Day 17; narration

455 10 4
                                    

TRISHIA KIM'S POV

Ulgo sipji anha~

Pinakiramdaman ko yung phone ko sa table ko at at pinatay ang alarm, agad akong bumangon para maghilamos, bumalik ako sa kwarto ko at nakita si Daehwi na nakataklob,

"Gising na insan, 05:40 na," sabi ko sa kanya,

"Oo, 5 mins," sabi niya sakin,

"Dun ka na mag ayos sa inyo," sabi ko sa kanya pero di siya sumagot, kinuha ko yung jacket ko at sinuot, lumabas ako ng bahay na naka suot ng black oversized shirt, baby shorts na pink at yung jacket na gray. Nag doorbell ako sa kanila at saktong palabas yung mama niya para pumasok,

"Hi po tita!" bati ko,

"Oh pamangkin bakit?" tanong niya,

"Kukunin ko lang po yung uniform tsaka ibang gamit ni Daehwi oppa, ang tamad po bumangon eh," sagot ko,

"Ay ganon ba? Yung batang yun talaga. Sige pasok kana alam mo naman kwarto niya at aalis na ako," sabi niya, oo ang aga umalis ni tita, super busy rin niya sa work eh.

Pumasok ako sa loob at agad umakyat sa taas, pumunta sa kwarto niya,

"Ang linis ng kwarto niya, infairness," sabi ko, binuksan ko yung cabinet niya at kinuha yung naka hanger na uniform,

"Okay underwears na," sabi ko sa sarili ko, binuksan ko yung drawer at pumili ng kulay, black? white? gray? red? blue? green? Gray! Pagkatapos ay ang medyas niya. Pumunta naman ako sa cr para kunin yung toothbrush niya, it's blue. Bumaba ako at kinuha yung sapatos niya, isinara ko yung bahay at gate nila bago bumalik samin.

"Insan!" sigaw ko habang umaakyat, binuksan ko yung pinto at nakita siyang umupo at nagkamot, inilapag ko yung gamit niya sa kama ko,

"Wait! Don't tell me..." sabi niya na nanlalaki ng mata,

"Yeah, I picked that gray UNDERWEAR," sabi ko sa kanya at hindi siya naka sagot,

"Andaming colors ah," pang aasar ko at tumayo siya agad akong tumakbo pababa at sumunod siya,

"Sige, ano!" sabi ko sa kanya habang hawak yung sandok, tumigil siya at umupo sa lamesa, niluto ko yung bacon at eggs pati narin yung rice na sakto lang saming dalawa.

Habang hinihintay pumunta muna si Daehwi sa bahay nila at kinuha yung bag niya, bumalik siya dito na handa na yunh breakfast. Nagdasal muna kami bago kumain, ng matapos ako naghugas ng mga plato at naligo na siya sa taas. Habang hinihintay siya matapos inayos ko yung higaan sa kwarto ko at ibinalik yung foam na hinigaan ni Daehwi sa isang kwarto. Pabalik na ako sa kwarto ko ng lumabas siya na nakabalot ng twalya ang ibabang parte. Ang hot niya tignan lalo na sa messy wet hair niya. Lol I've seen him many times like this pero ngayon nalang ulit after we graduated. Kung kelan 3rd year na kami.

Umiling ako at pumasok sa banyo, nagshower ako mga 8 mins. Kumatok ako sa kwarto ko pero walang nasagot binuksan ko yung pinto at walang tao, nasa baba na si Daehwi. Nag damit ako at nagblow dry ng buhok for 2 mins. Bumaba ako pagkatapos maayos ang sarili, chineck ko yung oras, 06:32. Kinuha ko yung susi at lumabas kasama si Daehwi. Ayun sa Bus Stop ang punta namin.

~~~

Nakarating kami ng school 06:59. Magkasabay na kaming umakyat ng hagdan patungo sa classroom, same year kami pero magkaiba ng section, mas mataas siya. Si Justin naman na naka salubong namin, mas mababa sakin.

Nagsipunta na kami sa mga classrooms namin, lumabas din ako pagkalapag ng bag ko, may 15 mins pa naman kasi 07:15 pa klase namin. Sumilip ako sa window at tinignan ang view ng malawak na area na may mga puno. Naalala ko tuloy yung time na nagconfess ako kay Euiwoong.

~~~

a/n: Spoil - Magkikita ulit sila Trishia at Euiwoong. Tas may mangyayari kay Guans.

thirty days ㅡ lai guanlinWhere stories live. Discover now