Chapter 2

181 3 0
                                    

     CHAPTER 2 :  MYSTERY GUY

____________________________________________________________________________

     Pagkatapos ng school at paglilinis ng swimming pool area, umuwi na si Alden sa bahay nila para ipagluto ang nanay niya na may sakit bago siya pumasok sa school. Mahina ang katawan ng nanay niya kaya kailangan niya tumayong asawa para sa nanay niya.

     Walang kapatid si Alden at iniwan na sila ng tatay niya noong pinagbubuntis pa lang siya ng nanay niya. Lumaking independent at open minded si Alden. Matapos ipagluto at pag silbihan ang nanay ay umalis na siya para pumasok sa trabaho.

     "Hey, ang aga mo brad ha." bati Ronald sakanya. Si Ronald ay katrabaho niya at pareho silang bartender.

     "Kailangan mag ayos para sa pagbubukas ng bar eh." sabi ni Alden kay Ronald habang papunta sa locker room para mag palit ng damit.

     "Hmp. Tignan mo si boss... parang problemado.." sabi ni Ronald habang nagpupunas ng mga baso at nakatingin sa stage kung saan nandun ang boss nila at tumutugtog ng piano.

     "Wag ka na ngang magulo. Wala ka na bang gagawin? Baka pag balingan pa tayo ng galit niya." sabi ni Alden kay Ronald habang nag titimpla ng mga alak.

     "Pero, talaga brad. Parang ang lungkot ni Boss ngayon." pangungulit ni Ronald.

     "HOY ! KAYONG DALAWA.... PINAG-UUSAPAN NIYO BA AKO??" sigaw ni Boss Anna sa Mic.

     "RONALD !! ISARADO MO UNG PINTO NG BAR AT UMUWI NA KAYONG DALAWA !!" patuloy niya.

     "Pero boss, hindi pa tayo nagbubukas..." natatakot na sabi ni Ronald.

     "WALA KANG PAKIALAM... SABI KO UMUWI NA KAYO.. NGAYON NA !!!!" galit na sabi ni Boss Anna.

  Wala ng nagawa sila Alden at Ronald kundi umalis. Nakasimangot at hindi sigurado kung may sweldo silang dalawa sa araw na un.

     Hindi makatulog si Ashley kaya, binuksan niya ang computer niya at nakipag chat sa lalaking nagpapagaan ng loob niya pero hindi pa nag-papakita sa kanya.

     Mystery guy: "Ashley.. Bakit gising ka pa?" 

     Ashley: "Wala naman. hindi pa kasi ako inaantok." 

     Mystery guy:  "Bakit? Hindi ka ba napagod?" 

      Ashley: "Hmm.. Hindi naman.."

     Mystery guy: "May problema ka ba?"

     Ashley: "Marunong ka ba lumangoy?"

     Mystery guy: "Hmm.. hindi masyado. Ikaw?"

      Ashley: "Hindi eh."

      Mystery guy: "Bakit?"

       Ashley: "Uhhmmm.. Hulaan mo??"

      Mystery guy: "Kasi ..... Nalunod ka??"

     *FLASH BACK*

        Nagkaroon ng field trip si Ashley noong Grade 5 pa lang siya kasama niya ang ate niya. Dahil hindi marunong lumangoy, hindi siya nag palit ng swim suit at umupo sa isang tabi. Napag-tripan siya ng mga kaklase niyang lalaki at tinulak sa swimming pool at tumawa ng tumawa ang mga kaklase niya. Muntik nang ikamatay ni Ashley un pero dahil sa nakita siya ng mga adults nailigtas agad siya sa pagkalunod.

      *END FLASH BACK*

         Ashley: "Oo. Uhm. matutulog na ako ha. gabi na kasi."

        Mystery guy: "Ok, sige. Goodnight"

       Mystery guy logged off

___________________________________________________________________________

     N/A: Story updated. ^.^ Hope you like the story so far. If you have suggestions sa takbo ng story just comment. Vote na din kayo. Thanks for reading. ^.^

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Contract (ON HOLD)Where stories live. Discover now