Chapter 11

445 5 18
                                    

Chapter 11

DREAMLESS

“PEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEN~!!!!!” Huff! Huff! Ang aga-aga eh mala-Tarzan na naman ako. Balik eskwela na ulit kami. Isang araw na ang lumipas mula nang gawin namin ni chingu ang mala-telenovelang eksena sa airport.. KYAAAAAAAAA!

Uwaaa! Kinikilig pa rin ako!!! >< Kahit super busy kami ngayon sa pagcomply ng mga requirements sa school, minsan-minsan, lumilipad parin ang utak ko pabalik dun sa arena at sa airport. Hohoho.

“Late. 10 minutes.” Bati ni Pen. Hindi ko alam anong nangyari pero balik na naman si Pen sa old self nya, yung mahilig mang-asar at super composed na tao. Ah~! Me nagbago pala. Wallpaper ng phone nya. HAHAH! Of course! Pati yung akin binago ko rin. US. SHE AND I. WITH CNBLUE!!! AHHHHHHHHHHHHHh!!!! ><

Anyways, balik reality. Nag-promise ako na susundan ko sila hanggang South Korea kaya eto ako ngayon ginagawa ang lahat mapasa lang ang school pati ang darating na License Exam sa August.

“Gomen. Matagal ako nakatulog kagabi kasi tinapos ko pa yung special project sa Interior Design Workshop III. Kaya yun, natagalan din ako ng gising.” Paliwanag ko. Waaa! Kahit sabog na sabog ako kagabi, tinapos ko talaga yung plan.

Si Pen naman nakatingin lang sakin nang ilang sandali, medyo kunot yung noo. “Ah, ganun ba.. I see.” Teka, may weird ba sa sinabi ko? “Tulungan mo na ako dito."

Kasalukuyang tinatapos namin ang BLUE Project. Ito kasi ang major-major requirement namin ngayon. Pintura dito, pintura doon, Ukit dyan, pokpok sa dulo. Interior kasi ng isang miniature house ang ginagawa namin. Sabi pa nga ng iba eh doll house daw. Haha. Natawa naman ako dun.

Ang galing talaga ni Pen pagdating sa color complementing and mixing. No wonder nangunguna sa Color rendering classes. Tahimik lang kaming nagtrabaho hanggang tanghali. Planado na din namn ang lahat kaya coordinated nga kami kung tawagin.

Finally, natapos na rin ang ilang buwan naming pinaghirapan. “Waaaaa…. Gutom na ako.” Sabi ko. Super gutom na talaga ako, si Pen kasi monster kung magtrabaho, walang break-break. “Canteen tayo Pen.”

“Okay.” Sagot nya. Niligpit na muna namin ang gamit sa working room namin bago lumabas. “Nga pala Aye, naka-internet ka na ba?”

“Huh? Di pa. Bakit? Kelangan ba? Me assignment tayo?” nagtataka kong sagot.

Ah anak ng tipaklong. ANG GROUP PAGE!!! UWaaaaaa!!!!

“UWAAAAA!!!! Tama pala!!! Siguro, pinapatay na ako dun!!! Kelangan ko ng internet. Kelangan ko ng INTERNET!!!!” Dali-dali kong hinanap ang aking iPod para makapag-log-in man lang sa Facebook.

“Akala ko ba gutom ka na?”

“HUWAIT!!!! Kelangan ko munang makita to.” Mabilis na tinayp ko ang aking username at password. Uwaaa! Bilis internet! BILIS!!!

“Aye, nakakatakot ang mga Boices.” Simpleng sabi ni Pen. HINDEEEEEEEEEee!!!!!

Basa. Basa. Basa… Untouchable Goddess page. Oh shet.

“Jandi Lee.. Sino ang babaeng epal na to?? WAAAA! Ang sarap nyang kalbuhin!!!” basa ni Pen habang nakikisilip sa iPod screen. Kasama ng post eh ang nakakabit kong picture na nakatalikod, tumatakbo, habang si Jungshin eh super bare ang mukha sa picture. OH HELL. Ito yung mala-action-movie naming takbuhan sa arena.

“GIRL WITH THE BLUE HIGHLIGHTS DAW??? OPPAAAAA! In love ka na??? Hindeeeeee!” basa naman ni Pen sa walang ka-emo-emosyong tono.

Nanlalamig na ako. Uwaaa! Wala naman siguro akong picture dito na makikilala ako diba. May isang post ulit:

Sweet DreamsWhere stories live. Discover now