Chapter 2 <We meet again>

9 1 0
                                    

Grant's Point of View

"Dude, she's coming back," sabi ni Lanz sa akin habang papasok ng kwarto ko.

"Yo," singit nung kambal. Si Roy at Ron.

"Ano ba naman yan Grant nag lalaro ka pa rin nyan?" patawang sabi ni Brian.

Andito na pala ang mga istorbo. Nag tataka siguro kayo kung anong nilalaro ko. Isang nakakainis na laro. Ironpants lang naman.

"Grant, you can't beat my highest score," Brian boasted. Tch, na beat nya lang ang 15 kong score ganyan na sya agad kasi yung best score nya 28 eh sa 'kin 27 lang.

"Eh sa flappy bird naman mas mataas pa rin score ko kesa sayo," sabi ko para tumigil na sya sa pang aasar sa 'kin

"Ano ba naman yang mga nilalaro nyo ang babaduy," sabi nung kambal sabay tawa. Kailangan sabay talaga?

"Anyway, sinong dadating Lanz?" tanong ko. Eh sa di ko alam anong pinagsasabi nya.

"Goddess," yun lang ang sabi niya. Kahit goddess lang ang sinabi nya kilala namin kung sino ang tinutukoy niya.

Napatingin kaming lahat sa kanya. So, it's true. Babalik na sya. Sa wakas.

By the way, sila ang mga kabarkada ko. Kilala kami sa school bilang 'Death'. In tarot cards kasi 'Death' doesn't mean physical death it means transformation and change.

"Kailan daw sya dadating?" tanong ko kay Lanz. Tinigil ko na din ang paglalaro ko.

"In two hours dadating na siya," sagot ni Lanz

Si Lanz Andrew Reyes ang pinakamatanda sa grupo. He's already 18 years old. Matangkad, matalino, laging naka serious mode. Basta siya na bahalang magpakilala sa sarili niya.

"We're so excited to see her," sabi ng kambal and yes sabay nilang sinabi yun.

They're Roy and Ron Martinez. Sila ang pinakabunso sa barkada. Mas matanda si Roy ng ilang minutes kesa kay Ron. Si Roy maingay, annoying (for me), and nosy but Ron is the complete opposite of Roy. Ewan ko ba sa kanila eh mukhang si Ron ang mas matanda sa kanilang dalawa.

"Dude, sino ba namang hindi ma e excite eh makikita na rin natin siya sa wakas for how many years," saad ni Brian habang pa upo sa sofa at nag lalaro sa phone niya.

Brian Yeban. Isang sikat na modelo sa buong Asia. 17 years old. Playboy. Yun lang.

Umalis na ako para maligo at mag ayos dahil pupunta akong airport para makita sya.

**

AIRPORT

Athena's Point of View

"Madam we will land in a few minutes," sabi nung flight attendant.

"Okay," sagot ko naman.

Pagkababa ko sa eroplano ay nagulat nalang ako kasi ang daming tao ang nasa airport. Di lang pala tao kundi may mga press din.

"Miss Athena, what made you change your mind? Why did you came back?" pasigaw na tanong ng isang TV reporter.

Bakit nila alam na umuwi na ako?

Don't tell me alam na rin nila na nakauwi na ako.

Napansin kong may tumitingin sakin kaya hinanap ko ito at nakita ko ang isang lalake na nakatingin sakin. 'familiar siya' sabi ko sa sarili ko. Di ko nalang siya pinansin at di ko rin sinagot ang mga tanong ng mga chismosong reporter. Mabuti nalang at magagaling tong mga bodyguard ko.

Sumakay na ako sa kotse at umuwi na dahil napagod ako sa byahe.

--

Note: This chapter may contain wrong grammar, wrong spelling, or technical deficiency. Phone lang po kasi gamit ko.

-ONLY_YOURS

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Warrior GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon