1 girl.
2 boys.
3 worlds.
4 different kinds of people.
***
"CASSIE! WAG!"
Sigaw ng isa sa mga taong mahal ko habang patuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang mga pisngi bago ako tuluyang dumiretso sa gitna upang maisagawa na ang ritwal.
Hayaan mo, magiging maayos na muli ang lahat, pansamantala lang naman ito.
Sana pagkatapos nito, ako pa rin at sana maging matagumpay ang ritwal.
Humiga na ako sa isang kamang gawa sa kahoy sa gitna ng mga batong kristal at mapupulang bulaklak na sing tingkad ng dugo, na nakapalibot dito. Sumulyap muna ako sa isang tao sa huling pagkakataon, pero sa likod ng puso't isip ko humihiling ako na sana, hindi pa ito ang huli.
Sa pag pikit ng mga mata ko ay simula ng pag-uumpisa ng mga matatanda sa ritwal na sabay-sabay nagsasalita ng hindi ko mawaring lenguwahe at kasabay rin ng mga kataga ay ang pagtulo ng isang luha galing sakin.
Sa kalagitnaan ang ritwal ay namamanhid ang buong katawan ko at habang tumatagal ay unti-unting sumasakit, na ngayon hindi ko na yata kakayanin. Gusto ko sanang imulat ang mga mata ko at sumulyap sa isang tao bago ako sumuko pero kahit pagmulat ng mga mata ay hindi ko na kaya pa.
Kasama ng mga alaala na unti-unting bumabalik sa isip ko ay ang pagsuko sa ideyang kaya ko pa. Patawad kung ito ang pinili kong desisyon.
***
Remember.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher.
Plagiarism is a crime punishable by law.
***
Note that I am not a professional in this field so please expect for wrong spellings and grammatical errors. Thank you.
YOU ARE READING
Remember
FantasyIsa lamang normal na tao si Cassie. Iyon ang alam nya. Ano kaya ang gagawin nya kung malaman niya na ang mundong tinitirahan ay hindi niya kinabibilangan para siya ay maitago sa tunay na mundong kanyang dapat pamuhayan? Genre: Fantasy
