Chapter 15

294 7 0
                                    

“ Ano? So magmumukmok ka lang diyan at magmamatigas? Hindi ka pupunta sa San Marcelino ?  “ Nakapameywang na tanong ni Lee. 

Kinabukasan ng araw ding iyon ay lumuwas silang magkakaibigan nagpaiwan si Laurice sa dahilang may kailangan itong asikasuhin. Pagbalik nito sa manila ay ibinalita sa kaniya na nakabalik na si Gareth and explained na hindi ito ang nakabuntis kay Yanna kung hindi ang long time boyfriend nito. Kinailangan nitong tulungan si Yanna sa pag-eexplain sa ama nito sa pag-aakalang hindi ito pananagutan ng boyfriend nito. Eksaktong dumating sila Yanna at Gareth sa Spain ay naroon ang boyfriend ng una dahil pala matagal na itong hinahanap para panagutan. At ngayon  dalawang linggo na ang nakakalipas hindi niya alam kung paano siya mag-so-sorry sa binata para sa maling pag-aakusa niya rito. 

“ Paano kung ayaw niya akong makita ? “ kagat labing tanong niya rito.

“ Kaya nga nauso ang salitang sorry ? “ tudyo ni Krista. 

“ Bakit siya ba nag sorry sa pagpapanggap niyang hindi pa nakakaalala? “ balik tanong niya.

“ Okay, hindi ka namin pipiliting magsorry or pumunta sa San Marcelino bahala ka ikaw din mawawalan ng daddy iyang pinagbubuntis mo ? “ Tudyo ni Laurice. Mas malakas pa ata ang iyak ng mga kaibigan niya ng malaman nila ng nakaraang araw na buntis siya. 

“ Sasamahan niyo ba ako ? “ tanong niya sa mga ito pagkatapos ng mahabang sandali. 

“ Naku Ma'm nasa cabin po si Bossing, siesta po kasi kakatapos lang mananghalian “ Hinging paumanhin ni Mang Celso sa kaniya ng tanungin niya si Gareth. Pagkarating nila ay si Gareth kaagad ang hinanap niya. Sa panlulumo niya ay kinailangan pa niyang bumiyahe papuntang piñahan  sa katirikan ng araw. 

“ Sige po, pupunta na lang po ako roon ? “ may ngiti sa labing paalam niya rito. Kinakabahang tinungo niya ang tabing ilog kung saan naroon ang cabin. Naabutan niyang papasok pa lang ito ng bahay. 

“ G-Gareth ? “ Tawag niya sa pangalan nito. Tila walang anuman siya nitong tininggnan pagkatapos  mamanha sa presensiya niya. 

“ Anong ginagawa mo rito? “ malamig ang tonong tanong nito. 

“ C-can we talk, please? “ kagat labing tanong niya rito. Tila pinipigilan niya ang pagkawala ng emosyon sa pinapakita nitong kalamigan. Ibinukas lang nito ang pintuan marahil para pumasok siya” 

Ng makapasok siya ay napaupo siya sa rattan chair para mas mabawasan ang nararamdaman niyang kaba. Si Gareth ay tumungo sa kusina at uminom ng tubig. 

“ Coffee, juice, sofdrinks? “ Walang anumang tanong nito. Napailing lang siya bilang sagot dahil ang totoo hindi niya maapuhap ang boses sa sobrang kaba. Tila wala naman itong pakialam na nagkibit balikat. At nasasaktan siya sa pambabalewala nito. 

“ I- I'm sorry “ panimula niya na nagpaangat ng ulo nito. 

“ So you found out the truth, eh “ he smirk. 

“ G-Gareth forgive me, kasi narinig ko na--- “ 

“ Kaya nawalan ka ng tiwala sa akin at kinalimutan mong mahal kita, kinalimutan mo lahat ng pinagsaluhan natin ?  “ may dumaang sakit sa mata nito.  

