Chapter 1

219 4 0
                                    

CHAPTER 1 : SWIMMING TEAM

____________________________________________________________________________

     *RING*RING*

     Pinatay ni Ashley ang alarm clock niya pero natulog ulit ito. Sa pag-aalala ng ate niya na si Monica ay inakyat niya si Ashley sa Attic at ginising.

     "Oy, babae. Gumising ka na baka malate ka." sabi ni Monica habang nakayakap kay Ashley.

     "Oo. 5 minutes na lang." sabi ni Ashley habang nagtalukbong ng kumot.

     "Bumangon ka na. Niluto ko ung favorite breakfast mo. Dalian mo na dyan." sabi ni Monica habang tumatayo sa kama ni Ashley at pababa sa Attic.

     Bumangon na si Ashley at nag-ayos pagkatapos ay bumaba na siya para kumain. Samantalang, ung ate niya ay nagwowork out sa harap ng TV. Hindi na tinapos ni Ashley ang pagkain dahil napansin niya na malalate na siya sa klase.

     Habang naglalakad papasok ng school ay nasalubong niya ang mga loyal friends niya na sila Franz, Josh at Michael na naka scotter.

     "Hi, pare." bati ni Josh kay Ashley.

     "Uy, musta?" bati din ni Ashley sa tatlo habang naka ngiti.

     "Ok lang naman. Sumabay ka na samin, baka malate ka." aya ni Franz kay Ashley.

     Nang pumayag si Ashley na sumabay ay pinalipat ni Franz si Josh sa scotter ni Michael para sa kanya umangkas si Ashley.

     Pag dating ng school, agaw atensyon ang poster ng swimming team na nag-rerecruit ng mga bagong members. Nagkaroon ng interest si Josh at Michael na sumali, iniwan nila si Ashley at Franz sa Main gate at tumakbo sa swimming pool area.

     Nainis si Ashley sa kanila at pumunta sa practice ng taekwando club kasama si Franz. Pagdating doon ay nakipag laban agad si Ashley sa coach nila, siguro dahil badtrip siya dahil iniwan siya ng dalawang loyal friend niya.

     "Huy Franz ! Ano problema ni Ashley at saka .... nasan si Michael?" sabi ni Ella na girlfriend ni Michael na kasali din sa taekwando club. Close din siya kay Ashley pati na kila Franz, Josh at ang childhood friend ni Josh na si Andrea.

     "Hindi ko alam eh. Nakita mo naman na wala si Michael at Josh dito. Paano, sumali sila sa swimming team at iniwan si Ashley kaya siguro badtrip." paliwanag ni Franz kay Ella.

     "ANO?! Sa swimming team?? Bakit hindi ko alam un??" gulat na sabi ni Ella.

     "Kanina lang sila nag-decide. Kahit si Ashley nagulat." pabulong na sabi ni Franz.

     Sa swimming pool area....

     Akala nila Josh at Michael ay mag-swimming agad sila pero ang hindi nila alam. Pinahirapan muna sila katulad ng pag takbo, frog walk at push ups. Pinaglinis din sila ng locker area sa swimming pool, nagawa nila un lahat pero hindi pa din sila nakatambog sa tubig kahit isang beses.

     Matapos ang klase, taekwando practice at swimming warm up. Pumunta si Josh at Michael sa isang computer shop na pag mamay-ari nila Ashley. Dahil sa busy ang ate niya na si Monica, siya ang naatasan na mag bantay. Habang paakyat ng shop si Franz, nakita niya ung dalawa na nakaupo sa may hagdanan.

     "Uy, at may lakas ng loob pa kayong pumunta dito?" pagalit na sabi ni Franz sa kanila.

     "Wag mo na kaming pagalitan. Bwisit na nga kami kay Sea Monster dahil kung anu-ano pinagawa samin tapos hindi man lang kami pinag-swimming." nakasimagot na sabi ni Michael.

     "Sea Monster???" gulat na tanong ni Franz.

     "Oo. ung mokong na yun... walang ginawa kundi. gawin mo to.. kunin mo yun.. mag push up kayo. at kung anu-ano pa.." excited at inis na kwento ni Josh.

     "Buti nga sa inyo. hmp. umakyat na kayo bago pa lalong mag-init ulo ni Ashley." mahinahong sabi ni Franz.

     Umaakyat na sila sa shop ng magulat na si Ashley ang bantay. Expected kasi nila na si Ate Monica ang bantay ngayon.

     "Hoy. Hoy. Hoy. Anong ginagawa niyo dito??" sabi ni Ashley habang tinuturo sila Michael at Josh.

     "Nandito ako para ayusin ung computer. Ewan ko dyan sa dalawa kung ano kailangan nila." sabi ni Franz at agad na pumunta sa sirang computer.

     "Sorry na Ashley.. Alam mo namang masarap mag-swimming pag ganito ang panahon diba?" paliwanag ni Michael at Josh.

     "Sige, kunin niyo ung walis at mop dun sa banyo. Mag linis kayo dito. At wag kayo sumimangot tinatakot niyo ung mga customer." sabi ni Ashley.

     Agad namang sumunod si Michael at Josh, nang biglang dumating ang girlfriend ni Michael na si Ella.

     "Honey ! Honey ! Anong nangyari sayo? Tara nuod na tayo ng movie." aya ni Ella kay Michael.

     "Movie?? Alam mo ba kung gaano kasakit ung katawan ko Honey??" nakisimangot na sabi ni Michael.

     "Ano ka ba Honey???!!! Nag-promise ka sakin eh. Oh, tignan mo.. pumirma ka pa nga eh." pag pilit ni Ella kay Michael habang kinuha at pinakita sakanya ang isang organizer na may pirma niya.

     "Wag ka na magreklamo.. tara na honey." sabi ni Ella sabay hatak kay Michael palabas ng shop.

     "Hiramin ko muna tong boyfriend ko ha Ashley... BYE !" paalam ni Ella habang hatak pa din ang boyfriend palabas.

     "Hoy... Teka san mo dadalhin si Michael...." sabi niya pero hindi na siya narinig ni Ella.

     "Takas na din ako Ashley.." sabi ni Josh habang tumatakbo palabas ng pinto.

     "Hoy !! san kayo pupunta???!!" sigaw niya.

___________________________________________________________________________

     N/A: Hope you like it this first chapter. First story ko to ng solo. Ung "You're the one that I want" kasi joined idea kasi namin un ng sister ko. So, this time solo ko naman. Comment and vote. Open din ako sa mga suggestions. Thank you for reading ^.^

Love Contract (ON HOLD)Where stories live. Discover now