CHAPTER 6 ~Trouble~

Start from the beginning
                                    

Tinakbo ko ang kinaroroonan ng motorbike ko. It's not the same as I used before kaya bumili na lang ako ng bago. Madali lang naman kumuha ng motor dito sa pilipinas. Well, it depends on the motorbike you want. Mine is a bugatti.

Alam kong susundan ako ni Adonis kaya kaagad na pinatakbo ko na iyon ng makita ko sa pinaradahan ko malapit sa headquarters.

Nadaanan ko pa si Phoenix na nasa isang tabi na nakatingin sa akin o sa motorbike ko. Kasama niya si Snow na nakapasan sa balikat niya at kumakaway sa akin. Weird parin pala ang dalawang 'to hanggang ngayon. Sumaludo ako sa kanila.

"Nice ride!" Phoenix said, admiring my bike.

"I know!"

Pinaharurot ko na ang motorbike ko paalis. Ilang agents din ang nadadaanan ko na napapatingin sa akin. Maybe I ruined the expensive grass or something? I'll make Adonis pay for it if ever. Since ang dami na niyang nilalagay sa abnormal naming kasunduan kaya ako naman ang magdadagdag. Though I can pay for it mabuti narin na hindi naman ako dehado.

Hindi ko alam kung saan ang patutunguhan ng daang tinatahak ko. Ni hindi nga ako sigurado kung hindi ba ako maliligaw. Pero may 0.01 percent na hindi ako maligaw. Limot ko na ang daan dito sa Pilipinas.

Niliko ko ang motorbike sa daan kung saan alam kong papunta sa sibilisasyon. Mahirap na at baka mawalan pa ako ng gasolina sa walang taong lugar. Pahihirapan ko lang ang mga agents na hanapin ako. Idagdag pa na baka si Adonis pa ang sumundo sa akin. Magyayabang na naman ang taong iyon.

Dapat talaga hindi ako nagpaengganyo kay Daniel noon. Kung sabagay kasalanan ko naman talaga ang nangyari kung bakit nakilala ko si Adonis. Wala namang ginawa si Daniel kundi ay ipush ng konti ang abnormalan na iniisip ko noon.

It was still my decision and there is no one to blame but me.Pero pinagsisisihan ko ba talaga? Meeting him, ouching him...kissing him.

"Focus, Sky."

Ipinara ko ang motorbike sa tapat ng isang convenience store. Singurado ko muna na hindi iyon ang pag-aari ng pamilya ni Den. Mahirap na at baka maigisa pa ako. Masyadong matanong ang babaeng iyon at kung saan-saan pati sumusulpot.

Pumasok ako sa loob at naghanap ng maiinom. Napangiti ako ng makakita ako ng Heineken. Perfect.

Kumuha ako ng anim na can at lumapit ako sa register kung saan nakatunganga sa akin ang binatilyong cashier. Siguro mga nasa eighteen pa lang siya or something.

Nginitian ko siya at inintay na ipunch na niya ang mga bibilin ko. Pero nanatiling nakatitig lang siya sa akin. I look at him then turned my eyes down pointedly at the beers.

"Erm?"

Still no effect. Bumuntong-hininga ako at inabot ko ang device na ginagamit nila. Ako na mismo ang gumamit no'n at pagkatapos ay nagbaba ako ng bill sa harapan niya. Sobra pa nga eh. Before I walk away I leaned down the counter and kissed his cheek.

Natatawang lumabas ako ng biglang namula ang buong mukha niya.

What can I do? I love those kind of reaction. Oo na. Playgirl na kung playgirl.

Tumaas ang kilay ko ng makita ko ang ilang mga kabataan na nakapalibot sa motorbike ko. Hindi naman nila hinahawakan pero parang gusto na nilang sambahin iyon. Sa isang tabi ay nakaparada ang may karamihan ding mga motorbike. Hindi nga lang kasing mahal ng akin. But hello? They're kids.

Sumipol ako.

Napatingin sila saking lahat at napangiti ako ng mapatunganga sila sa aking lahat. Lumapit ako sa kanila at nakangiting tinapik ko ang seat ng motorbike. "You like my baby?"

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaWhere stories live. Discover now