Chapter 7

500 4 8
                                    

CHAPTER 7

        Maingat kong tinahak ang hagdanan papunta sa 2nd floor ng bahay namin. Gabi na ngayon, at tumatakbo parin sa isipan ko ang kinuwento ni ate Laila.

“Lalaki na naman daw na mahaba ang buhok, tapos matangkad. Di nga lang daw mamukhaan nung bata kasi daw malabo ung mukha nung lalaki.”

O siyeeeete. Anak ng kalabaw, butiki at miming. Kinakabahan na talaga ako…

Tap. Tap. Tap.

Tunog lang ng tsinelas ko ang naririnig. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Tap. Tap. Tap.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Badump. Badump. Badump.

Ano yon?! @%#^$!!

O.A Aileen. Heartbeat po yon. Eh alangan naman, “doki doki”. Ano to, manga?

Ambilis na ng tibok ng puso ko, yong tipong pinaghalong kaba, saya, takot at sakit ng tyan. Ganun katindi! UWaaaa! Wala na man siguro akong lahi na inaatake sa puso diba?? Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

«♫♥♪«♫♥♪«♫♥♪«♫♥♪«♫♥♪«♫♥♪«♫♥♪«♫♥♪«♫♥♪«♫♥♪«♫♥♪«♫♥♪

“May vigil sa inyo?” tanong ni Penelope kinabukasan. Uwaaaaa!! Ito na nga, aasarin na naman ako. T.T.

Alam ko, oo, alam ko, ang iitim ng ilalim ng mata ko ngayon. Huhuhu. At di ako makakatakas sa pang-o-okray ni Pen.

“Grabe Aye, ganun ka na talaga ka-desperadang makapasa sa license exams at pumunta ng Korea at nag-study ka lang magdamagan? O di kaya may vigil? Spiritual healing session??” Ito na nga, at magsisimula na. “Aigoo. Parang gusto ko na rin nyan… ang cuuuute! Ahahahah!”

“Tuwang-tuwa ka naman?” maldita kong sagot.

“Hahahahahaha!” Abaaaa… at natuwa nga bff ko. “Mas dumagdag sa cuuuuute factor mo ung inis mong mukha! Awoooo!”

May times talaga na parang gusto kong sapakin ng totohanan si Pen. Isa to ngayon sa mga time na yon. “Aishhhh!” sabay taas ng kamay ko, akmang sasapakin na talaga.

“Ms. Aoki.” Aigooo… boses talaga yon ng prof namin. Si Pen naman, ang laki na ng ngiti. Aish…

Dahan-dahan akong tumalikod at ayon. Si Sir Conrad nga. “Ahehehe… Good morning sir. Tinawag nyo po ako?” maamo kong tanong. Confirmed na talaga, may multiple personality disorder ako. Waaa!!!

“Kumusta na ang BLUEProject nyo?” tanong ng Prof. Si Penelope na ang sumagot.

“Okay na po yon sir. Konting renovations na lang po ang kulang. Matatapos namin yon ni Aileen before pa ang deadline.”

Tango-tango lang si Sir Conrad. “I see. That’s good.” Aalis n asana si sir ng may pahabol siya, “Ms. Aoki,”

“Ho?”

“Mag-concealer ka iha.” Sabay alis. Anak ng puting bato~!

“HAHAHAHAHAHA!” Grabe, laptrip talaga si Penelope. Kulang na lang eh gumulong-gulong siya sa sobrang happiness. Wait. Siguro nagtataka kayo kung ano yong BLUEProject. Gustuhin ko man na sana CNBLUEProject un, hindi eh. Requirement namin yon for graduation. Sariling design, sariling effort. Ang nangyari, partner kami ni Pen dun.

Tawa pa rin ng tawa si Pen. Ang tindi talaga ng okray powers ng mga kilala ko. Aish. “Oh? Tuwang-tuwa ka talaga ano? Di ka pa tapos?” inis ko namang tanong.

Sweet DreamsOnde histórias criam vida. Descubra agora