chapter 3

422 8 0
                                    


Sa hapag kainan ng almusal ding iyon ay halos hindi na niya tinitinggnan si Gareth at nanatili lang siyang tahimik. Nararamdaman niya ang tingin nito sa kaniya at lalong nag-iinit ang mukha niya sa hiya. Ni hindi niya naubos ang almusal sa sobrang concious.

“ I'm sure mag-eenjoy kayo sa piñahanan diba iho? “ Untag ni Mommy Lita sa anak. Nalaman kasi nito na ngayong umaga nila planong umalis para mamasayal.

“ We will make sure na mag-eenjoy sila sa piñahan mom “ Sagot naman ni Makoy.

“ O, bakit tahimik yata si Clare? May problema ba iha ? “ untag ni Daddy Greg kay Clare, palihim siyang siniko ni Nikki kaya tuloy huli na ng makita niyang lahat ng mata ay nakatingin sa kaniya. Kanina pa niya nilalaro ang pagkain sa pinggan.

“ H-ha? Ah, eh wala po Tito, medyo hindi po kasi ako sanay na nag-aalmusal sa umaga. Pero okay lang po ako excited lang siguro akong mamasyal “ Nakangiwing sagot niya sa kaharap. Si Gareth ay hindi mapigilang ngumiti sa reaksiyon niya ng mapadako ang mata niya sa binata. Kulang na lang ay batuhin niya ito ng hawak na tinidor sa panunudyo sa kaniya.

" Ano ka ba, stop being so paranoid " saway ni Lee ng  nagsisimula na silang maghanda ng kakainin. Nahihiya pa rin siya sa nangyari kaya nagpasya siyang hindi muna sasama.

" Kahit na nakakahiya pa rin. Kung ikaw ang nasa kalagayan mo anong mararamdaman mo? " naiiyak na siya sa frustration. Wala pang beinte-quatro oras na nakikilala niya si Gareth pero samo't saring emosyon na ang nararamdaman niya rito.

" Girl you are thinking too much why don't you let it flow and enjoy " paalala lang ni Nikki. Iniwan  siyang mag-isa sa dinning dahil kailangan niyang tapusin ang mga sandwiches na babaunin while others need to help in cooking.

Maya-maya lang ay napangiti pa siya ng may pumailanlang na tugtog sa dining. It was her favorite song. Nadala pala ng mga ito ang mga CD niya at ngayo'y pumapailanlang na sa loob.

I never gone with the wind

Just let it flow

Let it take me where it wants to go

Till you open the door

There's so much more

I've never been there before

I was trying to fly

But I couldn't find wings

Then you came along

And you changed everything

You lift my feet off the ground

Spin me around

You make me crazier, crazier

Feels like I'm falling and I

I'm lost in your eyes

You make me crazier,

Crazier, crazier

Napangiti siya 'Crazier ' is one of her favorite song at mukhang pinaglalaruan siya ng mga kaibigan dahil tumutugma ang kanta sa nararamdaman niya ngayon.

" Iniiwasan mo ba ako? " Isang masuyong tanong mula sa likuran niya na halos ikatalon ng puso niya. Nakatayo na pala si Gareth sa tabi niya ng wala siyang kamalay-malay.

" Yes! N-no, o-ofcourse not bakit ko naman gagawin yun? " Napatingin siya kay Gareth in fresh look sa yellow polo shirt at khaki cargo pants nito. 

" Maybe because of the ki--- "

" Oh, don't say that please!" agap niya rito. Naitakip niya ang mga tenga. Napatawa lang ito.

My 28 years old foreverWhere stories live. Discover now