-3-CRAZY-

3.1K 25 6
                                    

-3-CRAZY-

Halos atakihin ako sa puso sa sinabing iyon ni Rowi,Kulang nalang talaga hilingin kong patayin ako ni Frieza na kalaban ni Goku sa dragon ball.Halos ilang minuto rin sigurong napanganga ang Nanay at Tatay ko,pero sa huli nagtawanan lang ang mga ito

"Ang mga kabataan talaga ngayon masyadong mapanglinglang.kung ano-anong kalokohan ang iniisip"

"Tama ka nga diyan Darling,Gutom lang yan ihoj,kung gusto mo dito kana mag-merienda at maghapunan"Dag-dag nang Nanay kong natatawa

"Po?"Dun lang ako natauhan nang marinig kong muli si Rowi na mag-salita

"Naku Nay!Hindi kumakain nang pangmahirap na pagkain yan,Mayaman yan eh!kung ako sa inyo pauwiin niyo na siya para hindi tayo magkagastos"

"Mag tigil ka ngang bata ka!ang bisita ay bisita!marapat lang na pakinin natin siya"napasimangot naman ako sa ginawang pagbulyaw sakin nang nanay ko

"Sandli ho?"pigil ni Rowi sa tangkang pag-tayo ng mga ito

"Huwag kang mag-alala ihoj,sisiguraduhin naming special ang ipapakain namin sayo,hindi naman purkit mahirap kami wala na kaming mapapakain na pang mayaman"tumango-tango naman ang Nanay ko sa sinabi nang Tatay ko

"Hindi po ako,pumunta dito para makikain,nandito po ako para hingin ang basbas niyo"ito talagang lalaking ito,ang sarap patayin.

"Talaga bang desperado kanang mapasaiyo ang anak namin,kaya nagagawa mong mag sinungaling nang ganyan?"Ayan na!Naku po!Sumeryoso na nang salita ang Tatay ko,sigurado akong ipapatapon na ako nito sa impyerno

"Totoo pong sinasabi ko,may nangyari po sa amin nang Anak niyo.Ayoko pong baliwalain lang ang nangyaring iyon,kaya gusto ko siyang pakasalan"Hindi ko naman sinabing pakasalan niya ako,bakit siya ganyan?bakit niya ako pinapahamak sa magulang ko?

Sobra na yung pamamawis nang mga kamay ko.kulang na nga lang pigain ko at ibilad sa initan.Ano nang gagawin ko?Ayoko na!Gusto ko nang magising sa bangungot na ito,Siguradong mapapatay ako nang tatay ko.

Bigla naman napaltan nang maaliwalas na mukha ang kaninang seryosong mukha ng Tatay ko.ngiting-ngiti itong nilapitan si Rowi at tinapik ito sa balikat.Nakakatakot naman yung ngiting iyon parang katapusan ko na sa mundong ito

"Saludo ako sa sinabi mong iyan ihoj,dahil diyan pinapayagan na kitang pakasalan ang Anak ko,hangad kong maging masaya kayo sa buhay may-asawa."Ano daw iyon?Nasisiraan na yata ng bait ang tatay ko at kung ano-anong pinag-sasabi

Mangiyak-ngiyak naman na lumapit sakin ang Nanay ko at bigla akong pinaghahampas.halos mataob nga ako sa ginawa niya

"Nay naman!"

"Napakalandi mo talagang bata ka!Pinalaki naman kita nang maayos pero bakit naging ganyan ka!"mas lalo pa ako nitong pinaghahamapas,may kasama na ngang batok

"Aray naman Nay!"

"Bakit?bakit sinuko mo agad ang bataan mo!Bakit?"Halos maglupasay na ito sa ginagawang drama

YOUR HAND TOUCHING MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon