2

1 0 0
                                    

"May problema ba kayo sa bading?"

Nagkatinginan kami ni Jeneva. Sabay na nanlaki ang mata namin at napasigaw.

"Bading ka?!"

Namula 'yung mukha ni Art pati tainga.

Sabay tingin niya sa paligid. Napatingin rin ako. Nasa kanya pala ang atensyon ng lahat ng kaklase namin. May ibang natatawa, may ibang walang pake, may iba rin namang mukhang nanghihinayang.

"Hindi ako bading, bakla, bisexual o kung ano pa man," bumuntong hininga siya. "Hindi ko lang maintindihan kung bakit ginagamit ng mga tao ang mga salitang 'yan para makainsulto.

"Kasi kung bakla ako, maiinis ako, magagalit, masasaktan. Bakit niyo gagamiting pang insulto ang katauhan ko? Gano'n. Gets niyo ba?"

Narinig ng lahat ang sinabi niya dahil karamihan nga ay napahinto sa mga ginagawa at nakatingin lang sa kanya. Natahimik lalo ang buong classroom dahil sa sinabi niya.

"Weh?"

Siniko ko si Jeneva. Ang agaw-eksena talaga nito.

"Epal talaga." Diretso ang tingin ni Clark kay Jeneva. Kinailangan ko pang yakapin sa braso si Je para pigilang tumayo at sumugod kay Clark.

Tumingin si Art kay Jeneva. "Kung tatanungin mo ulit ako kung bading ako, ang sasabihin ko: Hindi. Isang salita lang." Tapos kay Clark. "'Yung sagot lang. Hindi na ako magdadagdag ng tono na makakasakit sa isang bading dahil hindi naman niya kasalanan na bading siya. Hindi kasalanang magpakatotoo."

Katahimikan.

Kanina, pangiti-ngiti lang si Art. Nakita ko na agad ang pagiging masiyahin niya, pero hindi ko inaasahang ganito pala siya kalalim.

Mula sa kabilang sulok ng klase, nakarinig kami ng isang maarteng iyak. Si June pala. Ang nag-iisang bakla sa klase.

"Mahal na ata kita fafa—" natigilan siya at tinigil saglit ang pag-iinarte. "Ano ngang pangalan mo?"

Ngumiti si Art na nagpabuntong hininga kay June.

"Art. Ikaw?"

"Ako si June, fafa Art. Bading ako," tapos pinunasan pa niya ang mga luha-kuno niya sa ilalim ng mga mata gamit ang likod ng palad. "Lalaki ka diba? Edi compatible tayo?"

Natawa kami, maski si Art na umiiling. "Studies first."

Hindi na tinuloy ni June ang paglapit kay Art dahil natigilan siya sa kinatatayuan niya dahil sa sagot nito.

Maarte at may pagpikit na hinampas ni June ng dahan-dahan ang pinakamalapit na arm chair sa kanya.

"Ikaw talaga ang ideal fafa ko! Napaka! Sige, willing to wait akez."

Tawanan lang ang buong klase pagkatapos no'n, buong araw actually. Sinubukan lang naming kilalanin ang isa't isa dahil kahit karamihan sa amin ay old students, marami kami sa batch namin kaya marami pa ring hindi magkakakilala.

At kahit nahihiya akong makipagkilala sa iba noong una, nakayanan ko rin dahil mababait naman ang mga kaklase ko.

Bago pa mag-uwian, pinanlakihan ko na ng mata si Jeneva.

"Ano?"

Ngumuso ako kay Art. Mag sorry ka. I mouthed.

"Bakit naman?"

Nag cross arms ako. 'Yung sa bading! Remember!

"Makakalimutan rin niya—"

Biglang lumingon si Art sa amin kaya tinapalan ko ng kamay ko ang bunganga ni Je. "Ah, Jeneva?"

TroubledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon