ko kasi, dahil ba ito sa nangyare kahapon"

"Pakialamera ka rin noh!!"

"Nagtatanong lang, nasa iyo pa rin kung sasagotin mo ang katanongan ko!!!!"

"infairness lumelevel up ka na, sinasabayan mo na ang katarayan ko!"

"Ate yung braile ba na yun, siya ba yung ex mo"tanong ni saf.

"Bakit mo naitanong?"

"Wala naman, iba kasi siya makatitig sayo eh"

"Oo siya nga, siya yung lintik kung ex na naging dahilan nang pagbabago ko."

"hayyy naku ate wag mo na siyang pag aksayahan nang panahon dahil makakasira lang siya nang kagandahan mo, at kung mahal ka talaga niya siya yung naghahabol sayo hindi ikaw ang maghahabol sa kanya"

"At ang totoong pagmamahal hindi yan minamadali, makapaghihintay yan sa tamang panahon, wag kang mag alala ate dahil may darating pa sayo na mas higit pa sa kanya"

"kaya wag kang mag pakatanga dahil lang sa isang PESTENG PAG IBIG, ALAM MO HINDI NAUUBOS ANG LALAKI SA MUNDO KAYA MAY MAS BETTER PA NA KAYSA SA EX MO!!!"

"Dahil Sa 3.5 billion na tao sa mundo, may isang nakalaan para sayo" Kumunot naman ang noo ni secret dahil sa mga sinasabi nang kanyang pinsan.

"ANG DAMI MONG SINASABI!!! BAKIT ANG DAMI MONG ALAM TUNGKOL SA PAG IBIG, SIGURO NAGKA BF KA NA NOH"

"Wala pa akung BF noh, hindi ako nagmamadali. Dahil kapag nagmamadali tayo sa love ay doon tayo diyan tayo masasaktan"

"Hayyy naku matulog na tayo, siguro inaantok ka lang"sabi ni secret tapos unang humiga.

"dito ako matutulog"

"diyan ka sa kabilang side"sabi ni secret, dahan dahan nilang ipinikit ang kanilang mga mata at nakatulog naman si secret sa kabila nang pag iisip.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Please vote and comments

ANG PUSONG NASAKTANWhere stories live. Discover now