“ No I--  “

“ No ? Why lady you broke my heart when you said that you pretend that you love me ? “ may pait sa boses nito kasabay ng pagbato ng baso sa dingding. Nagulat siya sa nakitang galit sa mga mata nito. 

“ I-I'm sorry please, don't get mad, I lied mahal kita “sabi niya rito . Natawa ito sa sinabi niya. 

“ Maybe your love was  not enough to trust me Clarence. Bumalik ka na sa Villa ipapahatid kita sa tauhan ko “ walang emosyong sabi nito. 

“ I'm pregnant Gareth “ Tila nawawalan ng pag-asang sabi niya rito. Nakita niyang naging mailap ang mga mata nito. 

“ I thought you said you can charge it to experience ? “ sabi nito sa sarkasmong tono. 

“ Hindi mo ba ako kayang patawarin ? “ tanong niya rito. Ng hindi ito sumagot ay nakaramdam siya ng panlulumo.

“ S-sorry kung naabala kita. 'Wag mo na akong ipahatid kaya kong umuwing mag-isa “  pagkatapos ay tila naghihinang tumayo. Hindi niya alam kung dahil sa kalagayan niya, sa init ng panahon or sa emosyon ay nakaramdam siya ng panlalabo ng paningin at tuluyang nawalan ng malay. 

“ Shhh, she's awake ? “ nauulinigan niyang anas ni Laurice habang unti-unting minumulat niya ang mga mata. 

“ We'll leave the two of you, please ayusin mo this time Gareth or i'll kick your sorry ass! “ narinig pa niyang banta ni Lee. Ng tuluyan na niyang imulat ang mga mata ay wala na ang mga kaibigan niya sa paligid. Alam niyang naroon pa rin siya sa cabin dahil pamilyar ang silid sa kaniya. Napasinghap siya ng gagapin ni Gareth ang mga kamay niya. Nagsimula na namang tumulo ang luha sa mga mata niya. 

“ I- I'm sorry, I know I shouldn't be here anymore hindi ko mapigi-- “ 

“ Shhh, will you forgive this fool babe ? “ awat nito kasabay ng masuyong halik sa kamay niya.

“ G-Gareth ? “

“ I'm sorry hindi ko gustong pahirapan ka, I'm sorry for being so childish gusto ko lang talagang parusahan ka saglit. Believe me ng sabihing mong buntis ka gusto ko ng tigilan ang drama ko, pasensya ka na gago ako, hindi ko lang mapigilang magtampo sa iyo noon, inakala kong higit kang makakaintindi kapag nag paliwanag ako sayo tungkol kay Yanna hindi pala. “ Nasa mga mata nito ang pagsisisi. 

“ Ako ang dapat mag-sorry sa mga sinabi ko sa iyo noon. Hindi iyon totoo. Isa sa pinaka-memorable na event sa buhay ko ay ang araw na iyon. Hindi ako nagpepretend na mahal kita kasi kahit kailan hindi nawala ang pagmamahal ko sa iyo I kn-- “ 

“ Shhh, let's forget that, ang mahalaga ay ang ngayon. Hindi mo lang alam kung ilang beses kong gustong batukan ang sarili ko ng makita kitang nahimatay, God, you scare the hell out of me, kinailangan ko pang tawagan ang mga kaibigan mo, at hindi mo lang alam kung ilang masasakit na salita ang nabitiwan nila sa akin. At kung kakamatay lang ang titig ni Lee, malamang pinaglalamayan na ako ngayon. “ May kalakip na tawa habang nagku-kwento ito. 

“ I love you Gareth ? “ masuyong sabi niya habang hinahaplos ang mukha nito. 

“ As I love you babe, salamat sa pinakamagandang regalo mo sa akin “ Sagot nito. Hinalikan nito ng buong alab ang labi niya pagkatapos ay ang sinapupunan niya.  

My 28 years old foreverWhere stories live. Discover now